Chapter 31

36 5 0
                                    

CHAPTER 31

Rose POV. .

Hindi ko na ata mabilang kung Ilan beses ang pagbuntong hininga ko. Simula pa Kanina ng mag-umpisa ang party Hindi pa din kame nag-uusap ni kean, May mga oras na nahuhuli ko syang sumusulyap sa akin, pero hanggang doon lang iyon, walang sinuman sa amin ang maglakas ng loob na kausapin ang isat isa. Naiinis pa din ako sa kanya, Pero Hindi ko maipagkakailang nahihirapan akong Hindi sya tignan, dahil Talaga namang sobrang gwapo nya sa kasuotan nya, siya na ata ang pinaka attractive sa lahat ng nandito para sa'kin.
Napabuntong hininga na Lang ako sa naisip, Paano ba naman Kahit Anong inis ko kay kean, gusto ko pa din sya, Kahit na ang Sama ng ugali nya sa akin, gusto ko pa din sya, kahit ginagamit nya Lang ako, gusto ko pa din sya.

"Rose ayos ka Lang ba? Kanina ka pa tahimik,." Si zy ang bumasag ng malalim kong pag-iisip, kakatapos lang namin kumain, at nakatayo kame sa gilid ng juice bar, Habang pinagmamasdan ang mga nag eenjoy sa party.
Tango Lang ang sinagot ko kay zy at mabilis na sumulyap muli kay kean na ngayon ay nakikipag tawanan sa mga kaibigan nya. Gustong gusto ko ang ngiti nya. Yung ngiting nakikita ko Lang pagkausap nya ang mga kaibigan nya. Palagi kaseng nakasimangot sya sa akin o kaya'y galit.

"Bakit pala Hindi kayo nag-uusap ni kean? Magkaaway ba kayo?"

Nilingon ko si zy. Magkaaway nga ba kame?

"Hindi ah.. Siguro busy Lang sya sa mga kaibigan nya." Iyon ang lumabas sa bibig ko.

"Halata naman Eh.."  sagot ni zy na nakatingin na din sa gawi ng tatlo.

Maya maya pa.
Pareho kameng napalingon ni zy ng biglang Lumapit sa amin si Ian.

Nahuli sya ng dating, at halos mapahanga ako sa kanya, bagay na bagay sa kanya ang suot nya. Ang gwapo nya.

"Medyo late na pala ako.." bungad nya ng May Magandang ngiti. Gusto kong mahiya sa paraan ng pagtingin sa akin ni Ian.

"Bagay sayo ang suot mo, ang gwapo mo Ian." Si zy.

"Salamat Zy, kayo din ni Rose, ang ganda nyo rin.." Hindi nya inaalis ang tingin sa akin, Kaya naman ako na ang umiwas ng tingin.

Ilang minuto pa nag-umpisang mapalitan ang maidayog na tugtog, dahilan para magtilian ang ibang kababaihan. Umpisa na ng sweet dance.

Nilingon kong Muli si Ian na ngayon ay May kakaibang tingin sa akin.

"Rose, okay Lang ba kung isayaw kita?" Lumapit sya sa'kin na nakalahad ang kanang kamay.

Ang totoo Hindi na ito ang unang beses na magsasayaw kame ni Ian. Palagi nya akong sinasayaw, sa tuwing May party sa school namin sa okinawa. Naging escort ko na din sya noong jr prom namin.

Nakangiti kong kinuha ang kamay nya. Tsaka kame nagpunta sa unahan para magsayaw.

Naaalala ko pa kung Paano naging mabait at gentleman sa akin si Ian. Gustong gusto nya ako. Pero dahil Hindi pa ako handa. Naging sila ni shane. Pero sa huli nalaman ko na si shane Lang ang May gusto noon. Napilitan Lang sya dahil nasaktan sya sa paulit ulit kong pagtanggi sa kanya.

"Sana Mas inagahan ko ang pagpunta rito, para Hindi ako nanghinayang ng ganito.." tinignan ko si Ian na ngayon ay makikita ko ang lungkot at pag-sisisi sa kanyang mga mata. "Sana Hindi ko pinairal ang pride ko, sana hinintay lang kita.. sana Hindi ko piniling ibaling kay shane ang nararamdaman ko.. nagsisisi ako Rose.." nagbaba sya ng tingin na para bang nagpipigil maiyak. Pero Muli nya din akong tinitigan sa mata. "Gusto mo ba sya?" Tanong nya. At alam ko na si kean ang tinutukoy nya.
Gusto kong sabihing Oo. Pero Anong karapatan kong sabihin yun. Gayung pagpapanggap Lang naman ang ginagawa namin ni kean.

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon