《26》YOSHIN PARK

887 30 6
                                    

Third Person's POV

"What do you want to do?" Tanong ni Jungkook nung makalabas silang dalawa sa kotse. Nilibot ni Taehyung ang paningin nya sa paligid bago napangiti. Napakasarap sa pakiramdam na mapaligiran ng puno at maliliit na ilog.

Marami ring nagpipicnic, naghahabulan at naglalaro ng kung anu-anong outdoor sports. Di sumagot si Taehyung at nakapamulsa lang na naglakad patungo sa mga nakapilang nagtitinda ng kung anu-ano.

Sumunod na lang si Jungkook habang pinapanood si Taehyung. Mas nagagandahan pa sya sa mga ngiti ni Taehyung kaysa sa view sa paligid. Mas gusto nyang panoorin na lang ito kaysa panoorin ang mga taong namamasyal rin sa paligid.

Bahagya syang natigilan nung lumingon si Taehyung sa kanya at ngumiti. "Bakit nasa likod kita, Gukkie? Bakit di ka na lang dito sa tabi ko?" Tanong ni Taehyung sabay turo sa tabi nito.

"I thought you forgot me" Jungkook said while shrugging his shoulders. Taehyung laughed for a second then he made his way towards Jungkook "So, you're the one who's sulking now?" Tanong ni Taehyung habang nakatayo sa harapan ni Jungkook.

Napatitig na naman si Jungkook sa mukha ni Taehyung. Bagay na bagay talaga rito ang ngiti nito pati na ang mga mata nito na makikitaan ng saya at kakuntentuhan.

"Nah, you're loving the view too much.." sabi ni Jungkook bago nakapamulsang sulyapan ang mga tao sa paligid. Taehyung smiled while watching Jungkook. "I feel so relaxed and care-free, here, Gukkie. It's so good to be here. I'm so glad" napatingin si Jungkook kay Taehyung dahil sa sinabi nito.

"That's good. I'm loving your smiles than the view" ngisi ni Jungkook bago kurutin ang ilong ni Taehyung. Pakiramdam ni Taehyung ay namula ang mukha nya kaya humanap sya ng paraan para makawala kay Jungkook.

"Gukkie, do you know street foods?" Nangunot agad ang noo ni Jungkook kaya napangiti si Taehyung. Agad nya itong hinila patungo sa bilihan ng mga street foods. Nakahilera iyon sa gilid ng mga upuan sa ilalim ng puno kaya madali lang makita.

"M-Mr. Kim, what are you--"

"Hahaha, Gukkie. Trust me" huminto sila sa tapat ng kikiam, fishball at kwek-kwek na ikinaatras ni Jungkook.

"Kuya, 20 nga po ng kikiam, fishball at kwek-kwek." sabi ni Taehyung na kinagulat ni Jungkook.

"W-Wait, Mr. Kim.." sandali nya itong hinila palayo sa nagtitinda. "What are you thinking? We didn't know if it's safe or what." Bulong ni Jungkook. Nginitian sya ni Taehyung at kinurot ang pisngi nya.

"Gukkie, di naman kita ipapahamak. Ipapakilala lang kita sa mga bagay na di mo pa nakikita o nalalaman dahil sa katayuan mo sa lipunan.." nakangiting sabi nito na kinatulala ni Jungkook.

"Kaya magtiwala ka na lang sakin,Gukkie. Alam kong safe yang mga ganyan
Hilig kasi namin yan ng mga kaibigan ko kapag namamasyal kami. Halika na, Gukkie, baka luto na yun" wala ng nagawa si Jungkook nung hilahin sya ni Taehyung pabalik sa harap nung street food.

"Salamat po" sabi ni Taehyung matapos iabot sa kanya nung nagtitinda ang binili nya. Agad nya itong binayaran na kinangiti ng lalaki. Nilagyan na ni Taehyung ng sauce ang cup habang nanonood lang naman si Jungkook. Sa mukha pa lang nito halatang wala itong balak na tikman yun.

"Gukkie--teka, saan ka pupunta?" Tanong ni Taehyung nung mapansin ang pag-alis ni Jungkook sa tabi nya. Naging malikot ang mga mata ni Jungkook.

"Ahm, maglalakad-lakad lang--"

"Tapos na! Tikman mo na, Gukkie!" Mabilis na umatras si Jungkook nung iharap sa kanya ni Taehyung ang fishball na may sauce.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon