CHAPTER 43

19 3 0
                                    

CHAPTER 43

HINDI MAwala ang paningin ko sa kamay ni kean at Mia na ngayon ay magkahawak pa din, malayo pa man sila sa akin pakiramdam ko ang lapit lapit nila.
Parang May kung Anong batong nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko alam ang ganitong pakiramdam, naghahalo halo ang emosyon ko na alam kong Hindi masarap sa pakiramdam.

Kitang kita ko din kung gaano kaganda ang ngiti ni kean, kausap nya na ngayon si Ken na Mukhang sinesermuna pa sya. Mukhang galit talaga si Ken.

Pero nang akmang papalapit na sila dito sa table namin ilang metro na lang ang layo. Nagtama ang paningin namin ni kean. Nagkatitigan kame, iyong tingin na nangangapa, walang emosyon, Hindi mo alam kung galit ba sya o bumabati.

"Guys Sa wakas andito na din ang kaibigan kong palaging late.. pa importante lagi, Sarap kutongan eh.." inis na sabi sa amin ni ken nang makalapit sila sa table namin. Kaagad naman nagkipagbatian si Mia at kean sa mga kasamahan namin, Mukhang matagal na silang magkakakilala. At sa nakikita ko close friend ni Mia ang mga babaeng kasama namin.

Huling bumaling sa amin ni Zy si Mia.

"Oh Hi Rose,Zy.. Andito din pala kayo, kamusta?"

"Ayos naman kame Mia, ang ganda mo naman.." papuri ni Zy. Sa suot ni Mia'ng dress na May kulay peach. Talaga namang bagay sa kanya at nagmukha syang anghel. 

"Salamat Zy.. kayo rin ni Rose, both look gorgeous.."

"Hehe salamat Mia.." si zy.

Ngumiti lang din ako kay Mia. Hindi ko alam bakit ako biglang nahiya sa kanya.  Parang Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.   

Bago pa man ako umiwas ng tingin kay Mia nahagip ulit ng mata ko si Kean. Nakatingin sya sa akin. Titig na titig. Hindi ko maintindihan ang tingin na 'yon. Pero sya din ang unang nag iwas ng tingin.

"Oh pano, start na na'tin, Pero Mukhang si Carl naman ang Wala.. ano bang nangyayare at Hindi tayo makumpletong tatlo.." napapakamot
na sa inis si ken.

"Ang sabi nya lalabas lang daw sya Saglit Eh.." sagot ni akino. 

"At san naman sya pupunta, kainis talaga.."
Nagdadabog na Talaga si ken Habang inaayos ang mga alak na inilapag ng mga katulong.
Sobrang dami. At Hindi ko alam kung ano ang mga iyon. 

"H'wag ka ngang bugnutin, birthday mo, Alalahanin mo Ikaw ang bida ngayon.." tinapik sya ni kean sa braso.

"Oo at bawal mo 'kong asarin ok! BIRTHDAY KO!!" Pagdidiin nya pa.

Tumawa lang si kean tsaka bumaling kay Mia. Inalalayan nya si Mia maupo. Dun pa mismo sa tapat ng upuan ko. Kaharap na kaharap ko si Kean.

Sila  na  kaya??

Parang May kumurot sa puso ko nang tanungin ko ang isip ko.

"Okay guys let's start the party!!" Sigaw ni ken at tsaka kame pinakuha ng tag iisang can. Ang alam ko ay beer iyon. Pareho kame napatitig ni Zy sa can.

"Ano kaya 'to Rose? Parang Di ko kayang inumin 'to, Hindi ko Kaya ang amoy.." bulong ni Zy sa akin. Pero naagaw na pala namin ang attention ng lahat. Lahat sila nakatingin saming dalawa ni Zy.

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon