Chapter 53

16 1 3
                                    

CHAPTER 53

Rose POV . .

Pareho kameng natigilan ni Kean, Hindi ko alam bakit kakaiba ang tingin nya sa akin ngayon. Yung tingin nya sa mga Mata ko para bang nangungusap, palagi syang matalim kung Tumingin sa akin, pero kakaiba talaga ang pagtitig nya sa akin ngayon. Nangungusap ang mga mata.

"May gusto ka ba sa kanya?" Kapag kuway tanong nya.

Napalunok ako. Hindi ako agad nakasagot, napatitig lang ako sa mga mata nya na bahagyang tumaas pa ang isang kilay nya.

"Pinayagan mo syang manligaw sayo diba? Ibig sabihin may gusto ka sa kanya?" 

Bakit ba ganyan syang kung makatanong? 

Para bang galit na Hindi ko maintindihan.

"Ano,  Ewan ko, hindi ko alam.." nahihiya akong nagbaba ng tingin. Kung alam nya lang na sya ang gusto ko. Kung Pwede ko lang sabihin sa kanya yun, kaso alam kung malabo nya naman akong magustuhan.

"Paanong Hindi? Eh pumayag ka nga magpaligaw sa kanya.."

"Pumayag nga ako, ka— kase Hindi naman mahirap gustuhin si Ian, mabait sya at masaya din namang kasama.." pahina ng pahina ang boses ko. Nahihiya ako na ito ang pinag uusapan namin ngayon. Nahihiya ako dahil nagtatanong sya sa'kin at kung bakit interesado sya malaman iyon.

"Pch, magsama kayo pareho kayong tanga.."  Ganoon na lang ang pagkagulat ko ng talikuran ako ni Kean at maglakad palayo sa akin. Kaya naman sinundan ko na lang sya.
Bakit parang galit sya??

Napangiti naman ako nang maisip ko ang Pwede naming gawin ngayon ni Kean. Matagal ko nang Hindi ginagawa yun at namimiss ko na rin gawin iyon.

******

"Saan mo ba ako dadalhin, Bakit Andito tayo sa masukal na gubat na 'to." Nagrereklamo agad si Kean Hindi pa nga nya nakikita ang Totoong Tanawin ng pupuntahan namin.

"Wag kang mag alala dito lang tayo dadaan, Pero tiyak magugustuhan mo ang pupuntahan natin." Masaya kong sabi. Sana.

"Ano ba yang hawak hawak mo?" 
Takang tanong nya at nakatingin sa hawak kong binili ko sa dinaanan namin pamilihan kanina.

"Ah Eto ba, pamingwit ito ng isda.."
Nakangiting sagot ko at tsaka mabilis na naglakad para mabilis din kameng makarating sa patutunguhan, medyo malayo pa kase iyon at Kailangan dumaan sa masukal na kagubatan. Napabuntong hininga naman sya pero ramdam ko ang pag sunod nya sa akin.

Nang makarating kame napangiti ako sa aking natanaw.

Dinala ko si Kean sa ilog kung saan palagi kameng namimingwit ng mga isda nila Lei at minsan ng pamilya ko. Nakakamiss gawin at sigurado naman akong magugustuhan nya din ang pamimingwit, sigurado naman akong ang isang tulad nyang Mayaman Hindi pa nagagawa ang Ganoon. Hehe.

"Napakaganda ng tanawin hindi ba?" Masayang sabi ko at nilingon si Kean na kitang kita ko kung paano napalitan nang pagkamangha ang mga mata nyang masungit kung tumingin. Alam kong nagustuhan nya ang tanawin, matatanaw mo kase ang ilog at sa kaibilang dulo nito ay ang kabundukan. Malamig na simo'y nang hangin din ang humampas sa amin at mga huni nang ibon na para bang kumakanta ang naririnig namin, umaagos din ang tubig nang batis patungo sa ilog.

"Hindi mo ba nagustuhan?" Napasimangot na tanong ko nang lingunin nya akong bahagyang nakataas nanaman ang kilay.

"Bakit mo ako dito dinala?" Sumeryoso sya, matalim na para bang galit ang mga mata nya.

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon