Chapter 51

26 2 7
                                    

CHAPTER 51

Rose POV . .

Nagising ako nang pakiramdam ko may sumisilaw sa akin. Nakumos ko ang mga mata ko at napamulat, tumama sa mata ko ang sinag ng araw. Umaga na pala.

Kaagad akong bumangon at hinanap si Kean. Wala sya sa buong kwarto. Asan sya?

Tinanggal ko ang kumot na nakalapat sa Katawan ko. Kinumutan ako ni Kean?

Pero Asan sya? Bakit Wala sya dito?

Dali dali akong bumangon at inayos ang sarili ko.

Pero ganoon na lang ang gulat ko nang magbukas ang pintuan ng banyo. At lumabas mula doon si Kean na ngayon ay nakatapis lang ng tuwalya sa pang ibaba at walang suot sa pang itaas.

Nanglaki ang mata ko at umiinit nang todo ang mga pisngi ko.

Kitang kita ko ang katawan nya ngayon.

"Gising ka na pala.." Aniya na nagpupunas nang tuwalya sa mahaba nyang buhok.

Kaagad akong umiwas nang tingin. Parang nangatog ang tuhod ko.
Magkakasunod akong napalunok at napailing nang maalala ko ang panaginip ko kagabi. Ano ka ba Rose! Pananginip lang yun!

"May problema ba? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Tanong nya pa sa mayabang na tono ng boses nya.

"Ba-Bakit ba ganyan ang suot mo." Hindi ako makatingin at binaling ang paningin sa mga daliri ko.

"Malamang naligo ako, masama bang maligo Huh?" Naramdaman kong naglakad sya at mukhang kumukuha sya nang damit sa bag nya.

"Ah ganon ba, Oh Sige magbihis ka na." Sagot ko na lang. Pakiramdam ko nanginginig ang boses ko. Bakit ba kase Nakita ko pa syang ganyan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

"Okay, H'wag kang lilingon okay, baka mamaya silipan mo pa ko." Ramdam ko yung pagngiti nya sa tono nya.

Hindi na lang ako sumagot at Umupo sa kabilang dulo ng kama. Hindi ko akalain na mangyayari to sa'kin. Si Kean Lee nagbibihis sa likod ko pa mismo. Napailing na lang ako.

"I'm done.."

Nakahinga ako nang maluwag. Pero Ewan ko ba Hindi ko sya malingon. Paano ba naman Hindi na nawala ang pag iinit ng pisngi ko.

"Ba-bakit ka nandito sa Okinawa?" Sa wakas ay lumabas sa bibig ko Tsaka ko sya nilingon at nagtama ang mga mata namin.

Bumuntong hininga muna sya bago ako sinagot. "Ang sabi mo walang snow dito, kaya dito ako nagpunta, alam mong ayoko sa snow hindi ba? Kaya dito ko gusto magbakasyon? Bakit masama bang Andito ako?"

"Ah Hindi naman, Ang sabi kase nila Ken at Carl, Naglayas ka daw sa inyo, Hinahanap ka nila, nagkita kame kahapon, nag-aalala sila sayo."

"Pch, Mga bading Talaga yun, nawala lang ako naglayas kaagad."
Ngumiwi sya na at tsaka sinuklay ng mga daliri nya ang buhok nya. Ang gwapo talaga nya.

"Eh Bakit ka naglasing ka nang Ganoon kagabi? A-alam mo bang nag— nag- ala—"

Pinigilan nya ang sasabihin ko.

"Nag-alala ka sa'kin? Bakit? May gusto ka ba sa'kin huh Rose?"

Biglang nanglaki ang mga mata ko. Medyo nakangiti sya sa tanong nya.

Napalunok ako. At nakipagtitigan lang sa kanya. Bakit ganyan sya magtanong sa akin? Pakiramdam ko nilalagnat na ako sa init nang mga pisngi ko.

"Ano? May gusto ka ba sa'kin Huh?" Bigla nyang inulit at Mas lumpit sa akin medyo malapit na yung mukha nya sa mukha ko.

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon