CHAPTER 55

11 3 3
                                    

CHAPTER 55

ROSE POV...

Kinabukasan nang magising ako ang bigat bigat ng pakiramdam ko, magdamag kong inisip kung Anong ginagawa dito ni Mia? Kung magkaayos na Kaya sila ni Kean? Masaya Kaya si Kean dahil sinundan sya dito ni Mia? Syempre naman Rose.. si Mia nya yun eh.

Napabuntong hininga ako. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing maiisip ko sila. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag may gusto ka sa isang tao na alam mo na iba naman ang gusto. Wala akong laban.

Tanghali na ay Hindi pa din ako bumangon. Hindi din ako nag agahan. Nang pasukin ako ni inay sa silid ko sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko. Totoo naman masama sa pakiramdam, ang kirot kirot ng puso ko.

Bumalik sa isipan ko kung Paano ako binuhat ni Kean sa kanyang balikat kahapon ang puso ko nun ay lumulukso at Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan naramdaman ko, Pero kapalit pala noon ang ganitong pakiramdam.

"Ano kayang ginagawa nila ngayon? Nakabalik na Kaya sila ng Tokyo?" Para akong tangang kinakausap ang sarili habang yakap ang unan ko.

Maya maya pa'y nakarinig ako nang katok mula sa pintuan ng silid ko.

"Bukas yan." Matamlay kong sigaw. Si Mimi Siguro Baka gustong makipaglaro, sa isang linggo na pala ang balik pasukan namin, kelangan ko nang sulitin ang mga araw na kasama ko ang pamilya ko. Mamimiss ko nanaman sila pagbalik ko ng Tokyo.

Pero nagulat ako nang si Lei ang bumungad sa pinto.

"Hoy Rose! Bakit naman Hindi ka na bumabangon riyan sa higaan mo, sulitin natin ang bakasyon mo. Halika't bumangon ka dyan." Nagulat ako nang Bigla nya na Lang akong hilahin paupo. "H'wag mong sabihin na nagmumukmok ka dahil kay pogi."

"Hindi ah." Kaagad na tanggi ko.

"Sus! Kilala kita, kahapon ka pa ganyan simula nung nalaman mong Andito yung Mia na yun. Hay Hindi na ko mapaghintay na makita ang babaeng yun, at sa wakas makikita ko na din sya mamaya!"

Nagugulat akong napalingon kay Lei. "Mamaya?"

"Yup!" Tumango sya. "Nagtext sa'kin si future ko, at ang sabi nya Sabihin ko daw sayo na babalik na sila sa Tokyo sa isang araw at iniimbitahan nila tayo sa private resort na nirent nila, para naman daw ma enjoy ang bakasyon total Andito na din naman daw sila sa Okinawa, walang snow Pero malamig na haha, at Syempre sumama na din daw ako kung gusto ko, abay Syempre gusto ko no! Pagkakataon ko na yun para makasama ang future ko Ayoko na syang pakawalan pa!"

Sa haba nang sinabi ni Lei, Hindi ako nakasagot. Marahil andoon din si Mia. Parang ngayon pa lang Ayoko nang bumangon pa gusto ko na lang magtalukbong ng kumot.

Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong.

"Hoy! Rose! Ano ba bumangon ka na dyan! Kelangan na natin mag asikaso, dahil Dapat before 6pm Andun na tayo!"

Pinilit hinila ni Lei yung kumot ko pero nakikipaglaban ako sa hilahan sa kanya.

"Ayoko lei, ikaw na lang kung gusto mo." Masasaktan lang ako dun. Masasaktan

"Ano ka ba Rose! Ako lang? Eh Ikaw ang mga kaibigan nung mga yun."

Kaibigan? Parang Hindi naman? Dati nga ay kaaway nila ako. Kaibigan pa Kaya?

"Wala ako sa mood Lei, Hindi ko alam kung Kaya ko ba.."
Bumuntong hininga ako bago sya nilingon. Tinitigan nya naman ako nang naiiyak na mukha.

"Sige na Rose please. Minsan lang naman 'to eh, pagbigyan mo na ako gusto ko makasama si future ko, babalik na sya sa Tokyo at Hindi ko na sya makikita pa. Sige na please Rose."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon