《37》DEMON IS BACK

747 29 3
                                    

Third Person's POV

Napadilat si Jungkook sa mula sa masakit na panaginip. Naramdaman na lang nya ang tuluy-tuloy na pagtulo ng luha nya habang inaalala ang huling mga oras na nakasama nya ang ina. Napapikit naman sya dahil sa pag-iyak.

"Baby.. b-bakit ba kasi ikaw pa?" Umiiyak na naman nyang bulong habang inaalala ang nakangiting mukha ni Taehyung. Matagal syang naghirap at nagdusa at tanging si Taehyung lang ang nahanapan nya ng saya na di nya maramdaman mula nung mamatay ang Mom nya.

Pero yung tao pa lang nagpapasaya sa kanya ay anak ng taong punu't dulo ng lahat ng sakit na hinarap nya. Idinilat nya muli ang mga mata nya at huminga ng malalim.

"He needs to pay for what his father did.." huling bulong nya bago tuluyang tumayo. Late na sya sa trabaho pero wala syang pakialam. Sa nalaman nya kahapon sa resto ay bumalik sa kanya lahat ng sakit at paghihirap na pinagdaanan nya bago nya narating ang posisyon nya ngayon.

He will not be titled Demon without any reason.

Inayos na nya ang sarili nya at sandaling napatitig sa salamin. Halata sa mga mata nya ang pag-iyak pero kailangan nyang magpanggap na hindi sya nasasaktan. Kailangang maging malakas sya muli para mapagbayad na nya ang dapat magbayad.

Naka-white long sleeves lang sya at di na nag-coat pa. Kahit nga necktie ay di na nya nailagay pa dahil sa sobrang katamaran nyang kumilos. Parang nawalan sya bigla ng sigla.

Nung makasakay sya sa kotse nya ay minaneho na nya ito patungo sa kumpanya. Napahinga sya ng malalim at nakapamulsang lumabas ng kotse. Napansin nya ang pag-iwas ni Taehyung ng tingin nung madaanan nya ito.

Agad syang bumalik at tumayo sa tapat nito. Umangat ang tingin sa kanya ni Taehyung. Labis na nakadama ng kaba si Taehyung dahil sa nakikitang anyo ni Jungkook. Halata na naman ang pagiging demonyo nito, sa mga mata palang.

"Bakit nandito ka pa?" Maayos at malinaw na narinig ni Taehyung iyon pero parang nabingi sya ng ilang minuto. Hindi sya makapaniwala sa sinabi ni Jungkook.

"M-Mr. Jeon--"

Naputol ang sasabihin nya nung hablutin ni Jungkook ang nameplate nya. Mahigpit itong hinawakan ni Jungkook bago itapon sa kungsan.

"You're fuckin fired so get the hell out of my eyes" matigas na bulong nito. Napaatras si Taehyung lalo na nung kwelyuhan pa sya ni Jungkook.

"I don't want to see your face again, Kim Taehyung. I may kill you if I see you again.." bulong nito na kinasikip ng dibdib ni Taehyung. Tinitigan nya ang mukha ni Jungkook kahit sobrang nasasaktan at natatakot na sya.

"M-Mr. Jeon, kailangan ko po ang trabahong ito dahil sa utang--"

"Maghanap ka ng ibang kumpanyang tatanggap sa gaya mo. Kapag di mo nabayaran ang utang na iyon, sinisigurado ko sa'yong sa kabaong ang punta mo.." madilim ang anyong banta ni Jungkook bago itulak palayo si Taehyung sa kanya.

"Mr. Jeon! What are you doing?!" Di makapaniwalang tanong ni Namjoon na kararating lang. Si Taehyung naman ay halos maiyak na dahil sa sinabi ni Jungkook. Agad na inalalayan ni Namjoon si Taehyung na halos manghina na sa mga nangyayari.

"Mr. Jeon, ano na naman ba'to?" Matalim na tiningnan ni Jungkook si Taehyung bago balingan si Namjoon. "Namjoon, alam mo ba ang dahilan kung bakit ko pilit na pinahanap ang anak ni Mr. Vince Kim? Alam mo ba kung bakit gustong-gusto kong pabayaran sa kanya ang half a billion kahit alam kong imposible?" Tanong ni Jungkook na ikinagulat ni Namjoon.

"Alam mo nang sya ang may utang sayo?" Tanong ni Namjoon. Jungkook smirked."Yes, and I'm thankful because I knew it earlier. Alam ko kung sino at nasaan yung taong dapat kong pagbayarin. Nakakatuwa dahil nasa tabi ko lang pala sya. Di na mahirap na parusahan sya." Sabi ni Jungkook pero nalilito pa rin si Namjoon.

"P-Pero bakit ganyan kalaki ang galit mo?" Tanong ni Namjoon. "Nice, natanong mo rin." Bulong ni Jungkook. Namulsa pa sya bago tingnan ang nakayukong si Taehyung.

"This guy, this secretary that you hired is the son of my so-called enemy. Why did I have enemy? Well, Mr. Vince Kim was the only reason, the only cause of all my sufferings. From my mother's death to the Jeon Clan's hatred. That Vince Kim just ruined my almost perfect family. Now,tell me? How can I fuckin let his son enter my company? I won't, I will never. " sagot ni Jungkook.

"Mr. Kim Taehyung, you're not allowed to show your face to me if you don't have the money. Try to run away and I will let you see how hell looks like.." huling sabi ni Jungkook bago tuluyang tumalikod.

Pagtalikod ni Jungkook ay saka nanghihinang napaupo si Taehyung sa sahig, nanginginig at traumang-trauma sa nasaksihan. Nag-alala naman itong inalalayan ni Namjoon bago lingunin si Jungkook na tuluyan ng nakapasok ng kumpanya.

Samantala, si Jungkook naman ay napasandal sa elevator wall dahil sa pamimigat ng dibdib nya. Naiinis sya dahil napalapit ang puso nya sa taong dapat ay kaaway nya. Naiinis sya dahil napamahal sya sa secretary nya, sa secretary nya na pinagtanggol nya sa lahat ng bagay pero dapat nya pa lang pabayaan.

"Damn it. Why am I hurting? I should be happy because I can ruin his life. I can ruin him." Sabi ni Jungkook bago marahang napapikit.

Agad nyang kinuha ang phone nya nung tumunog ito. Napairap sya sa ere nung mabasa ang pangalan ng tumatawag.

Arkin Jeon calling...

Naaasar man ay sinagot nya pa rin ito.

"What took you so long to answer?" Tanong nito saktong bumukas ang elevator. Sandaling napatigil si Jungkook habang nakatitig sa kitchen counter kungsan palaging nandun si Taehyung para ipagtimpla sya ng gusto nya.

"Jeon Jungkook!" Napakurap si Jungkook nung marinig ang boses ng ama.

"What?" Tinanggalan nya ng pagkainis ang boses nya bago tuluyang maglakad patungo sa mesa nya. Tamad na tamad na umupo si Jungkook dun at pinikit ang mga mata. Kung pwede lang patayin ang tawag ay ginawa na nya.

"I heard that you found Vince Kim's son" napadilat at napaayos ng upo si Jungkook.

"How did you know?" Takang-tanong nya

"Connections. According to my reliable source, Vince's son is your secretary, Mr. Kim Taehyung. Am I right?" Di alam ni Jungkook kung bakit bigla ay nakadama sya ng labis na kaba.

"Yes" maikli nyang sagot dito.

"Nice. I didn't know that you're planning to break his heart to have your revenge. That's a great strategy.." sabi pa ni Arkin.

I didn't know that he is Vince's son so technically I didn't plan to break his heart. I'm actually hurting, too--- Damn! What am I thinking?!

"So what's your plan? Why don't you just let me handle---"

"Don't you ever meddle with my business, Dad. Don't you ever make a step to punish, Taehyung." Banta ni Jungkook dahil pakiramdam nya ay may hindi magandang gagawin ang ama kay Taehyung.

"Don't tell me.. you're having a soft heart to that bastard's son?" tonong-nang-uuyam na tanong ni Arkin.

"I'm not. I'm much demonic than you Dad so stop meddling. Just shut up." Dun ay pinatay na ni Jungkook ang tawag bago napatingin sa kawalan.

I hope Dad won't do something to Taehyung. I have my own way to make him suffer. I can punish him on my own. Why does it need to be this complicated?!

To be continued...




Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon