Chapter 30
Mia's birthday celebration.
Rose POV . .
Friday ng hapon. Matapos ang klase.
Andito kame ngayon sa pier. Sasakay kme ng yacth papunta sa yakohama island. Hindi ko akalain na doon balak ni Mia ganapin ang kaarawan n'ya.Naawang namin pareho ni zy ang bibig namin ng makita ang sobrang laking yacth. At hindi kame makapaniwala na pag-aari iyon ng pamilya ni Mia. Ganoon s'ya kayaman.
"Rose.." pareho kameng napalingon at nagtaka ng makita si Ian.
Bigla kong naalala. Kaklase n'ya pala si Mia. At marahil inimbitahan s'ya nito."Akala ko hindi na ako aabot.." humahabol sa paghinga na sabi n'ya. Karamihan din sa mga kasama sa birthday ni Mia ay ang malalapit nyang kaibigan at mga kaklase.
Dalawang gabi kameng maglalagi sa yakohama. Mabuti na lamang at pinayagan ako ni Auntie Amy. Sa katunayan masaya pa s'ya ng malaman na kasama din si kean. mabuti na lamang at sumama si zy sa akin.
"Akin na ang gamit n'yo, ako na ang magbibitbit.." si Ian. Umakto ako na ayaw kong ibigay yun. Hindi pwede ang bigat ng bag namin pareho ni zy. Tapos dala n'ya pa ang kanya.
"Salamat na lang.. pero kaya naman namin ni zy 'to. Tignan mo nga may bitbit ka din.."
Napakamot na lang s'ya at napilitan sa sinabi ko.
"Mabuti na lang at kasama ka Ian. Hindi kame gaanong ma-out Of Place ni Rose.." masayang sabi ni zy. Natutuwa ako na magka-close na din silang dalawa ni Ian. Madali naman kase talagang pakisamahan si Ian. Bukod sa mabait na napaka gentleman pa.
"Hi mga binibini.." pare pareho kameng napalingon ng makita ang magandang ngiti ni ken. Kasama n'ya si Carl. At may dala na din silang mga bag.
"Hi.."
Bati ko. Hindi ko alam bakit hinanap ka kaagad ng paningin ko kung sino ang kulang sa tatlo. Asan si kean?"Si kean ba ang hinahanap mo? Naku malelate s'ya ng kaunti.. baka bumili pa yun ng pang regalo kay Mia.." ani ni ken. May kung anong tuwa sa puso ko. Akala ko kase hindi s'ya sasama. "Hi zy.. kamusta ka?" Biglang bati n'ya kay zy. Dahilan para sumimangot si zy.
"Ayos lang naman ako.." kaagad syang nag iwas ng tingin kay ken. Ayaw n'ya ba talaga kay ken?
"Ang sungit talaga, sana next time makausap naman kita ng matino haha."
Hindi s'ya pinansin ni zy. Ganoon n'ya kayang isnobin ang gwapong si ken.
"Oh s'ya.. tara na umakyat na tayo," yaya ni ken ng makitang ang lahat ay paakyat na sa yacth.
Napalaki talaga niyon. At sa sobrang laki nakikita ko ang magandang tanawin. Kitang kita ang mga bundok at Tokyo City.
"Mabuti naman at nakarating ka Rose.. akala ko ay hindi ka sasama.." ganoon na lang ang gulat ko ng si Mia na ang nasa gilid ko. Nang makita ko si zy at Ian nakatanaw lang sila sa kabilang side. Hindi ko na pala namalayan.
"Oo naman, salamat sa pag imbita Mia.."
"Walang anuman, pero teka? Nasan si kean? Hindi ba s'ya sasama?" Matutunugan ang panghihinayang sa himig n'ya.
BINABASA MO ANG
Started with a kiss ~ON GOING~
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Rose isang probinsyanang nakatira sa okinawa,na pinangarap makapag aral sa syodad ng Tokyo,isang simpleng babae na umibig dahil sa isang unang halik ng binatilyong hindi nya kilala,na hindi n'ya alam muli nyang makikita sa...