《10》MAD MR. KIM

892 36 0
                                    

Kim Taehyung's POV

"Ilang araw ka ng walang gana, huh?" Bahagya ko lang tiningnan si Namjoon bago ibalik ang mga mata ko sa pagkain. Pagkain na ilang minuto ko ng tinititigan pero di ko pa rin nababawasan. Tubig lang yata ang laman ng tiyan ko pero di ako nakakadama ng gutom.

"Ewan ko, Namjoon. Wala lang talaga kong gana kumain" sabi ko bago bitiwan ang kutsara. Muli kong kinuha ang bottled water at yun ang ininom. Napansin ko ang paghinga ng malalim ni Namjoon bago ako tingnan.

"Anong problema? May nangyari ba nung araw na umakyat ka para awatin ang mag-ama? Mula nung araw na yun ay naging ganyan ka na..." sabi nya na kinakunot ng noo ko. Binaba ko ang bottled water at nagtatanong ang mga matang tiningnan sya.

"Anong naging ganyan?" Tanong ko.

Tinuro nya ang mukha ko pababa sa katawan ko bago sabihing "Para kang laging walang buhay. Yung kahit nandyan ka naman parang wala ka sa sarili mo, laging blangko yung mukha mo, laging lumilipad yung isip mo. Naaasikaso mo pa ba si Mr. Jeon? Baka masisante ka ng wala sa oras.."

Nung marinig ang pangalan ng boss namin ay bahagya akong napasimangot. Kahit di ko asikasuhin ang arogante na yun ay makakagalaw naman sya. Kaya naman nyang kumuha ng banana milk sa ref nya, marunong din syang magtimpla ng kape. Nalagay ko na lahat ng mga dokumentong kailangan nya sa mesa nya at higit sa lahat ay alam na nya ang one-week schedule nya.

Baka sabihin nya pang ini-invade ko ang personal life nya oras na tumapak ako sa opisina nya.

"Kaya nya ang sarili nya, Namjoon. May dalawang kamay at paa naman yun para gumalaw.." asar na sabi ko bago nagsalumbaba sa mesa.

Palaging naglalaro sa isip ko yung mga sinabi nya nung araw na yun. Alam kong pinigilan na'ko ni Namjoon pero tumuloy pa rin ako. Dapat ay hinayaan ko na lang pala silang mag-ama para di ako nasaktan sa mga sinabi ni Mr. Jeon.

Look. I'm just trying to help him but he got it the negative way. I don't know if it's because of his pride, ego or because he's just mad that day but hell, why does he need to tell me that. A simple thank you can make me feel glad but he doesn't say it.

"Taehyung, be careful in your words. Don't forget that you have debts to pay.." sabi ni Namjoon habang abala sa pagnguya. Nais kong mapairap sa ere dahil sa utang na yun.

"Isang buwan pa lang ako dito pero wala pa rin akong pan-down payment dun sa utang na yun." Naibulong ko nung maalalang kailangan ko pa lang magbigay ng pera.

"You don't need to think about that for now. Just stay at his side..."

"Utos na pinaka-ayoko" nasabi ko sa labis na frustration. Binaba ni Namjoon ang kutsara at tiningnan ako.

"At bakit?"

"Kasi naman, tinulungan ko syang magpaliwanag sa Dad nya pero anong ginawa nya? Nagalit pa sya sakin. Sinabi nya pa na ayaw nya daw may nakikialam sa personal life nya, deh di ko na sya papakialaman. Halos sumabog na'ko sa takot sa Dad nya tapos gaganunin nya lang ako? Sinong di maiinis, Namjoon? I don't even hear a single thank you nor sorry from him.." iritadong kwento ko na kinatahimik nya.

He sighed. "I told you not to go up but you still did. I'm not blaming you but Mr. Jeon doesn't have good relation with his family. Ayaw na ayaw nya na may nakakakita o nakakaalam ng personal nyang buhay. He's a secretive and mysterious guy. He's silent but mindful. He can handle his Dad, Tae. He can. Don't be sad because of what I'm saying but next time, listen to me and don't throw yourself into troubles" mahabang litanya nito na kinayuko ko.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon