Rose POV . .
"Magandang umaga.."bati sa'kin nang napakaganda kong ina,kakabangun ko Lang kase tinanghali ako nang gising,Pero ayos Lang dahil summer vacation naman namin ngayon.
"Magandang umaga.."masiglang bati ko dito. tsaka ako naglakad papunta sa lababo para mag sipilyo.
"Ate ate halika dali May na huling isda si itay sa ilog.."nilingon ko naman si mimi ang bunso kong Kapatid,anim na taong gulang,dalawa Lang kameng magkapatid.
"Sandali Lang mimi tatapusin ko Lang to.."hirap na hirap ako sa pag sasalita dahil punong puno nang bula ang bibig ko.
"Ang tagal mo naman bilis na kase ate.."nauubos ang pasensyang sabi nya. Ganyan yan gusto nya ora mismo susunod ka sa kanya.
"Eto na tapos na po.."humawak ako sa kamay nya tsaka ko sya inakay papalabas.
Kay ganda nang umaga ngayon tirik na tirik ang araw at ang Sarap nang simoy nang hangin.
Pumikit ako at nilanghap ang simoy nang hangin.Nakatira kame sa isang malawak na bukirin nang palay,sa kabilang side nito ay ang taniman nang mga matatamis na melon,at sa kabilang side naman ay ang ilog, kung saan naroroon ang ilog na pinangigisdaan nang aking itay.
"Wow ang laki laki naman ng mga isda itay.."halos mapanganga ako sinundot sundot ko pa ang mga isda sa balde,gumagalaw ang mga buntot at tumatalon talon pa.
"Ang lalaki diba?marami akong nahuli ngayon.."ngingisi ngising sabi nya,napangiti naman ako dahil Kahit Ganito Lang ang pamumuhay namin masaya na kame.
Hindi kame mayaman at sapat Lang ang pamumuhay namin,dahil nakakatulong ang mga anihin namin sa palayan,at iba pa naming mga pananim,meron din kameng tanim na ibat ibang gulay sa likod nang aming bahay. Healthy living kame,at maswerte at masaya na kame sa ibinibigay na biyaya nang kalikasan sa amin.
Masasabi mo ngang probinsya eto.
Ang probinsyang okinawa Japan."Halika na kayo at nang mailuto ko na ito,masarap itong ihawin,."kaagad naman kame sumunod ni mimi kay itay..mukhang mapaparami ang kain ko nito.
"Rose!rose!"napalingon kameng tatlo nang tawagin ako ni lei..hingal na hingal sya mukhang tumakbo nanaman.
"Oh bakit?"tanong ko dito.
"Halika sa dagat mamaya langoy tayo.."nakangiting sabi nya.
"Oo ba.."sagot ko.
"Wow ang lalaki naman ho niyang mga isda?"halos mapanganga sya at namilog ang mga mata,nakitingin sa hawak na balde ni itay.
"Haha oh diba at masasarap iyan pag naihaw ko na,"
"Ay masarap po Talaga iyan.."tatawa tawang sagot ni lei.
"Oh sya halika at sumabay ka na sa'min mag tanghalian.."
"Wow Talaga po?"halos nagugulat na sabi nya. akala mo laging bago, halos araw araw naman nakikikain sa'min.
Si lei ang matalik kong kaibigan,kaklase ko sya simula grade school hanggang 3rd year high..Bali 4th year high na kame sa darating na pasukan.
Nang Matapos kame mag tanghalian halos pare pareho kameng nabusog,tag iisang inihaw na malalaking isda kase ang nakain namin,samahan pa nang sariwang gulay at nang pinakamasarap na soup ni inay.
Nagpahilan Lang kame ni lei bago kame naglakad papuntang dagat,limang minuto ang layo sa bahay namin.
"Alam mo ba rose sinabi sa'kin nang pinsan ko maganda daw Talagang mag aral sa Tokyo,malaki ang mga paaralan at sobrang daming pasyalan..Hindi tulad dito sa probinsya nakakasawa na.."napabuntong hininga naman sya sa haba nang sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Started with a kiss ~ON GOING~
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Rose isang probinsyanang nakatira sa okinawa,na pinangarap makapag aral sa syodad ng Tokyo,isang simpleng babae na umibig dahil sa isang unang halik ng binatilyong hindi nya kilala,na hindi n'ya alam muli nyang makikita sa...