《23》CLEAR THINGS OUT

856 34 0
                                    

Third Person's POV

Agad na sinalo ni Jungkook si Taehyung nung mawalan ito ng malay dahil sa pag-iyak. Napangiti na lamang sya sa sarili nya habang tinitingnan ang maamo nitong mukha.

Binuhat nya ito bago maglakad palabas ng opisina nito. Sumakay sya ng elevator at pinindot ang numero ng opisina nya.

"Why are you so cute?" Tanong ni Jungkook pero sinubsob lang ni Taehyung ang mukha sa dibdib ni Jungkook. Para bang kino-komportable pa nito ang sarili sa pwesto nito. Mas napangiti si Jungkook, nagmumukhang baby ang secretary nya.

"Mr. Jeon----anong nangyari kay Mr. Kim?" Takang-tanong ni Namjoon na naiwan sa opisina nya kasama si Faye. Tiningnan ni Namjoon ang mukha ni Taehyung at nasiguro nyang umiyak nga ito.

Si Faye naman ay napairap sa hangin dahil sa eksenang ginawa ng secretary ni Jungkook. Matutuloy na sana ang inaasam nyang mangyari sa pagitan nila lalo na't nagbago ito kanina ng pakikitungo sa kanya.

Labis pa syang nagtaka dahil di sya nito pinalayas at may kung anu-ano pang sinasabi na para bang expected na nito ang pagdating nya. Dati-rati ay halos ipasarado ni Jungkook ang buong kumpanya, wag lang makapasok si Faye pero nag-iba bigla ang ihip ng hangin. Bumait ito pero bigla ring nagbago agad.


《SHORT FLASHBACK》

Natulala silang tatlo nung sumara na ang elevator. Nakatayo pa rin si Namjoon dun at pilit na inaalala ang sakit na nakita nya sa mga mata ni Taehyung kanina. Nais nya pa nga sana itong tanungin pero natakasan sya.

Agad syang tumikhim nung matauhan. Lumingon sya kay Jungkook na nakatingin pa rin sa elevator na nakasarado na. "Mr. Jeon, heto na po ang--"

"Why is he crying?" Narinig nyang tanong nito kaya napatigil sya. Napansin rin pala nito.

"Nung pagpasok ko po kanina ay napansin ko pong umiiyak sya pero sabi nya ay humikab lang daw sya. I didn't believe him, Mr. Jeon. Mr. Kim cries with an unknown reason.." paliwanag ni Namjoon kaya napalingon sa kanya si Jungkook.

"Really? Do you think he cries?" Tanong nito na tinanguan ni Namjoon.

"Yes, Mr. Jeon. Imposibleng hikab lang yun dahil pati ilong nya ay namumula. May nangyari po ba?" Tanong ni Namjoon bago tingnan ang paligid. Napako ang mga mata nya kay Faye na nakaupo sa sofa.

"Mr. Jeon, paano yan nakapasok dito?" Gulat na bulong ni Namjoon kay Jungkook.

"I let her in. Well, she's seducing me but.... I don't know, I felt nothing.." kibit-balikat na sagot ni Jungkook. Bigla ay napaisip si Namjoon sa sagot nito.

Matagal na nyang pinaghihinalaan na baka may nararamdaman na si Taehyung kay Jungkook at mukhang ang pangyayaring ito ang kasagutan sa hinala nya. Pwedeng umiyak si Taehyung dahil sa selos lalo na't ayon kay Jungkook ay sine-seduce sya ni Faye.

Napatango-tango si Namjoon sa sarili nya bago tingnan si Jungkook.

"I think, Mr. Kim is jealous.." nasamid si Jungkook kahit wala naman itong iniinom.

"W-What? A-Are you insane?" Tanong ni Jungkook.

"No, Mr. Jeon. We all noticed that he cried, right? But we don't know the reason. I think when he witnessed how Faye seduced you, he felt pain. He's jealous that's why he cried.." paliwanag ni Namjoon na kinalunok ni Jungkook.

"Do you think?" Tanong muli nito na tinanguan ni Namjoon.

"I need to talk to him.." mabilis ang naging hakbang ni Jungkook patungo sa elevator na agad  namang bumukas. Napangiti na lamang si Namjoon nung makita ang ningning sa mga mata nito.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon