Chapter 24

35 5 0
                                    

CHAPTER 24

"Please rose! I need you."

Matalim kong tinitigan si kean sa sinabi nya. Mayroon sa puso ko na sana ang salitang "i need you" ay Hindi dahil sa kailangan nya Lang ako dahil kailangan nya akong gamitin. Mayroon sa puso kong kagustuhan na sana kailangan nya ako dahil gusto nya din ako....

Nagbaba ako ng tingin tsaka ko hinila ang Braso ko mula sa pagkakahawak nya.

"Pasensya na pero Ayoko, Hindi ko kayang magpanggap para Lang makapanakit ng isang damdamin.." dahil alam ko naman na Kaya nya gustong gawin namin yun dahil gusto nyang pagselosin si Mia. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan nya pang gawin iyon.

Hindi na ako sinagot ni kean. Bumalik kame sa paglilinis, at hanggang sa Matapos kame Hindi na kame nag usap pa.

Madilim na ng makalabas kame ng library at halos Wala na ding katao tao.

"Mauuna na ako," ako ang bumasag ng katahimikan ng makarating kame sa labas ng campus. Maglalakad lang ako, dahil palagi ko naman ginagawa iyon tuwing papasok at uuwi ako, malapit Lang ang bahay ng auntie ko dito, 20minutes kong lalakarin.

"Sandali,"

Nilingon ko si Kean sa sinabi.

"Madilim na, sumabay ka na sa'kin." Nagtataka ko syang tinitigan. Isasabay nya ako?

"What? May dumi ba sa mukha ko?" Inis na tanong nya, salubong ang kilay.
Gusto ko na Lang matawa dahil sa mabilis na pagpapalit ng mood nya.

"Kaya ko naman, malapit Lang naman ang bahay ng auntie ko dito.."
Sagot ko.

"Pch.. sumabay ka na, maghintay ka dyan, kukunin ko Lang yung sasakyan ko." Yun Lang ang sinabi nya at tsaka ako tinalikuran. Sinundan ko Lang sya ng tingin. Pero Hindi ko alam bakit Hindi na mawala ang ngiti ko. Ang totoo nagulat ako ng sabihin nya na sumabay na ako sa kanya. Ang Akala ko ay galit sya sa'kin dahil Hindi ako pumayag sa gusto nyang mangyari.  At ang ikinasaya ko pa, ang isang kean lee ay isasabay ako sa pag-uwi. 

"Sakay.." sigaw ni kean ng nakabukas ang sasakyan, open na open ang bubong ng sasakyan nya. Umawang yung bibig ko. May ganito pa Lang sasakyan? Ngayon Lang ako nakakita ng ganito.  Sobrang ganda, nakakamangha!

"Sakay sabi eh.."
halos mataranta ako sa inis nanamang sigaw ni kean. Kaya naman mabilis akong sumakay.

Nang makaupo ako, Hindi ko na alam kung Saan ko igagala ang paningin ko. Sobrang ganda ng sasakyan nya, at ang bango bango pa.
Maya maya nilingon ko si kean na salubong ang tingin sa akin.

"Mag seatbelt ka.."

"Ahh, Oo nga pala.." kinuha ko yung seatbelt sa gilid ng seat ko. Pero Hindi ko iyon mahila, ang hirap... pano ba ito?

"Pch, palibasa—"
Hindi na itinuloy ni kean ang sinasabi at sya na ang humila ng seat belt ko. Napasinghap na Lang ako ng maamoy sya, ang bango bango nya, at ang lapit nya sa akin kitang kita ko yung mukha nya sa malapitan. Sya ang nagkabit ng seatbelt sa akin. Salubong man ang kilay nya sa ginagawa, Pero ang gwapo nya pa din. Mas matangos ang ilong nya sa malapitan, nang bumaba ang paningin ko sa mga labi nya, pulang pula iyon na para bang naglagay ng lipstick. Hindi ko alam bakit Napalunok na Lang ako at parang naestatwa na ang paningin sa mga labi nya.

"Bakit ka nakatitig?" Ganoon na Lang ang gulat ko ng ilapit ni kean ang mukha sa mukha ko. Isang pulgada.

Napalunok ako. Tinitigan nya Lang yung buong mukha ko sa paraan na parang tumitingin Lang sya sa isang panget na bagay. Nakangiwi at nakataas ang isang kilay.

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon