Koleen POV
"Pasensya ka na, Jewel. Ito lang nakayanan ng budget ko eh." paghingi ko ng tawad sa kanya.
Second Anniversary kasi namin ngayon kaya dinala ko siya dito sa Rizal Park lang. Malapit din kasi sa school niya para di kami masyadong gabihin.
Kumakain kami ngayon sa isang restaurant malapit dito. Masarap naman ang pagkain. Naka-aircon din di tulad sa tapsihan na laging pagpapawisan si Jewel.
Mahal na mahal ko kasi siya kaya gusto ko lagi siyang mapasaya. Unang kita ko pa lang talaga sa kanya nahumaling na ako. Lalo na kapag ngumiti siya? Wala na! Hulog na hulog na ako.
"Okay lang naman! May pera ako tsaka may sasabihin ako sayo!" masayang turan niya
"Ano yan?" ngiting saad ko
"Sabi ko kay Mommy may project akong gagawin at mag-oovernight ako! First overnight natin together!!" lumaki ang mata ko sa sinabi niya..
"Totoo? Mapapakilala na kita kay Lola?" excited na ako! Makakasama ko siya sa pagtulog
"Yep!" ngiting saad niya.
Naglakad lakad lang kami saglit sa Park para magpababa ng kinain at plano naming umuwi na agad sa bahay para mapakilala ko na siya kay Lola at Raven.
Makikilala na nila ang napakaganda kong girlfriend!Di naman lingid sa kaalaman nila ang relasyon namin ni Jewel pero di pa nila ito nakikilala at bawal namin ipaalam kay Mama dahil siguradong magagalit yun.
Kaya nga dagdag inspirasyon ko rin si Jewel sa pag-abot ng pangarap ko. Kailangan kong maging successful para hindi hadlangan ni Mama ang relasyon namin.Seryoso talaga ako kay Jewel kahit bata pa kami at mabilis ang nangyari sa amin.
Siguro nga nagsimula kami sa puppy love at na-overwhelmed kami pero makalipas ang dalawang taon na relasyon namin talagang nag-grow na ang feelings namin para sa isa't isa at nagiging mature na rin kami.We growing up together. Ang sweet diba?
"Upo muna tayo, Koleen.." aya nya sakin.
Naupo kami sa tapat ng fountain na sumasayaw kasabay ng ilaw.
Napapitlag ako ng maramdaman ang pag-unan nya sa balikat ko.
Kinuha niya pa ang kamay ko at pinagsalikop sa kamay niya.She's extra sweet and clingy today. Ganon ba talaga kapag anniversary? Hehehe
"Koleen.. Natatakot ako"
"Ha? Bakit naman?"
"Eh kasi pakiramdam ko malapit ka na sumikat tapos baka makipag-break ka na sakin. Syempre! Mas makikinis mga artista na makakasalamuha mo. Mas gwapo't maganda.. Gusto ko na rin mag-artista." mahabang saad niya.
"Jewel naman. Diba nga nag promise na ako sayo? Di ka ba tiwala sa pagmamahal ko sayo? Di kita iiwan. Sobrang mahal kaya kita. Hindi ko kayang mawala ka at mapunta sa iba" humigpit ang pagkapit niya sakin
"Pangako. Pagtungtong ko ng 18, sasamahan kita mag-artista! Parehas tayong magiging sikat!" napangiti naman akong isipin yun.
"Tapos magkakaroon tayo ng movie na tayong dalawa ang bida!" saad ko
"Mga endorsement at concert na magkasama tayo!" gatong niya pa.
Ang dami naming pinag-usapan tungkol sa pangarap naming dalawa hanggang sa lumalim ang gabi at ayain ko na siyang umuwi.
Tulad ng nakagawian namin ay ako ang may bitbit ng paper bag niya.
At from Manila at sumakay kami ng jeep pa-QC then nag tricycle kami sa tapat ng kanto ng tinitirhan namin.
Masikip na kasi kaya di na makakapasok ang tricycle kailangan na namin lakarin.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanficSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...