CHAPTER 18
"Congratulation Miss. Zu sheng." Iniabot ng principal ang trope. Tsaka nakangiting nakipag-kamay sa akin. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi.
"Salamat po." Yumuko ako ng dalawang beses.
Lumingon ako sa mga studyante at mas napangiti ng mag-hiyawan ang mga classmate ko.
Nagawa ko. Nanalo ako. Ang Sarap sa pakiramdam. Nakakataba ng puso.
Nakangiti akong bumababa ng hagdan. Pero halos mapasigaw ako ng bigla akong ma out of balance.
Buti na Lang May nararamdaman akong nakasalo sa akin.Pero huli na ang lahat ng...
Bugggggggs!
Pareho kameng natumba, Dahilan para mapahiga ako sa ibabaw ni—- nanglaki ang mata ko. Ni KEAN?
Nag-Tama yung mata namin. Isang bulgada ang layo ng mukha namin. Pero Di ko alam bakit bumababa yung tingin ko sa mapula nyang labi na bahagyang nakaawang. Napalunok ako ng biglang naalala ko ang unang beses na hinalikan nya ako. At Ayun nanaman ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko. Iiwas na sana ako ng tingin ng bigla syang ngumiti ng bahagya.
Umiwas ako ng tingin at Automatikong tumayo. Ganoon din ang ginawa nya.
"Okay ka Lang ba?" Si Carl ang nagtanong.
Inayos ko yung nagulo kong buhok tsaka sya nilingon."Ayos Lang ako." Sagot ko. Hindi ako makatingin kay kean. Pero naramdaman kong nagpagpag s'ya ng sarili.
"Yung trope mo, buti na Lang Hindi nasira," si ken na iniabot sa'kin yung trope ko. Nang-iinit ang mukha kong kinuha yun.
"Salamat," sabi ko ng Hindi pa din nakatingin kay kean. Tsaka ako patakbong Lumayo sa kanila.
Wala ako sa sarili ng makabalik sa grupo ng mga classmate ko.
"Congrats rose!" Sigawan nila.
"Patingin ng trope mo." Si zy na kaagad kinuha iyon sa kamay ko. Kasunod ng pagpalit palitan nilang pagpasahan iyon upang tingnan.
Hindi pa din mawala sa isip ko yung mga labi ni kean kanina. Hindi ko alam bakit parang naakit ako doon at gusto ko iyon Muling maramdaman. Napapikit ako sa naisip.
"Ayos ka Lang ba rose? Bakit bigla kang natahimik?" Tanong ni zy.
Nilingon ko sya at ngumiti ng tipid.
"Ayos lang ako, Hindi lang ako makapaniwala na ako Talaga ang nanalo." Sabi ko na Lang.Tinapik nya naman ako sa balikat. "Ikaw Talaga,iyan na nga yung trope mo oh, pinag-kakaguluhan."
Natigilan lang kame ni zy ng tawagin na ang grupo nila kean sa entablado upang ibigay ang kanilang parangal.
Malakas nanaman ang hiyawan at tilian ng mga studyante.
Kean POV. .
Hindi ko maiwasan matawa sa reaction ng mukha nung Rose. Para bang namumula sya nang tingnan nya ako Habang nasa ibabaw ko sya. Pssh. Ang dami dami ng mababagsakan nya sa akin pa. Pasalamat s'ya may Plano ako sa kanya,kaya kailangan kong maging mabait sa kanya.
"Dre bakit parang natahimik ka, congrats sa'tin." Si ken. Tinapik n'ya ako. Tumango lang ako dito.
"May isusuot na ba kayo para sa party mamaya?" Tanong Muli ni ken. Mamayang gabi kase May party dito sa school namin. Ika 50th anniversary kase ng TOKYO INTERNATIONAL SCHOOL.
Napasimangot ako dahil naalala ko last year nandito pa si mea at siya ang Kasama ko sa parting iyon. Magdamag Lang kameng nagkausap at sobrang saya ko Talaga nung araw na iyon. Dahil doon ko din nalaman na gusto nya din ako.
BINABASA MO ANG
Started with a kiss ~ON GOING~
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Rose isang probinsyanang nakatira sa okinawa,na pinangarap makapag aral sa syodad ng Tokyo,isang simpleng babae na umibig dahil sa isang unang halik ng binatilyong hindi nya kilala,na hindi n'ya alam muli nyang makikita sa...