CHAPTER 45

20 4 0
                                    

CHAPTER 45

"Tinamaan din ako sayo"

Muling inulit ng utak ko yung pagkakasabi ni Rose. Ewan ko ba bakit parang tinambul nanaman yung dibdib ko.
Hindi ko alam kung Anong pakiramdam 'to, Pero sobrang Lakas ng kabog ng dibdib ko.

Hindi kaagad ako makapagsalita at nakipagtitigan lang sa pumupungay nya nang mata.

"Hehe, Ang gwapo mo talaga.. ang swerte ni Mia sayo.." muling pagsasalita nya. Sinasabi nya Lang na gwapo ako sa tuwing lasing sya? Bakit ba ako ang trip nya paglasing sya?!

Magsasalita na sana ako nang muli syang magsalita. "Ano ba 'to, nakakainis, Bakit ko ba sinasabi 'to.. pa-sensya ka na ah Kean, ang kulit ko na ba? Hehe, Nakakahiya ako, Bakit nasasabi ko 'to?" Dire-deritso pang sabi nya Kahit nabubulol na sya sa kalasingan at napapahawak sa magkabilang pisngi nya. "Nahihilo na ko, gusto ko nang matulog.." hinilot nya yung ulo nya at bigla na lang yumuko sa lamesa.

Teka!

"Hoy bawal matulog dito, tsaka Anong ibig mong sabihin sa— sa mga sinasabi mo dyan?" Napanguso ako. Hindi ko alam bakit Ganito yung pakiramdam ko. Ewan ko Bakit gusto ko pa syang magsalita. "Hoy! Umayos ka nga bumangon ka dyan, ano ba yung mga pinagsasabi mo dyan ha?" Lumapit na ako sa kanya at Niyugyog yung balikat nya. Pero Hindi nya ako pinansin, nakapikit na sya at parang matutulog na.

Napabuntong hininga ako. Napatitig sa natutulog nyang mukha. Hindi ko alam bakit parang May humahaplos ngayon sa puso ko. Damn! Ano bang pakiramdam 'to!

Nilingon ko si Ken at weirdo na May sarili nang mundo. Kung Anong mundo Wala akong pakealam.

"U-uwi na ako, Ba-Baka hinah—hanap na ako ni auntie.." nagulat ako ng biglaang tumayo si Rose. Muntik na syang matumba Pero mabuti na lamang nahawakan ko kaagad yung bewang nya.

"Umayos ka, H'wag ka nga munang tumayo, Kung Hindi pa kita nasalo matutumba ka na.." inis na sabi ko sa kanya at tumingala naman sya sa'kin para magtama yung mata namin.

"Pa-sensya na.hehe.. ang gwapo mo." Pinisil nya yung ilong ko. Lintik Talaga! Kukutongan ko na 'to eh! Ang kulit!!

"Hoy! Umayos ka nga.." pag-iiwas ko Pero hawak ko pa din yung bewang nya.

"Sorry hehe.. U-uwi na ko, Zy, uwi na tayo.." sigaw nya pa ang Lakas na kase ng boses nya. Lasing nga 'to! Ngayon ko lang syang narinig na Ganoon kalakas ang boses.

"W-ala KJ si Rose, H'wag muna kayong umuwi.." halos dismayado pa si ken Mukhang nag-eenjoy talaga sa piling ni weirdo.

"Lasing na sya Dre, Kailangan nya ng umuwi, baka hinahanap natin sya ng auntie nya.." sabi ko pa. Kumalas na din sa akin si Rose at umupong Muli para Hindi matumba.

"Wow Dre, is that you? Concern? Kay Rose? Mmmmm, I can smell something ah.."

"Ulol!" Inis na singhal ko. Ano bang pinagsasabi nito. "Wala akong gusto sa kanya noh, ano bang pinagsasabi mo dyan!" Sigaw ko pa sa kanya.

Humalakhak naman sya. "Bakit Wala naman akong sinasabi na May gusto ka eh? Hahaha.. Ikaw dre ah, defensive ka ah! Mmmm Baka naman kase?" Ngumiwi sya sa'kin at tinignan ako ng nanunuksong tingin.

"Umayos ka dyan Ken, baka kalimutan kong birthday mo ngayon.." inis na singhal ko. Tumawa lang sya ng malakas at pati na rin si weirdo.

"Uuwi na ako.." natigilan lang ako ng muling tumayo si Rose. Kaagad ko naman syang inalalayan. Nakakainis panay ang tayo tapos panay din ang tumba. Babatukan ko na talaga 'to eh.

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon