Chapter 20

70 7 2
                                    

CHAPTER 20

Uunahan ko na sya

Uunahan ko na sya

Uunahan ko na sya

Nagpa-ulit ulit iyon sa isip ko. Bagamat naiintindihan ko ang sinabi nya, Ngunit Hindi ko maintindihan Anong ibig nyang sabihin.

Napalunok na Lang ako dahil sa Hindi ko matagalan ang tingin nya. Para bang tinutunaw ako ng mga titig nya.

"Ano?" Biglang tanong nya,medyo salubong ang kilay. Nang hindi kaagad ako makasagot.

"Huh?"  Naawang ko yung bibig ko.

"Ang sabi ko uunahan ko na s'ya." Inulit nya lang yung sinabi. Pero hindi ko pa din makuha ang ibig nyang sabihin.

"A-ano ba ang ibig mong sabihin? Hindi kase kita maintindihan." Nabubulol na tanong ko. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko na talaga matagalan ang mga titig nya.

Magsasalita na sana sya nang....

"Andito ka lang pala kean, kanina ka pa namin hinahanap."

Pareho kameng napalingon sa nagsalita.

Si Carl.

"Oh,Dre." Sambit ni kean at automatikong tumayo. Ganoon din ang ginawa ko. "Kanina ka pa ba dyan?" Tanong nya.

"Hindi naman, anong ginagawa n'yo dito?" Nagtatakang anong ni Carl. Pinagpapalit palitan kame ng tingin ni kean.

"Ah Kinausap ko lang sya.. Asan si ken?" 

"Andoon hinahanap ka rin."

"Ahh sige.. pupuntahan ko lang s'ya." Ayun lang sinabi ni kean. At mabilis na naglakad palayo. Hinabol ko lang sya ng tingin.

Hindi pa din mawala sa isip ko kung ano ba ang ibig nyang sabihin kanina.
Pero dahil dumating si Carl. Hindi n'ya na ituloy ang sasabihin.

"Ayos ka lang ba?"
Nilingon ko si Carl na nakatitig sa akin.

"Ah ayos lang naman ako."

"Inaaway ka nanaman ba ni kean?" Biglang tanong nya. Nag aalala ang mukha.

Marahan akong umiling. "Hindi..hindi ganun." 

"Ah akala ko inaaway ka nanaman nya. Bakit ka nya kinausap.?"

Natigilan ako sa tanong nya. Hindi ko din alam bakit kailangan akong kausapin ni kean, para lang sabihin na may gusto sa akin si Carl.
Pakiramdam ko tuloy bigla akong nailang kay Carl.

"Ang ganda mo ngayon Rose, bagay na bagay sayo ang suot mo."  Sabi nya ng hindi ako makasagot sa tanong nya.
Marahan akong nagbaba ng tingin. "Salamat Carl."

"Bumalik na tayo sa party, baka hinahanap na ako ni Zy." Ganoon ako kabilis tumalikod. Hindi ko alam bakit bigla akong nahiya kay Carl. kung may gusto nga sya sa akin,gaya ng sinabi ni kean kanina.  Paano ko pa sya kakausapin ngayong naiilang na ako sa mga tingin nya.


"Rose.. ano? Anong sinabi sayo ni kean?" Ganoon na lang ang bungad sa akin ni Zy. Marahil nagtataka din s'ya kung bakit ako kinausap ni kean.

"Ano.. ano kase." Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan sabihin sa kanya.

Inabutan n'ya ako ng isang baso ng juice. "Oh ayan uminom ka muna,masarap yan. Mixed berries.."

"Salamat Zy."

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon