《21》CONFUSIONS

796 32 0
                                    

Kim Taehyung's POV

"Wag ka na daw sumama, Tae. Kaya na daw nya ang sarili nya.." napatingin ako kay Namjoon nung masalubong ko sya sa lobby. Agad ding nakuha ang atensyon ko ng kotseng paalis na ng kumpanya

"May problema ba kayong dalawa?" Tanong ni Namjoon pero agad akong umiling.

"Wala naman. Bakit?" Tanong ko

"Well, the demon is back. If you doesn't notice it, Tae, he's back to his serious, cold and demonic self. I guess, you knew something about it, don't you?" Naka-cross arms na tanong nito. Ngumiti ako sa kanya at nagpapasalamat ako dahil di mukhang pilit yun.

"Maybe, he just wanted to be back. Wala akong kinalaman dun, Namjoon.." bulong ko pero umiling lang sya.

"In case you don't know, ten of our employees were fired last week and another five were fired today.." inangatan nya pa'ko ng kilay samantalang ako ay napanganga na lang. Di ko alam ang kaganapang iyon.

Nakakulong lang ako sa opisina ko dahil sa mga ibinigay na gawain sakin ni Mr. Jeon, para bang wala na syang balak na paakyatin ako sa opisina nya. Sa sobrang dami ng kailangan kong gawin, pati pagkain ay sa opisina ko na rin ginagawa. Ganun sya ka-attitude ngayon.

"Bakit di ko alam yan?" Naguguluhan kong tanong. Namjoon shrugged his shoulder.

"Maybe because you're too busy in your office works. Kitang-kita ko na ang pagiging secretary mo ngayon.." napatigil ako sa narinig mula sa kanya.

Ayoko na pong mas mapahamak kayo dahil sakin kaya aasal na lang po ako bilang secretary..

Is he doing this intentionally? Kaya ba puro na lang ako paperworks at taga-ayos ng mga schedules ay dahil gusto nyang ipadama sakin
ang pagiging secretary? Gusto nya talagang tuparin ang sinabi ko?

"Secretary naman talaga ang trabaho ko dito,Namjoon" nakangiti kong sagot sa kanya.

"You're right. But don't you notice something? When you became his secretary he changed. From being worst to being best. He changed his attitude.."

"Pero walang may gusto ng pagbabagong iyon, Namjoon. Lalo na ang Dad nya, di ba sobrang galit nun sakin?" Tanong ko

"Wait, kaya ba parang may malaking pader sa pagitan nyo ni Mr. Jeon ay dahil sa kaganapang iyon?" Tanong nya pabalik na nagpahinga sakin ng malalim.

"Di mo ba napansin? Mula nung tumapak ako dito ay puro problema ang dala ko. Kay Mr. Agustus, Mr. Alazar, mga issues, sa Dad nya at...ayoko nang madagdagan pa yun. Tama na. Di ko na kakayanin kapag nabugbog na naman sya ng dad nya dahil sa mga desisyon nyang labag sa batas ng tatay nya." Paliwanag ko kay Namjoon.

"Tae, tinanong ko na sayo to dati..." bulong nya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.

"Ang alin?" Kunut-noo kong tanong.

"Tinanong ko na sayo dati kung sinisi ka ba nya sa mga nangyayari. Ano? Nakarinig ka ba ng pangsisisi mula sa kanya?" Umiling ako dahil di naman talaga ko sinisisi ni Mr. Jeon. Di ako nakarinig ng masasakit na salita sa kanya, sya pa nga ang pumoprotekta sakin. "That's it. He's not blaming you, so why are you being like this? Don't be scared about the things that are happening. Don't be scared about what the future holds. That's destined to happen and it's up to you if you're willing to fight or leave him behind.."

Nakatulala lang ako sa kanya habang sinasabi nya yun. Napalunok ako dahil nakagawa na'ko ng desisyon bago ko pa marinig ang payo ni Namjoon.

I've already chose the painful way, I left him behind. I left him in the middle of the battle.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon