CHAPTER 48
Rose POV. .
Okinawa
Napangiti ako ng pagmasdan ang pamilya ko habang kumakain kame ngayon sa hapagkainan. Masaya ako at nakasama ko ulit sila. Kahapon pumunta dito si lei at sobrang saya nya, ganoon din naman ako. Kitang kita ko kung paano nya akong namiss. Halos ginabi na sya ng pag-uwi dahil maghapon lang naman kameng nagkwentuhan. Ikinuwento ko sa kanya lahat nang nangyari sa akin sa Tokyo. Pati na rin kung paanong nagkita ulit kame ni Kean, maging ang awayang naganap sa pagitan namin hanggang sa pagpapanggap at pagiging okay namin. Lahat lahat, naikwento ko rin ang nararamdaman ko para kay Kean. Kay lei ko lang kase nasasabi ang lahat, wala akong naitatago sa kanya.
"Maya maya lang at nandito na ulit yang si lei.. Talagang namiss ka nya anak, halos isang linggo kase syang nagmukmok nung umalis ka." Ani ni itay.
"Ganoon po ba? Namiss ko din naman po sya sobra..". Ngiti ko.
"Ate laro tayo pagkatapos kumain, itulak mo ako sa duyan.." ani naman ni mimi nang may paglalambing. Ang kapatid ko talaga ang pinakanamiss ko sa lahat.
"Sige ba.." hinawakan ko yung ulo nya at hinimas.
"Hindi pwede mimi, medyo malamig ngayon baka sipunin ka." Pagtanggi ni inay.
"Pero gusto ko pong makipaglaro kay ate inay, Sige na po." Naiiyak pang sabi ni mimi tsaka humawak sa braso ko ng sobrang higpit. Ang cute talaga ni mimi.
"Pasensya ka na mimi pero hindi pwede dahil mahina ang iyong baga, gusto mo bang magkasakit ka? At hindi ka na talagang makapaglaro, pupwede naman kayo dito sa loob ng bahay." Paliwanag naman ni inay.
Ngumuso lang si mimi at hindi na sumagot. Kapag ganyan ay kumbinsido na sya.
"Maglaro na lang tayo dito sa loob ng bahay." Pag-ayo ko sa kanya. tumango naman sya at sumang ayon din.
Naglaro kame kame ni mimi buong maghapon. Lahat ng irequest nyang laro ginawa namin, namiss ko din naman ang makipaglaro sa kapatid ko.
Ala sinko ng hapon naman nang dumating si lei, Pero ganoon na lang ang nagulat ako nang makitang kasama nya si Ian."Nakita ko si Ian papunta na dito Kaya nagsabay na kame.." sabi ni lei at hinihingal pa.
"Hi Rose!" Si Ian. "Magandang araw po." Baling nya pa kala inay. Nalaman na din nila na nangliligaw sa akin si Ian dahil sya ang naghatid sa akin pauwi ng okinawa. Ipinagpaalam nya ako kay itay na liligawan nya daw ako at handa naman daw syang maghintay kung hindi pa talaga pwede. Pero ang kinagulat ko ay ang pagpayag ni itay. Nagkatinginan pa nga kame ni inay dahil sa gulat. Pero hindi na lang namin pinansin. Wala naman din akong nagawa dahil ayaw ko naman tanggihan pa si Ian, mabait syang tao at alam kong hindi nya ako sasaktan. Pero Hindi nya naman ako minamadali. Kaya okay na din yun handa daw syang maghintay sa akin hanggang sa maging handa na ako.
Siguro panahon na 'to para buksan ko ang puso ko para sa kanya.
Ngumiti ako kay Ian at tinanggap ang dala nyang mga rosas. Inamoy ko iyon at napangiti sa sobrang bango.
"Salamat Ian.." nakangiting sabi ko. Ngumiti rin sya sa akin na para bang natuwang nagustuhan ko iyon.
"Yiiieeeeehhhh, Akalain nyo yun kayo din pala ang magkakatuluyan, ang dami pang naging hadlang eh.." Si lei. Ngayon ay tanggap nya na si Ian, dahil napatunayan na daw ni Ian na mahal nya ako. Mula kase dito sa okinawa sinundan nya pa ako sa hanggang sa Tokyo. Naging magkaibigan daw sila ni Ian nung panahon na Wala ako, Hanggang sa magpasya si Ian na sundan ako sa Tokyo.
BINABASA MO ANG
Started with a kiss ~ON GOING~
Novela JuvenilSimple lang ang buhay ni Rose isang probinsyanang nakatira sa okinawa,na pinangarap makapag aral sa syodad ng Tokyo,isang simpleng babae na umibig dahil sa isang unang halik ng binatilyong hindi nya kilala,na hindi n'ya alam muli nyang makikita sa...