Chapter nine

85 11 0
                                    


BUMUHOS ANG MALAKAS NA ULAN
lahat ng studyanteng naglalaro ay mabilis nagsipag takbuhan para makasilong.

Nilingon pa ako ni kean matalim ang tingin sa'kin at ngumisi bago tuluyang tumakbo.

"Rose anong gagawin na'tin? Lumalakas na masyado ang ulan.." nilingon ko si zy at pareho pa din kame ngayon naka squat,Hindi ko din alam ang isasagot dahil Wala pa naman binibigay na hudyat si mam zen sa amin.

"Rose!zy! Sumilong na kayo!" Narinig namin sigaw ni mam zen. napangiti pa kame ni zy bago tumakbo pasilong sobrang basang basa na Talaga kame.

"Salamat mam,."sabi ko ng makalapit kame sa gawi ni mam zen.

"Magpalit na kayo ng mga uniform nyo, Ayoko nang maulit pa yun,maliwanag.." Mataray nyang sabi.

"Opo mam,"sabay namin sagot ni zy.

"Look at them?they're look like basang sisiw.." napatigil kame ng humarang nanaman ang grupo nila shine papasok sa locker room.

"Daaahhh,. Cheap undies,." Halos mahiya naman ako ng yumuko ako at tiningnan ang dibdib ko. bumakat nga ang pink kong bra.

"Yuck!.." sambit pa ni shine nakataas ang kilay at nasa akin ang paningin.

"Shine Pwede ba wag ngayon.." sagot ko tsaka ako akmang hahakba hawak ko ang kamay ni zy.

"Kapag gusto ko gusto ko.. at kapag ayaw ko ayaw ko.." Mataray nya pang sabi. kaya naman napabuntong hininga na Lang ako.

Rose habaan mo pa ang pasensya mo.

Pareho pareho kame natigil ng biglang. May announcement ang principal sa microphone.

"Student maaga uuwi ang lahat!dahil sa isang malakas na bagyong paparating,magsi ingat ang lahat sa pag uwi..inuulit ko mag ingat ang lahat sa pag uwi.."

"Omg!shine let's go!i am so scared!!" Maarting sabi ng Kasama nya.

"Hindi pa tayo tapos!" Huling sambit ni shine bago tuluyang tumakbo Kasama ang mga kaibigan nya,kaya naman nakahinga na ako ng maluwag.

"Rose ang lamig,grabe lakas ng hangin halika na at magpatuyo tayo sa locker room.." tumango na Lang ako at napalingon pa muna sa labas at kitang kita ko ang lakas ng ulan at hangin,paano ako nito makakauwi?

"Mukhang Malakas nga ang bagyong paparating.."Sabi ko ng pareho kame nagpupunas ng tuwalya. Hindi naman kame makapag palit dahil nga Wala na kameng extra uniform.

"Oo nga nakakatakot nga sobrang lakas ng hangin.."

"Ang mabuti pa Umuwi na tayo bago pa tuluyang lumakas ang ulan."

"Bakit Rose wala bang magsusundo sayo?" Natigilan ako sa tanong nya,bago ako umiling.

"For sure kase susunduin ako ng papa ko meron syang single motor at panigurado magdadala yun ng kapote,ganun kase ang papa ko,napakamaalalahanin.." nakangiting sabi nya kaya naman napangiti na Lang ako sa narinig,namiss ko tuloy ang itay ko pareho din ng papa nya haaay.

"Maglalakad na Lang ako mga 20minutes Lang naman ang layo ng bahay ng auntie ko dito e.."

"Naku Rose delikado ang gagawin mo ang lakas lakas pa naman ng hangin," halata sa mukha ni zy na nag aalala Talaga sya.

"Ayos lang zy kaya ko naman,.mag iingat ako.." tinapik ko pa sya sa balikat nya.

"Ingat ka rose ah see you tomorrow.." paalam sa'kin ni zy bago tumakbo papalapit sa papa nya,kumaway pa sya bago sila tuluyang nakalayo,ng lingunin ko ang campus halos paubos na ang mga studyante karamihan kase dito May mga sariling sasakyan.
Kaya naman dali dali kong binuksan ang payong ko tsaka ako naglakad at halos mahirapan akong maglakad dahil sa malakas na hangin,pakiramdam ko liliparin ang payong ko.

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon