Nang maipalabas na ang commercial ko ay regular na akong nakakatanggap ng mga pa-extra extrang role sa mga teleserye at movie.
Masaya ako dahil kahit wala pang malaking pag-ganap talaga ay atleast nakakakuha na ako ng regular na kita para sa amin. Yung mga pagkakautang namin ay unti unti ko ng nababayaran.
"Alam mo Koleen. Sisikat ka kapag may manager ka." saad ng isang assistant director. May taping kasi ako ngayon. Extra lang naman. Pero kahit extra lang sobrang hirap kasi saglit lang naman ang oras ng taping ko pero buong araw kasama sa production. Di pwede umuwi hanggat hindi pack up.
"Wala naman pong nakuha sa akin." sagot ko sa sinabi nya
"Ikaw ang lumapit sa kanila, Koleen. Tingnan mo yan si Bianca. Hindi naman marunong umarte pero nakakakuha ng lead role. Alam mo kasi malakas ang manager nyan! Alam mo pano niya nakuha? Lumapit siya. Pinuntahan niya mismo"
"Anong sinabi niya?" ngumisi naman siya sa tanong ko
"Alam mo naman yun! Haha lalo na sa mga tulad nya na pilit ang talent? Tsk. Sigurado nagsanla ng katawan yan. Pero ikaw kung may talent ka naman talaga pwede kang mag-video ng sarili mo tapos i-send mo sakin. I sesend ko sa mga manager na kakilala ko, malay mo magustohan ka nila. " natuwa naman ako sa mga huli niyang sinabi.
"Talaga po? Salamat po Sir. Ken!"
"Naku. Wala pa nga eh. Nakita ko naman na marunong ka umarte, determinado at maganda pa. May lugar ka sa showbiz kung makakasabay ka lang talaga sa agos dito." matagal na sa showbiz si Sir. Ken at kung makapagsalita siya parang napaka dilim talaga ng mundo ng showbiz.
" Sige po sir!" gabing gabi na ng matapos kami sa taping ngayong araw.
Nag-check ako ng phone at agad akong napangiti nang mabasa ang pangalan ni Jewel.
From: My Loves
Koleen, wala akong kasama sa bahay. Nag-out of town business si Mommy at Daddy.
Punta ka dito, Loves. Samahan mo ko.
Napalunok naman ako sa nabasa ko. Kahit naman walang out of town business ang parents ni Jewel ay wala talaga syang kasama kundi mga katulong lang.
To: My Loves
Kakatapos lang ng taping namin. Gising ka pa?
11pm na kasi. Sa studio lang naman kami nagtaping kaya isang jeep lang ito papunta sa bahay nila Jewel.
From: My Loves
Yes. Hinihintay kita dito.
Hindi na ako nakareply kay Jewel. Basta ko na lang tinago ang cellphone ko at sumakay na papunta sa bahay nila.
Alam ko naman papunta dun dahil ilang beses ko na siyang nahatid sa tapat ng gate nila.From: My Loves
Text ka sakin kapag nasa labas ka na ng gate. Ako na magbubukas ng gate.
Sakyo pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay natanggap ko ang text kaya agad ko siyang tinext.
To: My Loves
Loves, andito na ako sa labas.
Mabilis akong nakarinig na parang may sumisitsit sa akin. Sinundan ko ang pinang-gagalingan nun at nakita ko si Jewel sa balcony nila nakaway.
"Wait mo ko, Loves!" she mouthed bago mabilis tumakbo papasok ulit.
Ilang saglit pa ay bumukas na ang gate.
Muntik pa akong mabuwal sa biglang yakap ni Jewel sakin
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanfictionSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...