Habang nakatulala sa kisame ng unit ko ay tumawag si Sir.Donty.
"Hi Jewel! How are you?"
"Okay lang po. Kumusta kayo?"
"Doing good. Nga pala, tumawag lang ako para sabihing may invition ka for Star Magic ball" biglang nanlanki ang mata ko at na-excite!
OMG! First time ko sa Star Magic ball!
"Talaga po? OMG!!" tumitiling saad ko. Isang karangalan mapasama sa Star Magic Ball. Masasabi mong ganap ka ng artista kapag napasama ka dun.
"Yes. Wag kang magdadala ng partner" bilin niya sakin. Ayaw niya talaga ng may jowa ako eh
"Ahm. What about Koleen po?" tanong ko dito. Pwede naman sigurong sabay kami pumunta ni Koleen sa event.
"Ha? Koleen? Yung bestfriend mo?"
"Opo"
"Diba magkasama sila ni Miguel dun? Alam ko sila ang magkasama kasi ang sabi daw ay talagang nagkakamabutihan na ang dalawa. Hindi mo ba alam yun?" nawala ang ngiti sa labi ko sa pahayag nito.
"Ha? H-hindi po. Wala naman po kasing nababanggit si Koleen sa akin"
"Baka di pa lang nasasabi sayo ni Koleen. But i saw them get along offcam. Ang sweet nga eh" parang kinikilig na turan nito
"Ah. Sige po. Mag-isa na lang akong pupunta hehe" pinilit kong magmukang di apektado sa sinabi nito.
"You can come with your other celebrity friends. As long as it's not a a guy. Ayuko ng issue na nakikipag date ka na. You're still young" bilin nito na sinang-ayonan ko na lang. Wala naman ako gaanong celebrity friends.
Kinabukasan ay dinalaw ako ni Keira sa unit ko.
"Bakit muka ka na namang malungkot?"
"Wala. May iniisip lang ako" pagtanggi ko "Ano na naman palang ginagawa mo dito? Mabuti naisipan mo ng umuwi" pag-iiba ko ng usapan
"Hahaha nakakahiya na kasi sa pinsan ni Red."
"Meron ka pala nun?" pilosopong sagot ko
"Oo naman nuh! Nga pala. Maiba tayo magkikita na kayo bukas ni My Loves mo ah. Ayieh!" tudyo niya sakin. Kung dati ay kinikilig agad akong maisip na makakasama si Koleen ngayon ay parang wala akong maramdaman.
Siguro kasi di ako umaasa na magkikita kami bukas. Baka may bigla na namang gagawin yun at masaktan na naman ako kapag umasa ako.
"Sana." tipid na sagot ko dito
"Bakit parang di ka pa rin masaya?" nagkibit balikat lang ako at nilipat ang channel ng pinapanuod ko sa myx.
Tahimik lang kaming nanunuod hanggang sa i-commercial na next month ay si Miguel at Koleen pala ang Celebrity VJ. Bigla akong napahinto ng makita kong magtitigan silang dalawa at parang kinikilig si Koleen.
Hindi talaga ako nanunuod ng mga palabas nila kasi alam ko naman na may pagkaselosa ako kaya iniiwasan ko. Nagkataon naman na nakita ko ngayon ito.
"Tingin mo may gusto na sila sa isa't isa?" wala sa sariling tanong ko
"Ha? Pinagsasabi mo dyan Mamang?! Imposible nu. Sa tagal niyo ni Koleen hindi mo pa alam gaano ka kamahal ng tao? Tsaka iba siya tumingin sayo kumpara mo sa iba talaga. Yung mata niya kapag tinititigan ka parang mga tala na kumikinang." mahabang sagot nya na parang nag d-daydream pa.
"Talaga ba?" hindi ako naniniwala. Marahil noon oo pero ngayon? Ewan ko na lang talaga.
"Oo. Kaya wag ka ng maisip ng kung ano ano. Sabi nga nila, trabaho lang walang personalan!" tumango na lang ako dito kahit na di ako sigurado.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanfictionSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...