《03》HIS TRANSFORMATION

952 34 0
                                    

Kim Taehyung's POV

"Wear this.." nagtatakang tiningnan ko ang iniaabot na damit sa kin ni Namjoon. Matapos nya kasi akong makasalubong kanina ay may tinawagan sya at inutusang bumili ng chocolate milk para sa amo nila. Tapos kinaladkad na nya ako papunta sa pinakamalapit na mall. Heto kami ngayon sa isang botique at pinapasuot nya nga sakin ang isang suit and tie.

"Para saan?" Parang tangang tanong ko kaya napatingin sya sakin.

"If you want to apply and pass the standards of  JGE you need to look decent. You need to wear this so you'll look like one. Wear this now." Paliwanag nito saka na'ko iniwan at tumungo naman sa gawi kung saan nakapwesto ang mga black shoes. Wala sa sariling tiningnan ko ang dalawang saleslady na nag-aassist samin.

"Saan yung fitting room nyo?" Magalang kong tanong. Pilit silang ngumiti bago ituro ang isang parte na natatakpan ng kurtina. Napailing na lang ako matapos kong tumalikod. Mukha ba'kong pulubi sa paningin nila? Kapag kasi si Namjoon ang kaharap nila ay halos mag-puso na ang mga mata nila dahil sa kilig. Kulang na kang ay maghampasan sila dahil sa lakas ng appeal ni Namjoon. Babae nga naman.

Pagkapasok ko sa fitting room ay sumalubong sakin ang napakalaking salamin. Napatingin ako dun at maski ako ay nandiri sa sarili ko. Bahagya akong nangitim at halos puro na'ko alikabok sa mukha. May kaunti pa'kong pawis sa noo at leeg. Di nga naman kaaya-aya ang mukha ko. Sinabit ko muna ang mga damit na dala ko sa sabitan bago ilabas ang wipes na binili ni Namjoon kanina.

Pinunasan ko ang mukha ko at ang leeg ko. Kita mo nga namang sobrang nangitim yung puting wipes kanina. Halos maubos ko ang wipes na bagong bili bago ako nasiyahan sa hitsura ko. Sinuot ko na ang suit and tie bago ngumisi sa salamin. Di na'ko mukhang basurero.

Bahagya kong ginulo ang abuhin kong buhok bago ayusin ang necktie na nasa leeg ko. Nakapamulsa akong lumabas ng fitting room at agad na hinanap si Namjoon. Napansin kong napatigil ang lahat nung makalabas ako.

Na-conscious naman ako bigla sa mukha ko. Ayos naman na'ko sa harap ng salamin kanina,ah? Nakangiting naglakad palapit sakin si Namjoon at nilagay sa harap ko ang isang itim na sapatos. Nung maisuot ko yun ay humarap ako sa kanya. Bahagya nyang inayos ang reading glasses nya bago mag-thumbs up sakin. Tinanggal nya ang pagkakabutones ng coat ko saka na naglakad patungo sa counter.

Sumunod na lang ako sa kanya kahit di ako komportable sa atensyong nakukuha ko.

"Gosh! Ang gwapo!"

"Sya yung madumi kanina diba?"

"Gahd, anong ginawa nya at gumwapo syang ganyan?"

"Damn, I'm inlove!"

"Pwede na syang CEO at ako ang sexytary"

"Ano kayang name nya?"

"Waahh!! Ang wafu nya girl!"

Napalunok ako bago daanan ng tingin ang mga babaeng nagbubulungan pero rinig na rinig naman. Bigla silang nangisay sa kilig nung matitigan ko kaya napatigil ako. Naghahampasan na sila kaya naiilang akong ngumiti.

"Just like I thought.  You just need to look decent to gain attention. You're having the best face features that every girls could love" biglang sulpot ni Namjoon sa gilid ko kaya muntik pa'kong mapatalon.

"A-Ahm, ganun ba? Nakakatakot naman palang maging gwapo" sabi ko na kinatawa nya. Grabe, totoo naman. Mukhang mga zombie yung nasa paligid ko na handa na'kong lapain oras na makahanap sila ng pagkakataon.

"Hahaha, let's go. I'll pay for it then we'll head to the company" sabi nya saka na muling naglakad. Sumunod na'ko hanggang sa mabayaran na nya yung mga damit. Nakakahiya man pero wala na'kong magagawa dahil kailangan ko'to.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon