Chapter 27
Rose POV . .
"Grabe nakita nyo ba yung bagong transfer na student?"
Nilingon namin pareho ni zy si aya.. kaklase namin. Nagkukumpulan kame ngayon dahil Wala pa naman ang next teacher namin.
"Ang gwapo nya grabe.." sabat naman ni Dana. Ang nakakatuwa unti unti na Lang lumalapit Ang loob samin ng mga kaklase namin. Nagsimula iyon ng manalo ako sa swimming competition.
"Talaga? Anong section naman sya?" Tanong naman ni zy.
"Sa section sya ni Mia napunta.. Kaya panigurado matalino sya.. gwapo na matalino pa. Sana mapansin nya ako.."
Si aya na humawak pa sa pisngi nya."Hindi naman Siguro malabo yan, dahil si Rose nga, nagustuhan ni kean Eh? Diba Rose? Magkwento ka naman kung Paano kayo nag umpisa ni kean? Kase alam mo na, Hindi kame makapaniwala, pagkatapos ka nyang awayin, malalaman na Lang namin, nobyo mo na sya..grabe ang swerte swerte mo."
Napasinghap ako sa mahabang sinabi ni Dana.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Paano ko ba uumpisahan? Paano ako magkukwento, kung alam kong Hindi naman iyon totoo.Nagbaba lang ako ng tingin ng mapansin na lahat sila Naghihintay ng sasabihin ko.
Hindi ko alam..
"Kwan ka-kase, nag u-umpisa ang lahat." Natigilan ako. Ang hirap magsinungaling. Ito na ata ang pinakamalalang pagsisinungaling ko.
"Rose.. sweet ba sayo si kean? Nagkiss na ba kayo??" Ganoon na Lang ang gulat ko sa muling tanong ni Dana.
Ano ba ito..
Uminit nanaman yung pisngi ko ng maalala ang paghalik sa akin noon ni kean.
"Magandang umaga! Ang aga ata ng chismisan natin.."
Natigilan kame pare pareho ng dumating na si mam zen.
Kanya kanyang Balikan ang lahat sa kanilang upuan.
"Magandang umaga din naman po.." sigaw namin lahat.
Hindi na nagsalita pa si Mam zen at nagturo kaagad.
*Lunch break*
"Rose Siguro ka bang Hindi ka maglalunch?" Nag aalalang tanong sa akin ni zy. Papalabas na sila ngayon ng silid aralan namin. Nagpasya kase akong Hindi maglalunch. Dahil ang totoo, umiiwas ako kay kean. Lalo pa't Hindi ko gusto ang ginawa naming pagpapanggap.
"Ayos lang ako.. busog pa naman ako Eh.. enjoy kayo ah." Sabi ko na Lang. Kasama ngayon ni zy sila aya at Dana maglunch.
Nang Makaalis sila.
Di na Tumigil ang tiyan ko sa pagkulo.
Nagugutom ako.
Kaya naman inilabas ko na Lang ang Baon. Hindi naman Siguro masama na dito ako kakain sa loob ng room namin.
Mmmm Mukhang masarap..
Takoyaki at sushi ang pabaon sa akin ngayon ni auntie.
Kean POV. .
"Grabe dre.. ang sungit Talaga ni mam zen, hirap hirap pa ng mathematics nya. Pakiramdam ko Wala akong naintindihan.."
kakamot kamot na sabi ni ken Habang naglalakad kame papuntang canteen."Pch Kaya nga ako tinutulugan ko na Lang palihim.." sagot ko.
"Eh??Pero Paano mong nagagawa yun? Eh alam mo naman na matalas ang mata ni mam sa mga Hindi nakikinig."
Takang tanong pa ni ken. Habang si Carl ay nakikinig Lang.
BINABASA MO ANG
Started with a kiss ~ON GOING~
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Rose isang probinsyanang nakatira sa okinawa,na pinangarap makapag aral sa syodad ng Tokyo,isang simpleng babae na umibig dahil sa isang unang halik ng binatilyong hindi nya kilala,na hindi n'ya alam muli nyang makikita sa...