Chapter ten

87 11 0
                                    



"Rose grabe yung Mathematic natuyo talaga ang utak ko grabe.." natawa na lang ako sa itsura ni zy dahil kumakamot pa s'ya sa ulo n'ya kakatapos lang ng mathematics subject namin kaya nagbibihis na kame ngayon para sa next subject namin ang  P.E.

"Bagay na bagay sayo ang P.E uniform mo Rose ang cute mong tingnan.."

"Salamat zy'ikaw din bagay din sayo.." sagot ko tsaka kame sabay na naglakad papunta sa field.

Sinabi ng teacher namin sa P.E na may meeting daw sila ng ibang mga P.E teacher kaya naman maiiwan n'ya muna kame,halos lahat ng mga kaklase ko nag hiyawan dahil free ang lahat na maglaro sa gitna ng field may kanya kanya din kase silang sport na gustong laruin.

"Rose kailan ka nga pala magpapalista para sa swimming competition?" Nagulat ako ng itanong yung sa'kin ni zy dahil nawala talaga sa isip ko ang pagpapalista ng pangalan ko.

"Naku buti pinaalala mo zy nawala sa isip ko.."

"Naku last day pa naman ngayon,kailangan mamaya makapagpalista ka na..excited pa naman ako makita kang lamangoy.."

"Salamat zy, wag kang mag alala tuturuan kita lumangoy.." napangiti naman si zy sa sinabi ko excited na excited.

Nag-pahangin lang kame ni zy sa ilalim ng puno samantalang ang iba namin mga kaklase masayang naglalaro ng footfall.

"Rose!zy! Halika kayo sali kayo sa'min.." sigaw ni shon sa'min ang president sa room namin.

"Talaga?isasali n'yo kame??" Gulat na sagot ni zy, eto kase ang unang beses na pinansin kame ng mga kaklase namin.

"Oo naman!halika na kayo.." nahihiya man kame pareho ni zy pero sumunod din kaagad kame.napangiti pa ako dahil ang sarap sa pakiramdam na unti unti nang lumalapit ang loob sa amin ng mga kaklase namin.

"Rose ikaw na ang sumipa.." sambit ni shon nasa team n'ya kase ako si zy naman sa kabilang team.ewan ko pero namumula ngayon si shon na nakangiti sa akin.

"Sige!" Sagot ko tsaka ako pumwesto sa base.sanay din ako sa larong ito malakas akong sumipa dahil sa okinawa nilalaro namin ito nila Lei sa tabing dagat kasama sila Ian.

Nang lumapit sa akin ang bola kaagad kong sinipa yun at halos mamangha ang mga kaklase ko dahil sa taas ng sipa ko hinabol nila ng tingin kung saan papunta ang bola at laking gulat ng lahat ng may tamaan ang bolang sinipa ko.

Napahawak ako sa bibig ko at pilit inaaninag ang natamaan ng bola medyo malayo kase ang nilipad ng bola at tumatama sa mata ko ang sikat ng araw kung kaya't hindi ko maaninag kung sino ang tinamaan.

"Naku patay na!!" Sigaw ng isa sa mga kaklase ko.

"Hala Rose!si kean ang tinamaan mo.." parang nag blocked out naman ako ng marinig ko ang pangalan na kean.. naku baka mas lalo nanaman s'ya magalit sa akin..anong gagawin ko??

Lahat kame ay natigil at nakatingin lang sa papalapit na si kean at ngayon kitang kita ko na sobrang galit s'ya kaya naman kumabog ang dibdib ko sa kaba nanginginig din ang mga tuhod ko,natatakot ako na baka kung ano nanaman isipin ni kean at magalit nanaman s'ya sa akin.

"Sino yung sumipa!!?" At ayun na nga ang Malakas na sigaw ni kean dahilan para mag tinginan at magsi tigil nanaman ang mga studyanteng naglalaro.

Walang sumagot sa mga kaklase ko kaya naman lumapit ako kay kean.

"Ako ang sumipa,pasensya ka na hindi ko sinasadyang tamaan ka.." yumuko yuko pa ako at pilit pinipigilan ang panginginig ng tuhod ko.

"Ikaw nanaman!! Talagang kinakalaban mo ko ah!!" Inis na sigaw n'ya dinuro n'ya na ako at nakikita ko na gumalaw ang litid n'ya galit talaga s'ya.

"Pasensya na talaga.." muling sambit ko tsaka ko s'ya hinarap at tinitigan sa mata..nang liit ang mata n'ya at matalim ang tingin sa akin.

"Alam kong sinadya mo yun kaya wag ka na magsinungaling pa!!."

"Hindi kean nagkakamali ka hindi ko yun sinasadya.."

Hawak hawak ni kean ngayon ang bola nakatitig lang s'ya sa akin at hindi ko alam ang iniisip n'ya.

"Wala pang gumawa nito sa'kin kaya humanda ka.." ngumisi s'ya tsaka naglakad papalayo pero nagulat ako ng bigla syang pumesto sa di kalayuan,ibinaba n'ya ang bola at akmang sisipain papunta sa akin.

"Rose papatamaan ka n'ya..naku naman bakit ba ganyan si kean ang sama sama ng ugali n'ya.." narinig kong bulong ni zy napalunok ako at hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.
Nang makita ko na sisipain n'ya na ang bola wala akong nagawa kundi ang mapayuko at pumikit.

"Kean!! Tama na yan!" Napamulat ako ng narinig ang sigaw ni Carl.

Nakita kong natigilan si kean at nilingon si Carl kasama n'ya ngayon si ken.

"Tama na yan babae yan.." muling sambit n'ya ng malapit sa gawi ni kean nakita ko naman na titigan s'ya ni kean ng masama naglalaban ang ang tinginan nila ngayon.

"Ano bang pake mo? Alam mo bang pinatamaan ako ng babaeng yan!!" Dinuro n'ya muli ako pero kay Carl ang matalim nyang tingin.

"Kahit na hindi mo pa din dapat ginagawa yan..hindi maganda na ang isang lalake ay pumapatol sa babae.." na ibaling ko ang tingin ko kay Carl at sobrang humahanga ako sa kanya pakiramdam ko tagapag tanggol ko s'ya dahil dumarating s'ya lagi para tulungan ako.

"Wow! Carl ako ang kaibigan mo pero parang lagi mo na lang pinagtatanggol ang babaeng yan!!"  Sobrang galit na si kean. Halos lumabas na yung litid nya.

"Tama na nga yan baka kayo pa ang mag away.."
Singit naman ni ken pumagitna s'ya sa dalawa.

"Sabihin mo nga sa akin bakit mo ba lagi pinagtatanggol ang babaeng yan?" Muling sigaw ni kean dahilan para magbulong bulungan ang lahat halos lahat ng studyante  nagkukumpulan at naghihintay sa isasagot ni Carl.

Hindi sumagot si Carl nakatitig lang s'ya kay kean.
Napalunok ako ng bigla s'ya sa akin tumingin yung mga tingin n'ya na kakaiba na May maamong mukha.kalmado Lang.

"Ano!!sumagot ka!sabihin mo lang may gusto ka dyan sa babaeng yan! Talo talo na tayo!!" Dinuro pa ako ni kean. Pero kay ken pa din ang paningin.

"Dre please lang wag kang sumigaw mag usap kayo ng maayos.." pang hihinuyo sa kanya ni ken.

"Ano???? Sagot!!!!!" Nauubusan ang pasensyang sigaw muli ni kean mas nakakatakot s'ya ngayon at sobrang nakakatakot ang mga tinginan nila ni Carl.

Nakita ko bumuntong hininga pa muna si Carl bago  s'ya akmang magsasalita.

Parang nag dilim ang paligid sa paningin ko at tanging si Carl at kean lang ang nakikita ko ngayon habang hinihintay ang isasagot ni Carl.





To be continued . . .

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon