Chapter 36

30 6 2
                                    

CHAPTER 36

Rose POV. .

Nagising ako at kaagad nagmulat ng marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

"Magandang umaga Rose, gising ka na pala." Si auntie na May hawak hawak ng tray at nakita kong May bowl na umuusok pa. Nagutom ako sa amoy.

"Oh heto pinaghanda kita ng mainit na fish soup.." kinuha nya ang bed table at itinayo yun sa Harapan ko Tsaka nya ipinatong ang mainit na soup. Meron din isang baso ng gatas.

"Maraming salamat auntie.." ngiti ko.

"Hay, mabuti na Lang Talaga yan Lang ang natamo mo, dahil Hindi ko alam kung paano ipapaalam sa inay at itay mo kung May mangyari mang masama sayo.. salamat Talaga sa Diyos.."
Umupo sya sa upuan na sa gilid ng bed ko. "Pinagpaalam na kita sa school nyo na Hindi ka muna makakapasok, Hindi mo pa kayang ilakad yan, Siguro mga ilang araw pa yan.. Nag leave muna ako sa trabaho ko para mabantayan kita.."

Nakonsesya naman ako sa narinig. Naapektuhan pa tuloy ang trabaho ni auntie ng dahil Lang sa akin.

"Ayos Lang naman po ako auntie, Hindi nyo na Kailangan mag leave pa, kaya ko naman po ang sarili ko.."

"Hindi mo Kaya, ano ka ba.. ayos lang sa akin, Ayoko naman mahirapan ka mag-isa dito at walang aalalay sayo sa tuwing babangon ka.."

"Salamat po auntie.." iyon na Lang ang nasabi ko.

"Oh sya kainin mo na yan baka lumamig pa yan.. magdidilig Lang ako ng mga halaman..Ayos lang din naman dahil makakapagpahinga ako sa trabaho, ang tagal ko din naging busy,hay nakakapagod din ah.." nag-unat pa si auntie at hinilot ng sariling kamay nya yung balikat nya. "Sige na kainin mo na yan, babalik ako pagkatapos mo para tulungan kang magbanyo.."

Tumango ako at kaagad naman lumabas si auntie sa kwarto ko. Mabuti na Lang at mayroon akong Auntie'ng maalalahanin.

Buong hapon lang akong nagbasa ng libro. Halos mangawit na ako kakahiga, ang likod ko masakit na din.

"Rose.. please tulungan mo si Mia."

Napabuntong hininga na Lang ako ng maalala ulit ang itsura ni kean na nakikiusap sa'kin. Napakaswerte ni Mia.

Pero para kong tanga na napangiti Lang ng maalala ko ang paghawak at paghimas ni kean ng kamay ko nung nasa ospital na ako. Nakita kong nag-alala din naman sya sa'kin. Yun nga lang alam kong magkaiba ang pag-aalala nya sa amin ni Mia. Ang sa'kin ay pag-aalala dahil sinasabi nyang Kasalanan nya ang nangyari. At ang kay Mia naman, pag-aalala na dahil Hindi nya kayang mawala si Mia. Dahil...... Hindi ko na tinuloy ang nasa isip ko.

Umiling iling ako. Ayoko munang isipin ang mga nangyari.

Magkakasunod na katok sa pinto ang nagpawala sa pag-iisip ko.

"Bukas yan.." sigaw ko.

Bumukas yun at napangiti ako ng makita si Zy, at Kasama nya din si Ian.

"Kamusta ka Rose?" Tanong ni zy. May hawak syang isang basket ng mga prutas. "Nagdala ako ng mga prutas, kainin mo yan ah,matatamis yan.."

"Salamat zy.." nilapag nya yun sa table sa gilid ng bed ko.

"Para sayo Rose.." nahihiya naman nag-abot sa akin ng isang bugkos ng bulaklak si Ian.

Kinuha ko yun at inamoy. "Salamat Ian.." ngiti ko.

"Namimiss na kita Rose.. sana gumaling na agad ang paa mo, para makapasok ka na." Si Zy.

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon