Chapter 21

47 6 0
                                    

CHAPTER 21

LUNES...

Mahinahon akong naglakad papasok ng campus. Hanggang ngayon hindi pa din mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni kean. Gusto nya akong ligawan?

Paulit ulit Lang iyan sa sistema ko. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng mga nangyari sa amin, sa kabila ng galit nya sa akin gusto nya akong ligawan. Na gusto nya ako?  Hindi Ko mapaniwalaan.

Flashback...

"Yung sinabi ko pala kanina, ang ibig kong sabihin dun. Uunahan ko na si Carl.. Liligawan na kita."
Halos manglaki ang mata ko sa gulat sa sinabi nya.. ako? Liligawan nya? Nagbibiro ba sya?

Pakiramdam ko namumula na ako ngayon dahil sa biglaang pag iinit ng Mukhang ko. Halos nanglalamig naman ang buong kamay ko sa kaba. Ang bilis bilis din ng kabog ng dibdib ko.

"Ano? Sagot?! Bakit Hindi ka makasagot?" 

Nakatitig lang sa akin si kean. Yung titig nya na naghihintay ng isasagot ko. Habang ako halos natatameme nanaman sa kanya.

"Se-seryoso ka ba?" Nabubulol na tanong ko. Tsaka ako nagbaba ng tingin.

"Mukha ba akong nagbibiro? Yung itsurang 'to?"  Mayabang pang sagot nya. Hindi ko alam kean..

"Ayaw mo ba?" Tanong nyang Muli.

Hindi ko alam bakit mabilis akong napailing kagat ang labi ko.

"Ano? Ayaw mo?!!" Halos isigaw nya iyon sa akin. Salubong na salubong ang kilay nya.

"Hi- Hindi Ganoon, ang ibig kong sabihin, Hindi ko ayaw.."

"Ano?! Ang gulo mong kausap Eh no?" Inis nanaman sya. Palagi na Lang syang nakasigaw? Ganyan ba Talaga sya?

"Sagutin mo Lang.. Oo o Hindi?" Simple as that."
Hala? Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Hindi ko alam.." iyon ang lumabas sa bibig ko.

"Ano?! Hindi mo alam? Ano bang klaseng sagot yan?!"

Haaaay! Kung alam mo Lang kean kung Anong nararamdaman ko ngayon, Hindi ko maipaliwanag.  Kaya Hindi ko masagot ang tanong mo.

"Pssh, wow! Sarap mong kausap Eh no? Clear na clear.." inis syang nag iwas ng tingin sa akin. "Pwede ba yung Hindi mo alam?! Multiple choice Lang yan? A or B? Hindi mo pa masagot?!" Mas inis na sya Tsaka matalim na ang tingin sa akin.

Meron bang nagpapaalam manligaw na galit na galit dahil Hindi masagot ang tanong nya? Meron ba nun? Hindi ko kase alam...

"Eh basta Hindi ko alam.." sagot ko. Hindi na ako makatingin sa kanya. Binaling ko ang paningin sa ibang mga nagsasayaw. At halos karamihan pinagtitingan Lang kame ni kean. Ang iba naman ay masama pa ang tingin sa akin. Kaya naman muli ko na Lang binalik ang tingin kay kean na halos Hindi mawala ang titig sa akin.

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon