Ligaw

561 36 72
                                    

Koleen POV

Nasaktan ako sa sinagot nya kaya ngumiti na lang ako.

"Sige, uuwi na ako" paalam ko sa kanya.

Tumango lang siya. Hindi man lang ako pinigilan. Samantalang dati halos itali niya na ako sa bewang niya.

"Malaki ka na. Di na kita ihahatid sa baba." pahayag niya na sinang-ayonan ko na lang.

Laglag balikat akong umuwi sa amin. Dalawang linggo pa bago mag-start ang taping namin pero may photoshoot naman na kami for cover next week but still ang tagal pa ng sunod naming pagkikita.

Maluwag ang schedule ko ngayon dahil nga di pa naman simula ang teleserye at wala kaming masyadong guesting ni Miguel epekto na rin siguro ng pag-amin ko. Nawalan siguro ng gana mga producer at management na invite kami.

Sa katunayan may mga nacancel na endorsement nga dahil dun pero ayos lang sakin. Mas maluwag nagiging paghinga ko. Mas malaya ang galaw ko.

Nanunuod lang ako ng tv sa bahay kasama si Lola at Raven. Matagal na rin namin hindi nagagawa ito dahil nga sa pagiging busy ko. Atleast ngayon nagkakaroon ako ng quality time sa pamilya ko.

Kapag nagkaayos na kami ng tuloyan ni Jewel ay mas mabibigyan ko na rin siya ng oras. Speaking of Jewel simula ng umuwi ako hindi pa rin siya nagpaparadam sakin. Hindi ko rin naman siya kinukulit text o tawag dahil gusto niya nga daw mapag-isa.

Kinaumagahan nagwork out ako. Medyo nag-gagain na rin kasi ako ng weight dahil sa pagkain at pagpupuyat.

Habang nagwowork out ay kanta ni Jewel ang pinapakinggan ko. Sarap talaga sa tenga ng boses ng mahal ko. Hindi nakakasawa. Hihihi

Nang mapagod ako ay nagbukas ako ng social media account. Syempre di mawawala mga hate comment tungkol sakin. Binabalewala ko na lang yun, nasasanay na rin ako sa mga fans.

Ganyan naman sila puro kilig lang habol. Sasabihin nilang mahal nila kami pero kapag di namin nabigay ang gusto nila kung ano ano sasabihin nila.

Hindi ganon ang pagmamahal. Tulad ng pagmamahal ko kay Jewel. Kahit na hindi sumasang-ayon lahat ng nangyayari sa kagustohan ko ay kailangan kong tanggapin. Mahal ko siya kaya tatanggapin ko kahit ano pang magawa niya. Kahit masaktan niya pa ako rerespetohin ko pa rin siya.

Hanggang hindi niya sinasabi sakin na wala na kami, na hindi niya na ako mahal ay hindi ko siya isusuko.

                                                                 

Nag-post muna ako ng picture ko for this morning para mag-update sa mga taong nagmamahal pa rin sakin. Meron pa namang natira yung mga nagmamahal sakin tsaka yung JewLeen stan. Sila nga pinaka tuwang tuwa e. Hahaha

Mababait din kasi ang JewLeen Stan. Kahit ng mga panahon na lagi silang inaaway ng mga MK at sinasabihan ng kung ano ano ay nanatili pa rin sila. Sinuportahan pa rin nila kami ni Jewel kahit individually, kahit wala silang napapala samin dahil nga puro kami pagtatago ay hindi pa rin nila kami nakakalimutan.

Dahil hindi rin ako busy ay nagrereply ako sa mga fans. Syempre dun lang sa matitino ang sinasabi. Hanggang sa may nagtanong kamusta daw kami ni Jewel.

@/koleen_sato : @/jewel13 kamusta daw tayo, Loves?

Alam kong maseseen ni Jewel yun. Si Jewel pa ba? Laging active sa social media yun.

Di nga ako nagkamali. Ilang saglit pa lang ay nag private chat na siya sakin.

@/jewel13 : Burahin mo tweet mo!

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon