CHAPTER 34
Rose POV. .
Nang makabalik ako sa kwarto namin ni Zy. Laking gulat ko ng Ganoon na Lang ang pagtataka sa mukha nya. Nakahiga pa sya bed nya at mukhang Hindi din maganda ang pakiramdam nya.
"Saan ka natulog Rose?" Tanong nya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin Hindi ko alam ang isasagot ko. Baka kase Anong isipin nya sa'kin pagsinabi ko na sa kwarto ni kean ako nakatulog sa sobrang kalasingan.
"Ano kase.." Lumapit ako sa kama ko at naupo dun, Hindi naman inalis ni Zy ang paningin sa akin. "Na nakatulog ako sa kwarto ni kean.." napapikit ako sa hiya.
"Hay mabuti naman, Akala ko kase kung asan ka na Eh.. pinag-aalala mo ako.. ayos ka Lang ba? Kase ako sobrang sakit ng ulo ko ng magising ako.."
"Ayos lang naman ako.. masakit din ang ulo ko.." nakahinga ako ng maluwag,Akala ko kase iba ang iisipin ni Zy sa akin.
"Ang mabuti pa maligo na tayo para maging maayos ang pakiramdam natin, mauna ka na, susunod ako.." Aniya na tumayo na sa kama nya at inayos ang hinigan.
Kaagad naman akong tumango at naligo. Pero Hindi pa din mawala sa isip ko yung nangyari kanina.
Hindi ko akalain na gagawin sa akin yun ni kean. Hindi ko akalain yung itsura nya Kanina na parang concern sya sa akin.
At sobrang tumaba yung puso ko dun. Ewan ko ba kung bakit Hindi naging big deal sa akin yung pag-atake ng hika ko, ang alam ko Lang kase masaya ako dahil naramdaman ko kahit papano na concern din sa akin si kean. Na Hindi sya nagdalawang isip na bigyan kame ng CPR.Nakagat ko ang sariling labi. Ito na ang pangatlong beses na naramdaman ko yung labi nya. At sa tuwing naiisip ko iyon, paulit ulit na May parang paru parong umiikot sa tiyan ko.
Nakababa kame ni Zy sa restaurant ng nandoon na rin lahat ng mga school mate namin, parang okyopado ng buong school namin ang kainan, May kanya kanya silang grupo.
Nilibot ko ng paningin ang kaubuan ng kainan at table sa dulo malapit sa papalabas ng beach ko nakita ang table nila Kean, Kasama nya si Ken at Carl.
Nakita kong Lumingon si ken at nakita kame ni Zy.
"Hey, dito kayo!" Kaway nya sa amin. Nagkatinginan pa kame ni Zy, nagtatanong ang mga tingin namin sa isat isa kung lalapit ba kame. Pero sa huli Lumapit din kame. May tatlong upuan pa naman na Hindi okyopado.
"Morning ladies.." bati ni ken ng makalapit kame, kaagad syang tumayo para hilahin yung upuan at isinenyas kay Zy na umupo dun. Bumati din si Carl na Mukhang Hindi din maganda ang pakiramdam.
At nagulat na Lang ako ng hinila din ni kean yung isang upuan sa tabi nya at sinenyasan akong umupo dun. Nahihiya akong umupo. May pagka-Gentleman naman pala hehe."Kamusta naman kayo? May hang over ba?" Tatawa tawang tanong ni ken na kaagad kumaway ng waiter. "Two cappuccino please.." sabi nya sa waiter.
"Masakit ang ulo ko.." sagot ni zy na hinilot ang sintido nya. "Hindi na ulit ako iinom, mga bad influence kayo.."
"Wooooohooy! Don't say that, we had fun naman diba? Ang kulit kulit nyo nga kagabi, at mukhang nag enjoy naman kayo.." si ken.
Napangiti na Lang ako at tumango, totoo naman na nag-enjoy Talaga kame. Hindi namin maitatanggi yun ni Zy.
"Kamusta ang hika mo?" Ganoon na Lang ang pagkagitla ko ng tanungin yun sa akin ni kean. Mahina lang yung boses nya na pakiramdam ko ako Lang ang nakarinig.
Dahan Dahan ko syang nilingon."Ayos na ako.hehe.." ngumiti ako, Pero ang totoo nahihiya Talaga ako sa kanya. Lalo na pag naaalala ko yung mga sinabi nya sa akin na ginawa ko kagabi. Hindi ko Talaga matandaan yun. Ginawa ko ba Talaga yun? Sinabi ko ba Talaga yun? Hindi ko Talaga matandaan.
BINABASA MO ANG
Started with a kiss ~ON GOING~
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Rose isang probinsyanang nakatira sa okinawa,na pinangarap makapag aral sa syodad ng Tokyo,isang simpleng babae na umibig dahil sa isang unang halik ng binatilyong hindi nya kilala,na hindi n'ya alam muli nyang makikita sa...