"Hoy!kean ano ba!!kanina ka pa Wala sa sarili mo..ang panget ng laro mo ngayon ah.." natauhan Lang ako sa sigaw ni ken sa akin kasalukuyan kase kame nagpapractice ng sepak."Oo nga May problema ba?" si Carl na ang Lumapit sa akin.
"Wala! Tinatamad na ko.."Sagot ko tsaka ako Lumapit sa bench para uminom ng tubig ..Lumingon lingon pa ako sa mga dumadaan ng mga studyante Pero Ewan ko ba bakit parang May hinahanap ako may gusto akong makita.. dalawang araw ko na kase hindi nakikita yung rose ..Wala akong mapag tripan!mmm baka nag drop out na..buti naman kung ganun..Hindi sya bagay dito ..
"Dre umayos ka naman ..malapit na ang intrams Kailangan na'tin manalo.." inis kong nilingon si ken.
"Kahit Hindi ako mag practice mananalo tayo..tandaan mo yan.."
"Ang yabang!tignan mo nga ang laro mo ngayon.."
"Pwede ba tumahimik ka na dyan .. nagugutom na ko..kumain muna tayo.." sabi ko na Lang tsaka nauna na akong maglakad papunta sa canteen.
As usual pa daan pa Lang ako marami na ang nagtitilian..
Nang maka pasok ako sa canteen nag hanap kaagad ako ng table at nakakita ako sa malapit sa bintana...
Nahagip pa ng paningin ko yung rose na Kasama yung kaibigan nyang weirdo.. ngumisi pa ako at nakita ko na yumuko sya ng makita ako..
Tapos bigla syang tumayo Kasama yung weirdo at akmang aalis.."Hoy! Miss gluta!" Hindi ko alam bakit tinawag ko sya!slowmotion nya akong nilingon at narinig kong May nag bulong bulungan na mga kababaihan.
"Why is he calling her miss gluta?"
"Malamang baka gumagamit na ng gluta dahil look at her..dugyot!"
"Yea tama..buti nga sa kanya."
"Hahaha.."
"Dre miss gluta?" Biglang tanong ni ken nasa likod ko na pala.
"Haha Wala.." humalakhak ako ng malakas at nakita ko na napasimangot yung rose.. yan ganyan gusto ko yung naiinis sya natutuwa ako pag nakikita ko syang naiinis or umiiyak haha.
Tumalikod na sya at akmang maglalakad ng bigla syang natapilok dahilan para bumagsak sya sa sahig at doon nag tawanan ang mga studyante at ako ang pinakamalakas..Hahaha..buti nga sayo!
"Ayos ka Lang ba?"na gulat ako ng tulungan syang tumayo ni Carl at nung weirdo nyang kaibigan..ewan ko bakit parang naiinis ako sa tuwing tinutulungan sya ni Carl.. dahil Dapat Hindi!!dahil kaaway ko sya!!
"Ayos lang ako salamat ah.." sagot nung rose dito tapos nagkatitigan pa Silang dalawa ..Mga badoy!
"Hoy!Carl!!ano ba! Umorder na tayo.!" Sigaw ko kaya naman kumalas si Carl sa pag aalalay dito..
"Dre confirmed May gusto nga ata Talaga yan si Carl dyan sa rose na yan.." bulong naman sa'kin ni ken hindi ko alam Pero parang Uminit yung pakiramdam ko ..
"Wala akong pake.!" Sagot ko tsaka ako Tumalikod at nag walk out
"Hoy! Dre! Sabi mo gutom ka!" Sigaw ni ken Hindi ko na sya nilingon pa at naglakad na ako papunta sa classroom namin..iidlip na Lang ako nawala na ko sa mood..
Rose POV ...
"Rose sigurado ka ayos ka Lang? Gusto mo punta tayo sa medics?" Nag aalalang tanong ni zy sa'kin.
"Okay Lang ako zy..galos Lang naman ito.." sabi ko tsaka ko hinugasan sa gripo yung Braso ko na May galos at konting dugo.
"Grabe kung pag tawanan ka nila Hindi na makatarungan..bakit ba kase ang sasama ng ugali ng mga studyante dito rose.."Bumuntong hininga pa sya " at akala ko pa naman pag nabalik mo na yung pera kay kean titigilan ka na nya Pero bakit parang mas nang aasar pa sya ngayon .." pahabol nya pa Hindi ako maka sagot dahil sobrang sama Talaga ng loob ko ilang araw ko din dinibdib ang nangyari sa amin ni kean nung nakaraan..at hanggang ngayon hindi ko alam kung Sino ba ang nag kalat nun sa information board ..at paano nya nalaman?gayung si zy Lang naman ang pinag sabihan ko
Napalingon ako kay zy ayaw kong pag isipan na sya yun Pero Ewan ko ba ..
Pero bigla kong naalala yung yabag nung paa nung nasa locker room kame ni zy Hindi kaya May nakarinig ng usapan namin??
BINABASA MO ANG
Started with a kiss ~ON GOING~
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Rose isang probinsyanang nakatira sa okinawa,na pinangarap makapag aral sa syodad ng Tokyo,isang simpleng babae na umibig dahil sa isang unang halik ng binatilyong hindi nya kilala,na hindi n'ya alam muli nyang makikita sa...