Jewel POV
Masaya akong pinagmamasdan si Koleen habang nakikipagkulitan sa fans niyang parang naging kaibigan niya na ang mga ito.
Ako naman ay pangiti ngiti lang dito sa tabi ni Koleen. Hanggang may naisip akong pagbabago ng plano para sa birthday ni Koleen.
"Loves, cr lang ako." paalam ko dito. Tumingin pa siya sakin na parang ayaw ako paalisin sa tabi niya "Dyan lang ako oh" turo ko sa may cr nila.
Pagdating ko sa cr ay may mga tinawagan ako at kinausap.
*tok *tok
"Loves, bakit ang tagal mo dyan?" usisa ni Koleen sakin. Mabuti na lang saktong natapos na ako makipag-usap.
Nakabusangot akong lumabas.
"Bakit ba hanap ka ng hanap sakin? Di ka ba makakahinga ng wala ako sa tabi mo?!" irita kunwaring tanong ko para di siya magtanong bakit ang tagal ko sa cr.
"Nakakahinga naman kaso mas gusto kong nasa tabi kita." sagot niya na nakalabi.
"Osige na. Nandito na ako." saad ko at hinimas pa ang pisngi ng muka niya.
"Sa kwarto na tayo. Matutulog na rin sila e" tumango naman ako.
Pagkahiga namin ay yayakap agad dapat siya sa akin pero inawat ko agad.
"Talikod." nagtaka naman siya sa sinabi ko pero sinunod niya pa rin.
Niyapos ko na siya mula sa likod. Gusto ko, ako naman yayakap sa kanya. Gusto kong malaman niya na hinding hindi ko na siya tatalikuran pa. Di ko na siya susukuan.
"Loves?" mahinang tawag niya sakin.
"Uhm?"
"Mahal na mahal kita" saad niya at lumingon pa sakin.
Napangiti naman ako at marahang hinimas ang pisngi niya. Ganito ang ginagawa ko kapag gusto ko na siyang halikan.
"Mahal na mahal din kita, Koleen." siniksik ko ang ulo ko sa leeg niya at tuloyan ng napikit.
--
Maaga akong nagising para magluto ng kakainin naming lahat.
Nagluto ako tinola. Tinulongan din ako ng isang taga-hanga ni Koleen magluto, di daw kasi siya makatulog. Namamahay siguro.Kinuwento ko na rin sa kanya ang plano ko sa birthday ni Koleen kaya siya na nagsabi sa mga kasamahan niya. Nangako naman silang tutulong.
Ilang sandali pa ay gumising na din si Koleen.
"Good morning." bati niya sakin at humalik pa sa pisngi ko.
"Makita ka ng fans mo!" asik ko sa kanya.
"Cheek lang eh. Damot mo! Siguro iba na gusto mong humalik sayo." nilingon ko naman siya para pagalitan sa biro nya kaso mukang seryoso pala siya.
Sumikdo agad ang puso ko ng makita kong malungkot siya.
"Koleen" mahinang tawag ko sa kanya pero nagtungo na siya sa mga fans niya.
Mukang di maganda ang gising niya. Hindi naman ganon ibig sabihin nun e.
Nagsandok na lang ako ng almusal namin. Tinulongan naman ako ni Raven at Lola mag-asikaso ng mga bisita.
Nang matapos mag-handa ay naupo na ako sa tabi ni Koleen na hindi ako pinapansin.
"Pakpak ng manok oh. Paborito mo 'to diba?" tanong ko sa kanya habang nilalagyan ng ulam ang kanin niya.
"Yeah" walang ganang sagot niya.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanficSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...