CHAPTER TWO
"Teka sandali saan mo ba ako dadalhin?"hindi ko na napigilan na hindi s'ya tanungin ng makalayo kame,nilingon n'ya pa ako tsaka luminga linga bago n'ya pa hagis na binitawan ang kamay ko.
"Makakauwi ka na.."kinuha n'ya ang wallet n'ya sa bulsa n'ya at naglabas ng cash tsaka iyon iniabot sa'kin. Nakaawang ang bibig at hindi makapaniwala. Hindi ko sya maintindihan.
"Ayan kabayaran ko yan sa ginawa ko kanina,.siguro naman sapat na yan?"maangas nyang sabi.
Umiling ako at ibinalik ang cash sa kamay n'ya.
"Hindi ko iyan kailangan,hindi ako bayaran.."hindi ko alam kung bakit naging emotional na ako. Naiiyak ako at nanginginig sa kaba. nag hahalo halong pakiramdam,hindi ko naman magawang magalit dahil tama nga siguro si Lei masyado akong mabait.
Hindi din ako makapaniwala na pagkatapos nya akong nakawan ng halik ay babayaran nya ako na parang bayaran.
"Ang dami mo pang arte..binabayaran ka na nga,bumili ka ng gusto mo,."salubong ang kilay n'ya na pinasadahan ng tingin ang kabuoan ko. tsaka s'ya iiling iling na tumawa. tinitigan ko lang S'ya ng nagtatanong,bakit may dumi ba sa mukha ko?bakit s'ya ganyan Makatingin?
"Bumili ka ng gluta,hahaha.."tumatawa s'ya ng ibinalik ang cash sa kamay ko,nagsalubong ang kilay ko at medyo nasaktan ako sa sinabi n'ya.. gluta??ibig sabihin talagang maitim na nga siguro ako?
"Bakit ako bibili ng gluta?"ewan ko kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.
"Hahaha.."binigyan n'ya lang ako ng nang aasar na tingin tsaka parang kinikiliting tumatawa.
"Alam mo ba yung gluta?pang pa puti yun,."bigla syang sumeryoso pero nagpipigil pa din ng tawa.
"Alam ko naman iyon,pero bakit mo ako gusto bumili nun?"
"Pssssh, stupid,"bulong n'ya pa.
"Ano kamo?"salubong ang kilay na tanong ko.
"Wala!sige na nauubos ang oras ko sayo psssh.."tumalikod s'ya at akmang maglalakad.
"Teka!sandali!"sigaw ko. kaya naman lumingon s'ya at nangliliit ang matang tinitigan ako sa mata,dahilan para bigla mang init ang mukha ko,ang ganda ng mga mata nya.
"Bakit mo ako?" Nagbaba ako ng tingin "Ah ehh bakit mo ako hinalikan?"nahihiyang tanong ko,kinakaban ako at nahihiya.
"Psssh stupid talaga.."muling bulong n'ya dahilan para mapayuko ako. Bakit ba ang sungit sungit n'ya kung tutuusin s'ya ang may atraso sa'kin.
"Wag ka na ngang matanong pa maswerte ka at hinalikan ka ng isang guwapong katulad ko,magpasalamat ka dun,.pssshhh.."muli syang tumalikod at umiling iling parang naubusan na ng pasensya. Hahabulin ko na sana s'ya.
"Rose Rose!!"narinig kong sigaw ni Lei.
"Saan ka ba ng galing?bigla ka na lang nawala?"tanong n'ya.
"Ahh ehh,kase—" natigilan ako.
"Bakit ganyan ang itsura mo?may problema ba?"nag aalalang tanong n'ya,hindi ko naman alam kung paano ko uumpisahan mag kwento.dahil pati ako hindi makapaniwala sa mga nangyari.
Umupo ako sa ilalim ng puno at doon ko emotional na ikenuwento ang nangyari.
"Ano?hinalikan ka n'ya na lang bigla?"halos pa sigaw at nakapamewang na tanong n'ya,tumango ako tsaka yumuko nahihiya talaga ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Started with a kiss ~ON GOING~
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Rose isang probinsyanang nakatira sa okinawa,na pinangarap makapag aral sa syodad ng Tokyo,isang simpleng babae na umibig dahil sa isang unang halik ng binatilyong hindi nya kilala,na hindi n'ya alam muli nyang makikita sa...