Chapter 32

30 5 2
                                    

CHAPTER 32

Kean POV .

"Yun oh, bati na sila.."  bungad ni ken ng makabalik kame ni Rose sa table namin nila ken. "Magbabati din pala pinatagal pa eh.."

"Psh." Ngumisi ako.

"Sandali Lang, hahanapin ko Lang si zy." Si Rose na akmang aalis kaagad.

"Invite mo na Lang si zy dito,para naman marami tayo.."
Yaya naman ni ken. Panigurado gusto nya Lang makasama si weirdo.

Tumango naman si Rose at kaagad hinanap si miss weirdo. Pero nang makabalik sya sumama na yung itsura ko. Kasama ba naman nya yung mokong nyang admirer, eh Hindi naman sya invited dito sa table namin!

"Okay Lang ba kung makijoin sa'tin si Ian.." nilingon ko si Rose sa sinabi at sinamaan ko sya ng tingin. Yung makuha ka sa tingin na Ayoko Hindi Pwede!

"Sure, mas marami Mas masaya.." si ken. Halos pang dilatan ko na sya ng mata Pero ang mga king ina Hindi Talaga sila makuha sa tingin.

Katabi ko si Rose sa kanan ko, nasa kanan ni Rose si weirdo, sa kanan naman ni weirdo yung mokong, then katabi nya si Carl na katapat ko, at katabi naman ni Carl si ken na nasa gilid ko.

King ina! Wala na kong nagawa, pagtitiisan ko na Lang 'tong mokong na 'to!

"Girls Umiinom ba kayo?" Tanong ni ken.

Nilingon ko si Rose at zy na ngayon ay panay ang iling.

"Hindi? As in? Hindi pa kayo nakakatikim ng alak?"
Namamanghang tanong ulit ni ken. Hindi naman ako magtatakang Hindi sila nag-iinom, sa itsura pa Lang kase nila! Mukhang mga probinsyana Talaga! Yung bang ignorante sa lahat! Haha.

"Hindi eh.." umiling Muli si Rose.

"Mmm, Ang boring nyo naman..Sandali Lang ah.." saglit na nagpaalam si ken, at natawa na Lang ako ng May dala na syang ilang bote ng soju.

"Oh eto, Siguro naman magugustuhan nyo 'to, Hindi yan gaanong matapang para sa mga baguhang kagaya nyo..rice wine Lang iyan.."

"BI ka dre! Itigil mo yan.." si Carl. Kj Talaga yan Kahit Kelan haha. Natatawa lang akong tignan ngayon si ken. Mukha syang demonyo!haha.

"Hindi kame umiinom," inis na sabi ni weirdo. Nakasimangot na sya.

"Okay Sige ganito na Lang, mag games na Lang tayo." Kinuha ni ken yung isang bote ng beer na Wala ng laman. Nilagay nya yun sa gitna ng table. "Mag spin the bottle na Lang tayo,. Truth or dare.."

"Ha?" Si weirdo.

"Truth or dare?"  Si Rose.

"Oo, para naman May thrill ang gabi na'tin.. Pero Pag Hindi mo nagawa or nasagot ang punishment, iinom ka ng soju!"   Nakangisi na si ken. Mahilig Talaga yan sa mga ganyang laro.

"Hindi nga kame umiinom eh.." Angal nanaman ni weirdo. Pakiramdam ko May gusto 'to kay ken. Para kaseng ilang na ilang sya kay ken.

"Edi  gawin at sagutin mo ang dare..simple as that,." Ako. Nagkibit balikat ako. "Okay start na natin,."  Sabi ko na tumango na kay ken para mag-umpisa na sya.

Walang nagawa si Rose at weirdo. Napilitan na Lang sila.

Maya maya inispin na ni ken ang bote. At tumapat Lang naman iyon kay miss weirdo. Gusto ko na Lang matawa sa mukha nya ngayon, sobrang namumula na sya at Hindi na maipinta yung itsura nya.

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon