Chapter 46

20 3 2
                                    

CHAPTER 46

Rose POV. . 

Halos Hindi ko na ata manguya ang kinakain kong ramen ngayon. Nawala na yung lasing ko at nahimasmasan na ako. Pero ang kabog ng dibdib ko Kanina pa at halos rinig na rinig ko. Hindi ko alam kung Paano ko titignan si kean ngayon. Lasing ako kanina, Pero alam at naalala ko pa din ang mga pinagsasabi ko. Ganoon ata paglasing, Hindi mo makontrol ang sarili mo. Sana lang Hindi nya ako tanungin sa mga sinabi ko kanina dahil Hindi ko alam ang isasagot ko. Nakakahiya.

Nilingon ko ng palihim si kean na Mukhang Sarap na Sarap sa Ramen na kinakain. Habang si auntie naman ay nakaupo sa tapat namin at parang tuwang tuwa kameng pagmasdan na kumakain ng sabay.

"Bagay na bagay talaga kayong dalawa.. Kahit Saan side kong tignan talagang bagay kayo. Hihihi.."

"Auntie naman, Baka po mailang na nyan si kean.." pagsaway ko kay auntie palibasa nakapangalumbaba pa sya at parang sya pa ang kilig na kilig. Kung alam mo lang auntie. Ako din. Hala! Naipaling na lang ako sa naisip ko. 

"Bakit Hindi mo kase ligawan ang pamangkin ko.." halos mailuwa ko ang noddles sa bibig ko ng magsalita Muli si auntie. Kitang kita ko din kay kean kung Paano sya nagulat at nakapalunok.

"Auntie may girl friend na— may girl friend na po sya.." Tama bang sinabi ko yun? Baka sabihin nya nanguna pa ako. Ano ka ba Rose! 

"Ha? Ano?! May girlfriend ka na?!! Huhuhu.. Bakit Hindi mo sinabi kaagad.." parang batang pagmamaktol ni auntie. "Umasa pa tuloy ako, Umasa ako sa Wala.." hala? Hugot ba yun ni auntie? Parang yun sa ex boyfriend nya na iniwan sya? Kaya Hindi na sya nakapag-asawa pa dahil hanggang ngayon mahal nya pa din yung lalake.

"Wala pa.." natigilan ako at napalingon kay kean? Wala? Nag-sisinungaling ba sya? Eh diba sila na ni Mia?
Naramdaman nya sigurong napatingin ako sa kanya kaya Lumingon sya sa'kin at nagtama yung mata namin.

"Nililigawan pa Lang.." aniya. Pero Kahit ganon pa man, May kung Anong kumurot sa puso ko. Ganon na din yun. Papunta na yun dun. Aray!

"Nililigawan pa lang naman pala eh.. Hindi pa girlfriend Kaya May pag-Asa pa! Habang May chance pa May pag-Asa pa?" Ano daw? Parang tinagalog lang ni auntie eh. "Pareho lang naman pala kayo ng status Eh.. Ikaw May Nililigawan?" Pagduro nya kay kean. "At itong si Rose May nanliligaw.." pagturo nya naman sa akin. "Malay nyo, kayo Talaga sa huli.. hihihi.." 

Malabo yan auntie. Malabong magkagusto sa akin si kean.

"I think I have to go, it's getting late.." biglang nilapag ni kean yung hawak nyang bowl. Tapos na syang kumain.

"Naku late na Talaga, kung gusto mo Dito ka na magpagabi, mahirap mag-drive ng nakainom at—"

"No I'll be fine."  Pagputol ni kean kay auntie.

"No hijo makinig ka sa akin, mahirap magdrive ng nakainom, manggagaling ka pa naman dito sa bahay ko, Ayoko mapahamak ka okay kaya makinig ka sa'kin.. Dun ka matulog sa room ni Rose, tapos sa kwarto ko na Lang matutulog si Rose.."

Magsasalita pa sana si Kean nang Tumalikod na si auntie at kaagad umakyat papunta sa kwarto ko. Alam kong titignan nya kung malinis ba yun. Malinis naman yun kahit papano.

"Ang ingay ng auntie ko no? Pasensya ka na." Sabi ko na lang.

"Parang Ikaw paglasing maingay kung ano ano ang sinasabi.."

Bigla namang uminit yung pisngi ko sa sinabi nya. Nahihiya ako. Naalala ko nanaman yung pinagsasabi ko sa kanya kanina.
Hindi ako sumagot at kunwaring ililigpit na lang ang pinagkainan.

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon