Chapter 26

27 4 3
                                    

Chapter 26

Rose POV . .

Ang sakit ng buong katawan ko. Pati na rin ng batok ko.
Papasok ako ngayon ng campus, medyo napaaga ako.
Pero Ganoon na Lang ang gulat ko ng makasalubong ko si Mia.

"Hi' ikaw si Rose diba?" Bati nya. Tumango ako at ngumiti ng tipid.

"Oo ako nga.."

"Ako nga pala si Mia.." inilahad nya ang kamay sa akin, kaya naman nakangiti ko iyong kinuha.

"Kinagagalak kitang makilala Mia.." Ganoon na Lang kaganda ang ngiti nya. Napakaganda nya. At Mas maganda sya sa malapitan.

"Pwede ba kitang makausap?"

Makausap? Para San?

"Ah Sige ba.."  tango ko.

Automatikong dinala kame ng mga paa namin sa ilalim ng puno ng sakura.

"Naalala ko pa ito ang paborito naming lugar ni kean.." aniya na nakatingala at nakatingin sa mga dahon na nagbabagsakan. "Eto kase ang comfort zone namin, nakakatuwang pagmasdan ang mga bulaklak at dahon ng punong ito.."

Bakit nya ba sa'kin sinasabi yan?

"Si kean ay napaka special na kaibigan sa'kin.. Kaya  naman natutuwa akong May nagpapasaya na sa kanya.."

Nagpapasaya?
Hindi ko maintindihan Bakit sinasabi nya yan sa akin?

"Ang totoo nagseselos ako, nasasaktan dahil Hindi na ako  yun gusto nya, galit sya sa'kin, kinamumuhian nya ako.. iniwan ko sya ng Hindi nagpapaalam..Pero masaya pa din ako dahil Andyan ka para sa kanya.." maya maya humarap sya sa akin at tinitigan ako sa mata. "Kaya rose sana Lang alagaan mo si kean, Hwag mo syang sasaktan.."

Huh? Anong bang sinasabi nya? Mali Talaga ang iniisip nya sa amin ni kean.

"Ano—"

"Hwag kang mag alala, totoo ang sinasabi ko.. Masaya ako para sa inyo ni kean.."

"Huh? Hi—"

Natigilan na Lang ako ng biglang May humawak sa Braso ko.

Nanglingunin ko yun..

Kean?

"Salamat kung ganun.. ako at si Rose, masaya na kame.."

Ganoon na Lang ang gulat ko sabihin iyon ni kean, na hinapit pa ang bewang ko.

"Kean? Ano bang sina—"

"Kaya Pwede ba Mia.. kung balak mo kameng sirain ni Rose.. Hwag mo nang ituloy.."

Bakit ba lagi na Lang nila pinuputol yung sasabihin ko.
At Bakit ba sinasabi yan ni kean?

"Nagkakamali ka sa iniisip mo kean.. totoong masaya ako para sainyong dalawa.." naiiyak man ang itsura ni Mia,Pero Pinilit nyang ngumiti.

Nagkakamali ka Mia! Hindi kame ni kean!

Iyan ang takbo ng utak ko at gustong sabihin Pero bakit parang ayaw niyon lumabas sa bibig ko.

"Mabuti kung ganun.." si kean

"Teka—"
Pero Magsasalita na sana ako ng biglang mag ring ang bell.

"Halika na Rose.."

Hinila ako ni kean hawak hawak ang kamay ko.

Nang makalayo kame Nilingon ko pa si Mia na Hindi na gumalaw sa kinatatayuan nya.

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon