New story.. Can be one shots story, Or pwede ding pahabain, Need ko lang po ng magbabasa, kung pwede bang ituloy ko pa 'to.. kaya guys pwede bang basahin n'yo. At kung nagustuhan n'yo, pwede kayo mag comment, Or mag suggest, Ma appreciate ko s'ya..
Salamat ng marami.
Miss R-R😘
P.S.
May SPG po sa storyang ito. Kaya po kung ayaw n'yo ng may ganoon, hwag n'yo na lang pong basahin.——————————————————
No title yet..."Halika na.."
sabi ko sa driver ko. Ngayon ang unang araw ng pasok ko sa School, kumuha ako ng kursong business administration, na kahit na hindi iyon ang gusto ko napilitan ako, para imanage ang mga negosyo namin ni dad.Halos pagtinginan naman ang aming magarbong sasakay sa kalsadang amin madaanan.
Ano pa nga ba? Limited edition vintage car lang naman ang sasakyang binili sakin ni dad.Nakarating kame sa School, Private School na ang mayayaman lang ang may kakayahang makapag-aral dito. Napangiti ako, hindi ko na mapangalanan ang excitement kong nararamdaman.
"Dito mo na lang ako ibaba," sabi ko matapos naming makalagpas sa napalaking gate.
"Sige po madam.." tango ng driver ko.
Kinuha ako ang mamahalin kong bag, at inayos ang mahaba at abot bewang kong buhok, sinuot ko ang shades ko.
Pinagbuksan ako ng driver ko ng pinto, kaya naman marahan akong bumaba.
Napatingala ako sa mataas na Building sampung palapag ang School na 'to, sobrang lawak.
Marami na ding students sa labas, mga nakatambay ang iba, ang iba ay nakaunifom na, at iba ay nakasibilyan kagaya ko.
Hindi pa kase nabibigay ang uniform ko."Mauna na po ako madam."
Hindi ko na nilingon ang driver, alam na alam n'ya yan. Hindi ko ugaling Makipag usap sa mga katulong at driver namin sa bahay. Iyon ang sabi ni dad.
"Wow! Grabe ang ganda n'ya naman.."
"Mukha syang Manika."
"Ngayon ko lang s'ya nakita, baka 1st year sya. New student."
Hindi ko nilingon ang mga nagbubulungang mga babae na nadaanan ko. Dere-deritso lang akong naglakad papasok sa information area, para alamin kung saan ang unang subject ko.
Nagkumpulan ang tao sa uniformation area dahilan para hindi ako makasingit, hawak ko ang schedule card ko.
Pero napasimagot ako ng may nakasagi sakin dahilan para mabitawan ko yung card na hawak ko.Inis akong Napabuntong hininga bago akmang yumuko at kunin ang card, ng may isang kamay na kumuha nun. Nahagip ng paningin ko yung sapatos nyang madumi at butas butas pa.
Seriously? Kaya n'ya pang suotin yan?Napairap ako at tumayo na tuwid para tignan ang lalakeng kumuha ng card ko.
"Eto na Miss.." iniabot n'ya sakin ang Card ko.
Tinignan ko s'ya mula ulo hanggang paa.Hindi ko alam bakit, nasa isip ko paanong ang isang gwapong lalakeng kaharap ko, ay nakakayanang magsuot ng ganoong sapatos, simple lang din ang suot n'ya, puting half polo shirt at itim na jeans.
Makapal ang mga kilay at pilik n'ya dahilan para maging attractive ang mga mata n'ya. Meron ding syang labi na katamtaman ang kapal at mamula mula.Napalunok ako dahil nakipagtitigan din s'ya sa akin. Kaya naman kaagad akong nag iwas ng tingin at kinuha sa kamay n'ya ang card ko.
Tsaka ako tumalikod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Started with a kiss ~ON GOING~
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Rose isang probinsyanang nakatira sa okinawa,na pinangarap makapag aral sa syodad ng Tokyo,isang simpleng babae na umibig dahil sa isang unang halik ng binatilyong hindi nya kilala,na hindi n'ya alam muli nyang makikita sa...