《32》PROTECT HIM

735 30 0
                                    

Third Person's POV

"G-Gukkie.." bulong ni Taehyung nung saktong sumara ang pinto. Nakayuko lang si Jungkook habang mahigpit na nakahawak sa pulsuhan ni Taehyung.

"I-I'm fine, baby.." bulong nito at nagpatuloy na sa paglalakad habang hila pa rin si Taehyung. Di na napigilan pa ni Taehyung. Tumigil sya sa paglalakad at hinila paharap si Jungkook sa kanya. Nagulat sya nung bigla sya nitong yakapin at umiyak ng umiyak sa balikat nya.

"I-I just need someone t-to lean on, Taehyung. J-Just give me a minute.." humihikbing bulong nito na kinapikit ni Taehyung. Inangat nya ang kamay nya at niyakap ito pabalik.

"Just cry, Gukkie. I'm here.." bulong nya. Sa pagdilat nya ay nakita nya ang dalawa sa pinsan nito na nakatingin sa kanila. Halata sa mga mata nito ang gulat, awa at lungkot pero nagsipag-iwas ito ng tingin.

Diretsong naglakad si Hoseok dahil di nya makayanan ang nakikita sa pinsan. Alam nya ang nangyari sa aksidenteng iyon kaya alam nya rin kung gaano kasakit kay Jungkook ang masisi.

Katty sighed deeply as she smile a little to Taehyung. Taehyung just nodded. Tuluyan ng umalis si Katty kaya muling napokus si Taehyung kay Jungkook.

Ramdam na ramdam nya ang pamamasa ng coat nya dagdag pa ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanya. Hinaplos nya ang buhok nito at hinayaan ang pag-iyak nito.

Lumipas pa ang ilang minuto at naramdaman na lang nya ang buong bigat nito. Napasandal sya sa pader nung mapansing nakatulog si Jungkook sa balikat nya. Bigla ay nagpanic sya sa anong dapat nyang gawin. Di nya malaman kung paano ito bubuhatin dahil ayaw naman nya itong gisingin. Halata sa mukha nito ang labis na pagod.

"Mr. Kim.." napalingon sya sa pinto nung bumukas iyon at lumabas si Lisa. Napatingin ito kay Jungkook na nakayakap kay Taehyung. Dali-dali syang lumapit dito at inalam ang kalagayan ni Jungkook.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Lisa. "Nakatulog po sya matapos umiyak.." maikling paliwanag ni Taehyung kaya nakadama ng awa si Lisa. Tiningnan nya si Taehyung sa mukha.

"Give him to me, I---"

"No." Pareho silang natigilan nung sabihin iyon ni Taehyung. Napaiwas sya ng tingin nung siyasatin sya ni Lisa. Halata sa mukha nito na hindi nagustuhan ang sinagot nya.

"Why are you disagreeing?" May halong asar na tanong ni Lisa. Natatakot at kabado man ay lakas-loob pa ring niyakap ni Taehyung si Jungkook para mailayo ito kay Lisa.

"Ako na pong bahala sa kanya, tutal ay secretary nya naman ako--"

"That's the point. You're just a secretary and you're not involve in his personal problem. Because of you, the whole reunion became a mess. Dapat di ka na lang sumama." Sumbat ni Lisa kay Taehyung. Napatiim bagang si Taehyung. Sa kanya pa sinisi nito ang nangyaring gulo sa loob.

Gusto man nyang kumalma ay di nya magawa. Ilalabas na lang nya ang mga salitang kanina nya pa gustong isumbat sa mga ito.

"Hindi mo 'ko masisisi kung talagang mapanghusga ang pamilya na yan." Parang ngayon gusto ilabas ni Taehyung ang pagkaasar nya sa nangyayari kanina. Kitang-kita nya kung paano pinagkaisahan si Jungkook ng sarili nitong angkan. Gusto nyang maghiganti para dito, poprotektahan nya ito ngayon.

"Aba, napakalakas naman ng loob mong sumagot ng ganyan. Baka nalilimutan mo kung saan ka dapat lumugar?" Taas ang isang kilay na tanong ni Lisa. Sandaling umangat ang isang kilay ni Taehyung bago tumangu-tango.

"Alam ko ang lugar ko. Alam ko kung hanggang saan lang ako.." maikli nyang pagsagot dito. Napatango naman si Lisa bago sya ngisihan. "Alam mo naman pala. Bakit napakatapang mo? Alam mo ba na pwedeng-pwede kang masisante sa ginagawa mong pagsagot sakin?" Tanong nito habang naka-cross arms.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon