CHAPTER 50
Hindi ako maaring magkamali. Si Kean ang nakikita ng aking mga mata.
Napakunot ang noo ko nang makitang napaupo si Kean sa buhanginan gamit ang tuhod nya.
Kaya naman ganoon ko na lang kabilis na tinakbo ang layo nya mula sa akin papalit sa kanya.
"Kean!"
Sambit ko nang makalapit ako. Bahagyang nakayuko pa sya.
Marahan syang nag-angat ng tingin at nilingon ako.
Nagtama yung mga mata namin.
Kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano sya kalungkot. Nangliliit din ang mga mata nya at namumula.
"Rose?" Sambit nya.
Pero hindi ko alam bakit automatikong humakbang ang mga paa ko papalapit sa kanya para kayapin sya.
Niyakap ko sya sa kanya mga balikat. Nakaluhod sya at ang ulo nya ay nalalapat sa tiyan ko.
Niyakap ko sya ng mas mahigpit. Alam kong kailangan nya ng mga yakap sa oras na ito.Ilang segundo kameng nasa ganoong sitwasyon nang ako rin ang kumalas.
"Kean, Ayos ka lang ba?" Tanong ko humarap ako at lumuhod din para magpantay ang aming paningin.
"I'm okay.." Pero sa tono ng mga salita nya alam kong hindi. Lasing sya at amoy alak sya.
Maya maya ay napaupo sya ng pasalampak at napayuko ulit.Lasing na lasing sya.
"Lasing ka Kean.." sabi ko na tinulungan syang tumayo.
"I'm fine, umalis ka na. Iwan mo na ko. Gusto kong mapag-isa.."
"Hindi kita pwedeng iwan.."
"Bakit Huh?" Nag-angat sya ng tingin sa'kin. Sobrang pungay na ng kanyang mata. Tinitigan nya ako ng masama.
"Hindi kita pwedeng iwan ng ganito ang sitwasyon mo.." sagot ko.
"Hala Rose! Si si Kean yan diba?" Nasa tabi ko na pala si Lei. "Anong nangyari sa kanya?Bakit lasing na lasing sya?"
Hindi ko sinagot si Lei. Alam nya naman na Hindi ko din alam dahil magkasama kame eh.
"Tulungan mo akong alalayan sya Lei.." paki-usap ko kay lei kaagad naman syang sumunod at inalalayan namin si Kean na susuray suray pa. Sa magkabilang braso namin sya hinawakan.
"Bakit ba kase nagpakalasing sya. Grabe amoy na amoy ko ang alak sa kanya. San natin sya dadahil nito Rose? Kailangan nya ng magpahinga."
Saglit akong napaisip. Hindi ko din alam. Ala una na ng gabi at delikado na mag-isa sya sa ganitong kalagayan.
Maya maya ay napansin kameng nahulog mula sa bulsa ni Kean.
Nang pulutuin ko iyon. Napangiti na lang ako. Key card iyon ng hotel. At mabuti na lamang at may pangalan ang hotel sa card na iyon.
Kaagad namin dinala si Kean sa Hotel kung saan sya nakacheck-in. Mabuti na lamang at may pera akong dala para magamit naming pamasahe sa Taxi.
Dahil sa Executive Hotel si Kean naka stay pagpasok pa lang namin ng hotel kaagad na kameng inassist nang mga staff . Kilala nila si Kean. Ang dalawang lalakeng staff na din ang umalalay kay Kean papunta sa Room nya.
"Wow! Ang ganda naman ng kwartong ito Rose, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong hotel." Humahangang sabi ni Lei. Hindi ko sya pinansin at inasikaso lang si Kean. Inihiga ko sya sa kame at inalis ang sapatos nya. Umalis rin kaagad ang mga staff na naghatid sa amin.
BINABASA MO ANG
Started with a kiss ~ON GOING~
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Rose isang probinsyanang nakatira sa okinawa,na pinangarap makapag aral sa syodad ng Tokyo,isang simpleng babae na umibig dahil sa isang unang halik ng binatilyong hindi nya kilala,na hindi n'ya alam muli nyang makikita sa...