CHAPTER 44
Kean POV. .
"Anong sabi mo?!" Nagtataka kong tanong kay Rose. Tama ba ako nang pagkakarinig ko oh baka naman namali lang ako?
Nagtitigan pa kame ni Rose. Ang pungay na ng mata nya at medyo namumula na ang pisngi nya. Lasing nga 'to. Nakakainis! Bakit ba sya nag-iinom ng marami? Wala pa naman mag-aasikaso sa kanya!
"Wa-wala.." kaagad syang umiwas ng tingin at tumalikod. "Babalik na ako sa kanila.." Tsaka sya mabilis na naglakad. Baliw Talaga.
Nagbanyo lang ako saglit. Pagkabalik ko Nakita ko si Mia na May kausap sa phone nya. Malayo sya sa table namin.
Nang makita nya ako nginitian nya ako. Ngumiti din ako at ilang segundo lang pinatay nya na ang phone at bumalik sa tabi ko.
"Ayos ka lang ba?" Malambing na tanong ko kay Mia.
"Oo naman, tumatawag lang kase ang Daddy ko. Pinapauwi nya na ako.."
nakalimutan ko Bigla strikto nga pala ang daddy ni Mia. Kahit nasa ibang bansa ang mga magulang nya palaging nakamonitor si Mia sa kanila."Gusto mo bang ihatid na kita?" Tanong ko at hinawi yung buhok nyang medyo humarang sa mukha nya.
"Sige kung ayos lang, kaso Baka magtampo si ken.."
"Hindi yan, akong Bahala.."
Tumayo kame Pareho at Lumapit kay ken.
"Dre Uuwi na si Mia..pinapauwi na sya ng daddy nya.." baling ko kay ken. Busy sa pakikipag-usap kay miss weirdo. Inlove Talaga!
"Ay ang Kj Talaga oh.."
Angal ni ken na napapakamot pa sa ulo. Ugali nyang magkamot ng ulo."Pasensya na ken.. babalik din naman si Kean, ihahatid nya lang ako.."
Si Mia."Sigurado yan ah.. king ina dre bumalik ka ah, Wala na nga si Carl tapos aalis ka pa.. Hindi nyo Talaga ako mahal.."
Binatukan ko na.
"Oh kita mo! Birthday ko Pero kung batukan mo 'ko, parang birthday mo! I hate you dre! Sagad hanggang Buto!"
"Ang drama mo! Babalik ako don't worry, ihahatid ko lang si Mia."
"Sige na, I hate you both.." Aniya na na winasiwas pa ang mga kamay at Pilit kameng ipinapaalis. Mukhang lasing na ang loko.
"Sige Ganito na lang, magtataxi na lang ako.." biglang nakokonsenyang sabi ni Mia.
"Hindi, ihahatid kita baka mamaya mapano ka pa.." hinawakan ko yung kamay nya. Kung Bakit kame sweet ni Mia? Dahil nililigawan ko na sya. Ayoko naman na Hindi ko man lang sya ligawan. So atleast ngayon May status na kame. Hindi kagaya dati na parang kame Pero walang label.
"Ken, pasensya na storbo ah, alam ko Wala ka sa mood Pero magpapaalam na sana kame.." si akino at ang ibang tropa.
Lagot na. Mas lalong magwawala yan si Ken."Okay Sige.. iwan nyo na ko.." nguso ni ken na parang bata.
"Medyo late na din kase.." si anika. "Pasensya na ken.. next time na lang Bawi ulit kame.."
BINABASA MO ANG
Started with a kiss ~ON GOING~
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Rose isang probinsyanang nakatira sa okinawa,na pinangarap makapag aral sa syodad ng Tokyo,isang simpleng babae na umibig dahil sa isang unang halik ng binatilyong hindi nya kilala,na hindi n'ya alam muli nyang makikita sa...