CHAPTER 19
"Ano! Matapang ka na ngayon!? Kaya nakakaganyan ka na? Para sabihin ko sayo walang Sino man ang Pwede akong sigawan!"
Nagulat ako ng kasunod ng mga sinabi n'ya ang malakas na pagsampal nya sa akin.
Nahawakan ko ang pisngi ko. Napayuko ako. Masakit,mahapdi malakas sumampalataya si shine.
Eto na ang ikalawang beses na sinampal n'ya ako. Noong una pinabayaan ko lang sya,Pero ngayon hindi naman na ata ito makatarungan.Mabilis akong nag-angat ng paningin.
Paaaaakkkkkkkkkk!
At ganoon ko din kabilis na sinampal si shine.
"OMG!"
"Shine are you okay?!"
Yung dalawa nyang kaibigan na gulat na gulat. Nakayuko ngayon si shine at hawak ang pisngi nyang nasampal ko. Nang iangat n'ya ang paningin matalim na ang tingin n'ya sa akin na para bang ako ang naunang sumampal.
Halos lamunin ako ng tingin nya pero nilabanan ko lang iyon ng kagaya ng sa kanya. Inubos nya ang pasensya ko. Nanginginig ako sa galit. Hindi ko na sya hahayaang gawin ulit iyon ng hindi man lang ako nakakaganti.Magsasalita na sana si shine ng makita ko syang tumingin mula sa likuran ko at biglang nagbago ng emotion ng mukha.
"Miss Rose Zu sheng!"
Ganoon na lang ang gulat ko ng marinig ang sigaw na iyon mula sa likuran ko.
"Rose si mam. Zen."
Bulong ni zy sa akin.
Nilingon ko si mam zen. Na ngayon ay nakahalukipkip at masama ang tingin sa akin."Ipaliwanag mo ang ginawa mo!?" Aniya. Na lumapit pa sa gawi namin ni Shine.
"Mam,si Rose po bigla na lang akong sinampal!" Dinuro ako ni shine na ngayon ay humihikbi sa pag-iyak. Kumunot yung noo ko sa tila ba pagpapanggap nya sa pag-iyak.
"Miss Rose, ipaliwanag mo kung bakit mo ginawa iyon!"
Muling tanong ni mam sa akin. Masama na talaga ang tingin nya."Mam..s'ya po ang nau—"
"Mam nagulat na lang ako bigla nya akong sinampal..wala po akong ginawa sa kanya.Nakita n'yo naman po diba?" Singit ni shine. Kasunod ng maarte nyang pag iyak.
"Rose Zu sheng kitang kita ng dalawang mata ko ang pagsampal mo kay shine..ngayon ipaliwanag mo bakit mo nagawa iyon?" mahinahon pero may galit pa din sa mga mata ni mam zen. Maya maya nagsilapitan na ang ibang studyante sa amin.
Humugot muna ako ng malalim na hininga.
"Pero mam sinampal po muna ni shine si Rose.." singit naman ni zy. Humawak s'ya sa braso ko. "Kaya po sinampal din s'ya ni Rose..nagsisinungaling po si shine mam.." inis na dinuro din ni zy si shine.
Halos gulat na gulat naman si shine sa sinabi ni zy. "A-no? Hi-hindi po mam,hi—"
"She's right, si shine ang nauna kaya nakatikim din sya ng sampal.."
Pare pareho kameng napalingon sa pamilyar na boses na nagsalita.
Si kean
BINABASA MO ANG
Started with a kiss ~ON GOING~
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Rose isang probinsyanang nakatira sa okinawa,na pinangarap makapag aral sa syodad ng Tokyo,isang simpleng babae na umibig dahil sa isang unang halik ng binatilyong hindi nya kilala,na hindi n'ya alam muli nyang makikita sa...