Chapter seven

131 11 0
                                    


Panibagong umaga nakakapanibago Lang na pag nagigising ako ngayon Wala akong naririnig na huni ng mga ibon o di kaya'y tilaok ng mga manok,
At ngayon Kailangan ko ng bumangon para pumasok,pakiramdam ko tuloy natatakot na akong pumasok dahil baka awayin nanaman ako ng grupo nila shine,haaay bakit ba laging mainit ang ulo sa'kin ng magkatunog na pangalan, sa tokyo si Shane ang galit sa'kin dito naman si shine, hay naku naman ohhhh.

Mabilis akong naligo at nag ayos,sa totoo Lang sobrang nagagandahan ako sa uniform namin, ang cute Lang dahil maikli ang palda at mahabang long sleeve shirt ang uniform namin,pareho din naman sa okinawa ang pinag kaiba Lang ay May pa jacket pa ang sa Tokyo..Nag lugay Lang ako ng buhok dahil malelelate na ako Wala na akong oras pa para mag ayos ng buhok,napasimangot naman ako ng makita ko na sobrang itim pa din ng kulay ko ,haay Kailangan kaya babalik ang dati kong kulay..Pero bakit ba ganun na Lang makalait ang mga taga dito sa kulay ko,samantalang sa okinawa normal Lang na tan ang kulay namin dahil malapit kame sa dagat..haaay.

"Magandang umaga rose,halika na mag agahan ka na.." bati sa'kin ni auntie Amy.

"Magandang umaga din auntie.."

"Sige na rose kumain ka na mahuhuli na din ako sa trabaho ko kaya Hindi na kita masasabayan,yung Baon mo nakapack na dyan,mag ingat ka ah,Sige aalis na ako.." ngumiti na Lang ako sa mahabang sinabi ni auntie para ko na din kase syang pangalawang nanay, mag 40 na ang auntie Amy ko Pero hindi pa din sya nag aasawa masyado syang busy sa trabaho kaya Wala ng panahon pa sa pag ibig ayun ang sabi nya sa akin.

"Hoy! Ano tumayo ka dyan!" Narinig kong sigaw ni shine Halos magulat ako sa nakita ko ang grupo nya mukhang May inaaway nanaman.

"Wala naman akong ginagawang masama ah bakit ba kayo sa'kin nagagalit?.." sagot ng isang studyante na naka salamin at halos takot na takot sya nakaluhod sya at pinupulot ang mga dala nyang libro.

"Pano haharang harang ka sa dadaanan ko naapakan mo tuloy yung expensive shoes ko na FYI!mahal pa sa buhay mo!!"sigaw muli ni Shine  na akmang sasabunutan na ito.

"Shine wag!" Sigaw ko kagaad akong lumapit at humarang sa babae.

"There she is!!" sabi ng Isa nyang Kasama Halos lahat sila gulat na gulat sa ginawa ko.

"At Sino ka para utusan ako!!" Nakataas ang kilay nya na sigaw dinuro nya ako.
Kaya naman Tumalikod ako at tinulungan kong mag pulot ng mga libro ang nakasalaming babae.

"Salamat.." sagot nya na ngumiti sa'kin ng tipid.

"Hoy! Ang ayaw ko sa lahat yung tinatalikuran ako!!" Muling sigaw ni shine hinawakan nya ang balikat ko para iharap ako sa kanya at laking gulat ko na Lang ng sampalin nya ako,nahawakan ko ang kaliwang pisngi ko na sinampal nya sa lakas nun medyo nandilim ang paningin ko Pero ng bumalik ang paningin ko nakita ko ang matalim na tingin nya at mukhang galit na galit Talaga sya sa akin.

"Pakelamera! Ang kapal Talaga ng mukha mo! Pati ako kakalabanin mo din,stupida!"

"Hahaha.." tawa naman ng dalawang Kasama nya hanggang sa pag tinginan na kame ng mga studyante.

"Wala naman akong ginawang masama sayo para Ganituhin mo ako.." mangiyak ngiyak na sagot ko Hindi ako makapaniwala na sa ganitong paraan lang ako masasampal.

"Nababagay yan sa pakelamerang kagaya mo si shine pa ang kinakalaban mo ah!" Sabat naman ng kaibigan nya.

"Look at yourself now!yuck! Pathetic bagay kayo magsama ng weirdong yan!.." muli sabi ng kaibigan nya dinuro pa kameng dalawa ng babaeng May salamin na tinulungan ko.

Started with a kiss ~ON GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon