CHAPTER 47
Kean POV. .
Yakap ko ngayon si Rose, at Hindi ko alam bakit sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Para bang sa mga yakap nya nahibsan yung sama ng loob ko. Sa yakap nya nakalma ako, sa yakap nya nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maintindihan kung ano ba iyon. Ang alam ko lang gusto kong magkayakap kame ngayon.
Tumagal pa ng ilang segundo at sya na ang kusang kumalas.
"Pasensya na, nadala ako sa kwento mo." Pareho kameng napaiwas ng tingin. Umiinit yung dalawang tenga ko at Hindi din ako makatingin sa kanya.
"Sige na magpahinga ka na.." kaagad naman syang Tumalikod at patakbong pumunta sa pinto. "Goodnight Kean.."Naestatwa lang ako at hindi nakasagot. Hindi ko alam bakit Ganito ang pakiramdam ko ngayon. Kakaiba at Hindi ko maipaliwag.
Napatulala lang ako sa pintuan hanggang sa makalabas sya.
Kinabukasan nagising ako at nang makababa ako naroon na ang auntie ni Rose sa kusina. Naamoy ko ang niluluto nyang pagkain.
"Goodmorning pogi! Gising ka na pala, Sandali lang at maluluto na 'to, maupo ka muna.." inaya nya akong maupo sa maliit na dining table nila.
"Kailangan ko nang umuwi.." sagot ko.
"Ay mag-almusal ka muna, Tulog pa si Rose, Mukhang napuyat ata hindi ko na ginising."
"Thanks, Pero baka hinahanap na ako sa bahay, Next time.."
"Hay okay sige, ako na lang magsasabi kay Rose na umalis ka na, mag-ingat ka sa daan madulas at medyo makapal na ang snow.."
Tumango naman ako at kaagad din nagpaalam.
Pero humarap muli ako bago pa makalabas ng pinto.
"Ahmm, Auntie.." Sambit ko. Nahihiya akong itanong pero bahala na.
"Ano yun pogi? May nakalimutan ka ba?" Sagot nya.
Napakamot ako sa tenga ko.
"Aalis si Rose? Ah, eh Babalik pa ba sya?" Napalunok ako matapos kong itanong yun. Kagabi ko pa gustong itanong yan kay Rose pero ewan ko ba bakit hindi ko matanong tanong.
Hindi naman nya ako kaagad sinagot at iyon nanaman yung mapanuksong tingin nya. Uminit nanaman tuloy yung tenga ko. Dapat Hindi ko na lang tinanong. Badtrip!
"Mmmm, Hindi na sya babalik pogi, nag-transfer na ulit si Rose sa Okinawa, namimiss nya na kase yung mga magulang nya, kaya baka hindi na ulit kayo magkita.."
Napakunot noo ako. Hindi ko alam bakit parang biglang may sumuntok sa dibdib ko.
Napatitig lang ako kay auntie na ngayon ay medyo natatawa. Anong nakakatawa dun? Baliw talaga sya!
"Ah Sige, Mauna na ako.." kaagad akong tumalikod at lumabas ng bahay.
Tatlong araw ang nakalipas.
Nandito kame ngayon nila Ken at Carl sa bahay, naglalaro ng billiards, eto ang bakasyon na boring. Pinaayaw ko sa lahat yung hindi kame makalabas man lang dahil sa panirang snow!
Napalingon ako sa bintana kung Saan kitang kita ko kung Paano bumuhos ang walang tigil na busit na snow.
Sa Okinawa wala daw snow?
Ano kayang ginagawa ng babaeng yun ngayon?
"Hoy! Hoy Dre! ikaw na!hoy!" Nagitla lang ako nang sumisigaw na pala si Ken. Makasigaw! Takuin ko kita dyan eh!
BINABASA MO ANG
Started with a kiss ~ON GOING~
Dla nastolatkówSimple lang ang buhay ni Rose isang probinsyanang nakatira sa okinawa,na pinangarap makapag aral sa syodad ng Tokyo,isang simpleng babae na umibig dahil sa isang unang halik ng binatilyong hindi nya kilala,na hindi n'ya alam muli nyang makikita sa...