Chapter 40

26 5 3
                                    

CHAPTER 40

Nakauwi ako sa bahay at kaagad sinalubong ng mga katulong.

"Sir Saan po kayo nanggaling nag-aalala po kame sayo.."

"Kala ken ako natulog." Sagot ko. Mabuti pa sila nag-aalala.

"Tumawag po ang mommy at daddy nyo kagabi hinahanap kayo, ang sabi po namin Hindi ka pa umuuwi, kaya kabilin bilinan po nila na sabihin daw po namin sayo, at tumawag daw po kayo sa kanila.."

Tumango na Lang ako sa sinabi ng katulong. Nag-aalala pa pala sila? Samantalang lagi naman Silang Wala, at walang pakealam sa akin. Psh. Bahala sila!

Kaagad akong pumasok sa kwarto ko at nagshower.

Habang bumubuhos ang maligamgam na tubig sa katawan ko. Hindi ko maiwasan Hindi balikan ang mga nangyari.

"Ahhhhh." Napasigaw si Rose at nagulat din ako sa lakas ng kidlat. Pero mas nagulat na lang ako ng maramdaman kong magkayakap na pala kame.

Napabitaw s'ya sa akin at nag-angat ng paningin. Nagtama yung paningin namin at pareho na kameng basang basa sa ulan.

Hindi ko alam bakit parang tumigil  sandali ang mundo. Parang nagdilim ang paligid at si Rose lang ang nakikita ko. Hindi ko din mabitawan ang pagkakahapit sa bewang n'ya kaya hindi s'ya tuluyang makakalas. Tinignan ko yung mukha nyang Basang basa na at pinapatakan ng ulan. nakakatitig din s'ya sa akin at bakas ang takot sa mukha. Hindi ko alam bakit nagkusa ang kamay ko na hawiin ang hibla ng buhok nyang humarang sa labi n'ya. Umawang yung labi n'ya at hindi ko alam bakit Napalunok na lang akong pinagmasdan yun.
Parang may kung anong nagtutulak sa akin na....

Umawang din yung labi ko at Hinawakan ang gilid ng mukha n'ya.
Napapikit naman s'ya at Umawang din ang labi.
At Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko parang gusto ko na syang....

Napailing ako sa mga Naalala ko. Mas nilakasan ko ang pressure ng tubig ng shower.

Ano bang nangyayari sa akin! Bakit Hindi sya mawala sa isip ko! At Bakit ko parang gustong gustong maramdaman ulit yung labi nya. Kahit pa alam ko naman na Hindi ko na maalala yung halik ko sa kanya dati! Dahil isang walang kwentang halik Lang naman yun! Tapos ngayon! Para akong minamagnet! Haaaaaaaaaaiiiiiiiisssssst!!!

Kaya naman binilisan ko na ang pagligo ko.
Nagbihis ako ng pajama kong black at white na t-shirt Tsaka ako pabagsak na humiga sa kama ko. Napatingin ako sa kisame Kinuha ko yung isa kong unan at niyakap.

Pero ang nakakainis Naalala ko nanaman sya.

Nakita ko si mommy at daddy na papalabas na ng pinto ng bahay namin. Kaagad akong tumakbo para habulin sila. Aalis nanaman sila at iiwan nanaman nila akong mag-isa.

"Mom, mom,.."  Sigaw ko, mabilis na tumulo ang mga luha ko. Nilingon nila ako ni dad.

"H'wag nyo kong iwan mom, Hwag nyo kong iwan.."  nagmamakaawang sigaw ko. Hinila ko ang palda ni mommy at halos humihikbi ako sa pag-iyak. Pero hinawakan nya Lang ako sa mukha ko at tsaka Umiling at inalis ang pagkakahawak ko sa palda nya. At ang Kasunod nun mabilis silang tumakbo ni dad papasakay ng sasakyan. Iniwan nanaman nila akong mag-isa Kasama ang mga katulong. Palagi nilang sinabi na para sa'kin ang ginagawa nila. Pero Hindi Ganoon ang nararamdaman ko. Kaya Mas nilakasan ko pa ang pag-iyak ko at Hindi ako tumigil.

"Kean,."  Nagising ako sa narinig na boses. Napamulat ako at nakita si Rose na isinandal ako sa Braso nya. "Kean tahan na.."  Mas lalo akong naiyak. Panaginip lang pala. Pero para sa akin bangungot ng katotohanan.

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon