Chapter 29

28 5 1
                                    

Chapter 29

Rose POV. .

"Papasok na po ako.." sabi ko kay auntie na nasa banyo pa at naliligo. 

"Mag iingat ka ah.." sigaw nya.

Tirik na tirik ang araw. At ang sarap din ng simo'y ng hangin. makikita mo ang mga puno na nag-uumpisa nang maglagas.

Beep beep beep.

Magkakasunod na busina ang nagpatigil sa akin sa paglalakad. Nanglingunin ko iyon.

Kean.

Bukas nanaman ang sasakyan nya at Halos mapanga nga ako sa napakagwapong awra ni kean. Medyo basa pa ang buhok nya at nakataas ang shade nya sa ulo.

"Kean.."

"Sakay.." automatikong bumukas ang pinto ng sasakyan nya.

Kaya naman napilitan na Lang ako.

"Magandang umaga.." bati ko ng makaupo ako. Kinuha ko din ang seat belt. Baka masabihan nya nanaman akong tanga.

Hindi nya ako sinagot at nakatuon Lang ang sarili nya sa pagda-drive.

Galit Kaya sya?

"Ahmm.. pasensya ka na kahapon.." iyon ang lumabas sa bibig ko.
Nilingon ko sya at naghintay ng isasagot nya. Pero walang lumabas sa bibig nya hanggang sa makarating kame sa campus. Tahimik lang sya at seryoso ang mukha.

"Mauuna na ako.." Paalam ko ng malapit na ako sa likuan ng room namin.

"Hoy cluta! Akala mo ata pinapatawad na kita sa nagawa mo kahapon.."  biglang pahabol nya.

Yumuko ako. "Pasensya na Talaga."

"Tingin mo ba magandang gawin yun? Nagpapanggap tayo Diba? Boyfriend mo ako? Pero bakit dun ka sumabay?!" May inis na sa tono nya.

"Kase naman nangako ako sa kanya.."

"Bakit? Siguro May gusto ka dun no?" Nagulat ako biglang tanong nya.

Mabilis akong umiling. "Wala ah.. kaibigan ko Lang si Ian.."

"Mabuti kung ganun.. ayokong Panay ang Sama mo dun.." natigilan sya Saglit sa sinabi nya. "I mean.. dahil Hindi maganda na, ang alam nila ako ang boyfriend mo, Pero panay ang Sama mo sa mokong na yun.. Maliwanag ba?"

"Pero kase—"

"Iyan ka nanaman sa Pero Pero mo! Kainis ka Talaga! Dyan ka na nga!" Inis syang Tumalikod at mabilis na naglakad papasok sa room nila.

Nakakainis na sya. Bakit parang sya na nga 'tong May Kailangan sa akin. Pero parang sya palagi ang galit.

Kean POV . .

Kahit Kelan Talaga nakakainis ang Katangahan nya.

Tangang kausap. Ang hilig nya sa Pero!

Putiiikkkk!!! Teka!

Bigla kong naalala yung sa blood vessels na yun. Damn!

Dahil sa inis ko kahapon. Pag-uwi ko Hindi na ako nakapag-aral. At dahil yun sa kakaisip sa galit ko sa dalawang yun!

Kaagad kong nilingon si Rose. Pero nakapasok na sya sa room nya. Kaya naman patakbo kong pinasok yung room nila. At mabuti na Lang si Rose pa Lang ang nandoon. Maaga pa nga pala.

"Hoy!" Sigaw ko. Nilingon nya naman ako.

"Makahoy ka naman dyan.. May pangalan ako.." sabi nya. Nag-inarte pa!

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon