Shit! 5am pa lang pero ang haba na ng pila para sa audition!
Paano ba ito?
Nagpalinga linga ako sa paligid hanggang mapansin ko ang babaeng natutulog.. Di nya napansin na umandar na ang pila sa unahan niya.
Pasimple akong naupo sa unahan nya.. Mabilis na naramdaman ko ang pagtapik niya. Patay malisya akong lumingon sa kanya.
"Yes?"
Tumawa siya ng mahina at napailing..
"Kanina pa akong madaling araw dito.." saad niya
Siguro nasa 16 years old sya. In fairness maganda ang lola nyo lalo na kapag ngumingiti. Yung singkit nyang mata nakakaakit..
"Ako din eh!" pagsisinungaling ko
Muli siyang tumawa ng mahina..
"Kakarating mo lang.. Sumingit ka sa pila." malumanay na saad niya
"Di ah! Kanina pa ako dito!" pagpupumilit ko. Kapag di ako sumingit baka maabutan ako ng cut off. Sayang naman
"Kung kanina ka pa nandito dapat napansin ko.. Sa ganda mong yan." para namang nalunok ko ang dila ko sa sinabi niya.. Enebe! Pereng shere teh!
"Sige na.. Sumingit ka na.. Kung hindi ka lang maganda, di kita pagbibigyan." nahihiya akong ngumiti sa kanya.
"S-Salamat.. First time ko kasi. Hindi ko alam na tanghali na pala ito" paliwanag ko
"Okay lang. What's your name anyway?"
"I'm Jewel Delos Santos, 15 years of age! Lumaki sa Espanya pero Manila lang! Hehe you know? Yung malapit sa UST. Hehehe ikaw?" bibong pagpapakilala ko dito
"Ah. I'm Koleen Sato.. Kaka-16 ko lang. Dito ako sa Pilipinas lumaki pero limang taon din akong tumira sa Japan at kababalik ko lang dito."
"May lahi ka ba?" napansin ko kasi na singkit mata niya tapos yung apelyido nya di pang pinoy
"Lahat naman tayo may lahi. Ikaw lahing pinoy. Ako naman Japinay" may pagkaseryoso si Koleen pero mabilis ko siyang nakagaanan ng loob.
Siguro dahil mahaba din ang pila ay nakipagkwentuhan na lang ako sa kanya para di mainip..
"Sabi mo first time mo? Bakit wala kang kasama?" nawala naman ngiti ko sa tanong niya
"Ayaw kasi nila Mommy mag-artista ako. Magulo daw dito eh kaya tumakas ako! Hehehe" paliwanag ko sa kanya "Ikaw ba? Bakit mag-isa ka?"
"Walang sasama sakin. Yung lola ko lang kasama ko dyan sa bahay at yung nakababata kong kapatid na si Raven. Si Mama nasa Japan. Dun siya nagtratrabaho. Kaya nga gusto kong mag-artista kasi malaki kita dito. Mapapauwi ko na si Mama."
"Hmm.. Nasaan Daddy mo?" curious na tanong ko
"May ibang pamilya si Papa. Di niya naman ako kinikilalang anak.." nahabag ako sa narinig ko. Ang lungkot naman ng buhay niya.
"MAY NAKUHA NA KAMI! PWEDE NA KAYONG UMUWI!" sigaw ng babaeng may mga hawak na papel.
"Huh? Eh kanina pa tayo dito eh!" maktol ko.
Parang wala man lang paki yung babaeng nag-announce. Bigla na lang siyang pumasok sa loob.
"Tara na!" aya sakin ni Koleen..
"Huh? Ganon ganon na lang yun?" takang tanong ko
"Oo. Lika na! Kain tayo sa labas. Ipapaliwanag ko sayo." gusto ko pa magreklamo pero hinahatak na ako ni Koleen palabas kaya nagpatangay na lang ako.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanfictionSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...