Chapter 15

95 9 1
                                    

Paaaaaakkkkkkkkk!!

"Aray!!! Bakit mo ako sinapak!!???"

Sigaw n'ya sa'kin,hindi ko na napigilan pa ang galit ko.

Gusto kong maiyak dahil sa mga ginagawa nya sa akin,sumusobra na sya!.

Matalim ko syang tinitigan at hawak nya ngayon yung kaliwang pinsgi nya,nakagat nya yung labi nya,nilalabanan ang  matalim kong tingin.

"Ano bakit mo ako sinapak!?" Inis muling sigaw nya.

Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita.

"Sumusobra ka na kean! Bakit mo ako ginaganito? Bakit mo nagawa yun? Okay Lang sana kung sa ibang paraan mo ako pag tripan.." Hindi ko na napigilan hindi maiyak,mabilis na tumulo ang mga luha ko. "Pero yung ginawa mong pag-gupit sa swim wear ko Hindi ko na ata matatanggap,dahil sa ginawa mo Hindi ako nakalaban,Wala akong nagawa..grabe ka kean!"

"Ano bang sinasabi mo!?"
Mas malakas pa ang boses nya sa akin.

"Simula ng dumating ako sa school na ito,puro na lang sakit ang nararamdaman ko! Lahat ng studyante galit sa akin ng dahil sayo! Kahit Wala naman Talaga akong ginawang masama sayo! Kahit Anong sabihin ko at paliwanag ko Hindi ka naniwala sa akin! Ang sama sama ng ugali mo kean!! Ang sama mo!!"

Nasapo ng dalawang palad ko ang mukha ko at Hindi ko na napigilan pa ang umiyak ng umiyak,sobrang sama na Talaga ng loob ko sa taong kaharap ko ngayon.

Hindi ako nakarinig ng salitang galing sa kanya. Tinitigan nya Lang ako ng May pagtataka.

"Sana pala hindi na Lang kita sinagip nung nalunod ka!sana pinabayaan na Lang kita! Kung alam ko Lang na ikaw ang taong sobrang magpapasama ng kalooban ko ngayon!" Mas sinigaw ko yun sa kanya dahilan para magulat sya at nanglaki ang mata.

"Ano?" Ikaw yun?"
Takang tanong nya.hindi ko alam bakit  parang Hindi nya natandaan.

"Oo ako! Pero ngayon pinag-sisihan ko na yun!" Tinulak ko sya "Kinamumuhian kita kean! Kinamumuhian kita!" Hindi ko na sya hinintay pa magsalita,mabilis akong tumakbo at lumayo dahil Hindi ko na kaya makita pa ang pagmumukha nya.

"Rose saan ka ba galing?" Kaagad kong pinunasan ang luha ko ng makasalubong ko si zy..

"Ayos ka Lang ba? Umiyak ka ba? Anong nangyari?may problema ba?"

"Wala 'to zy..sinipon Lang ako.." pag-sisinungaling ko.

Bigla nya akong niyakap "Rose..ayos Lang yun May next game pa naman e..bawi ka na lang bukas.." pag-aalu nya sa akin kaya naman napangiti na Lang ako. Salamat zy Andyan ka lagi para sa akin tunay kang kaibigan.

"Oo May bukas pa naman,babawi ako promise.." sabi ko tsaka pinunasan yung mamumuo ko nanamang luha.pilit din akong ngumiti.

"Ayan salamat naman at ngumiti ka na Rose.."

"Salamat sayo zy.. salamat dahil nandito ka lagi para sa akin.."

"Ano ka ba ayos lang..ano pa't naging magkaibigan tayo diba? Ako nga ang number 1 fan mo e.."

Napangiti na lang ako at Kahit papano nawala na ang mga sama ng loob ko. Pero naroon pa din yung kinamumuhian ko si kean.. kung pwede lang Ayoko na syang makita pa..

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon