《33》BEING WITH YOU

768 31 6
                                    

Kim Taehyung's POV

"Nasa taas si Miss Lisa.." bulong sakin ni Namjoon nung marating ko ang kumpanya. Napahawak ako sa batok ko dahil parang bigla iyong sumakit. Halos di maganda ang tulog ko dahil sa kakaisip sa nangyaring gulo sa resto kahapon.

Idagdag pang matapos kong ihatid si Mr. Jeon sa condo nya ay kung anu-anong messages ang nakuha ko mula kay Miss Lisa. Ni hindi ko nga alam kung paano at saan nya nakuha ang number ko.

"Bakit nandun sya?" Tanong ko kay Namjoon. "May nangyari ba kahapon sa resto?" Tanong nito na kinaiwas ko ng tingin. " Meron.." bulong ko na halos di yata umabot sa pandinig nya.

"Ano?" Tanong pa muli nito. "Ahm...Meron" pagsagot ko na kinaangat ng kilay nya. "And that is?" Tanong nito.

"K-Kasi..." huminga ako ng malalim bago sya seryosong tingnan. "Sinisisi nila si Mr. Jeon sa nangyari sa past. Am kong wala akong kinalaman dun, ni hindi ko nga alam ang kwento nun pero base sa mukha ni Mr. Jeon ay alam kong nasaktan sya. Pinag-kaisahan sya ng lahat, Namjoon. Halos wala syang kakampi" kwento ko. "He even cried in my front because of the pain he's facing" dagdag ko pa bago muling tingnan si Namjoon.

"Calm down, Tae. I'm not one of the Jeon Clan so you don't need to look at me like that."pagpapakalma nito sakin habang nakahawak sa balikat ko. He sighed deeply. "I knew that you're concerned and worried about Mr. Jeon. I won't be mad if you stood as his defender yesterday. I'm actually glad because you can protect him like Mr. Hoseok always do.." nakangiti nitong bulong. Nginitian ko sya pabalik.

"Thank you, Namjoon." He just nodded. "You better go upstairs. I bet Miss Lisa is poisoning Mr. Jeon's mind.." bulong nito sakin bago tumawa. Tinulak nya ko patungo sa elevator bago maglakad patungo sa labas ng company.

Nung marating ko ang opisina ni Mr. Jeon ay pareho pa silang napatingin sakin. Nakatayo si Mr. Jeon sa tapat ng mesa nya habang umiiyak si Miss Lisa sa dibdib nito. Ibig kong mapairap sa ere pero pinigilan ko ang sarili ko.

Hindi alam ni Mr. Jeon ang nangyari kahapon kaya wala ako sa lugar para magmatapang. Naglakad ako palapit sa kanila habang nakayuko.

"Mr. Jeon.." bulong ko bago balingan si Miss Lisa na matalim ang tingin sakin. Tiningnan ko rin si Mr. Jeon na wala namang emosyon ang mukha. Mas nakadama tuloy ako ng kaba dahil ang hirap nya na namang basahin.

"Mr. Kim--" nanlaki ang mga mata ko ng walang anu-ano ay sinampal ako ni Miss Lisa. Napakuyom ang kamao ko bago nagyuko ng ulo.

"Matapang ka kahapon diba? Bakit di mo ipakita ang tapang mo ngayon?! Ano?! Nasaan yung tigre kahapon na wala raw takot na masisante?! Sinagot-sagot mo pa'ko kahapon pero ngayon para kang pusa--"

"Lisa.." naputol ang sinasabi ni Lisa nung sumingit si Mr. Jeon. "What Kookie? I'm just saying the truth. Sinagut-sagot nya ko kahapon at pinahiya sa harap ng pamilya mo. Sa tingin mo ay may kapatawaran yun? One slap isn't enough to show him the anger that I'm feeling right now!" Pagtataas nito ng boses pero di ko pa rin inangat ang mukha ko.

Paniguradong magagalit na naman sakin si Mr. Jeon. Ayaw nya sa lahat ay ang nakikialam ako.

"Based on what I remembers, you're blaming him about the mess yesterday..." napatingin ako kay Mr. Jeon nung sabihin nya yun. Maski si Lisa ay di makapaniwala sa narinig. Umayos ng tayo si Mr. Jeon at hinila ako palapit sa kanya.

"K-Kookie..a-ano ba yang--"

"I'm also saying the truth, Lisa. Ano namang mapapala ko kung magsisinungaling ako diba?" Walang emosyong bulong ni Mr. Jeon. Pano nya ba nalaman ang lahat ng yun? May CCTV na naman ba dun? Kinwento ba ni Hoseok? Pano?

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon