Cover Up

384 26 40
                                    

Jewel POV

Nagulat kami sa nabasa naming article headline. It was just posted a seconds ago. It started from a tweet of a fan.
Sila yung mga nakasalubong namin sa elevator kanina.

@/jennnieeee: I don't know if you'll believe me or not but i heard with my two ears that @/koleen_sato called @/jewel13 'loves'. It was so sweet and really comes natural. I guess they are secretly dating. Koleen also carrying a box that has a name of Jewel on it. I guess it's a gown for Star Magic Ball! Owoo. Look at the photo attached.

Kitang kita sa picture na bitbit nga ni Koleen ang gown ko. Ayos lang sana ang tweet na yun pwede pa namin depensahan pero maraming nag-comment. Showing a proof that we're really look dating secretly. Mga picture namin nung pumunta kami sa BGC, sa Tagaytay Resort at pati na rin ang mga pagpunta ni Koleen sa condo at sa bahay nila. Naglabasan na rin mga old photos namin ni Koleen kung saan sobrang sweet namin.

"Care to explain, Jewel?" seryosong pahayag ni Sir. Donty.

"It was just a rumor. A-alam mo naman ang fans. Mahilig silang mag-conclude ng mga bagay bagay. Binibigyan nila ng malisya lahat ng nakikita nila. We're bestfriend as in super! We're bestfriend for 4 years so it's a normal thing." pag-dedeny ko.

Kilala ko si Sir. Donty. Ayaw na ayaw niya na magkaroon ako ng karelasyon. Baka kapag umamin ako sa kanya ng tungkol sa amin ni Koleen ay paghiwalayin niya kami.

"What can you say about this, Koleen? You have a big name and a love team" baling nito kay Koleen na tahimik lang at parang nag-iisip.

"W-wala naman po akong dapat sabihin. N-nasabi na ni Jewel ang paliwanag" napasapo na lang sa ulo si Sir. Donty.

"Excuse me. Natawag si Mommy Dina" paalam ni Koleen samin tsaka siya lumayo muna.

"Magkaibigan lang ba talaga kayo? Kasi kung ako magbabasa ng mga sinasabi ng fans maniniwala akong may relasyon kayo." pahayag pa rin ni Sir. Donty. Hindi ko na siya inimik dahil parang di naman siya nagtatanong.

Nagcheck ako sa twitter at galit na galit ang mga MK fans kay Koleen. Kung ano anong pang babash sinasabi nila dito na parang nagtaksil si Koleen kay Miguel. At syempre di mawawala ang mga pagmumura, pangmamaliit nila sakin na halos isumpa na ako.

Ilang saglit pa ay bumalik si Koleen na parang kabado.

"Jewel, i need to go. Pinapatawag ako ni Mommy Dina."

"Mabuti pa nga, Koleen. Baka lalo lang madagdagan ang issue kapag may nakakitang magkasama kayo ngayon." gatong ni Sir. Donty

"Sige po sir." paalam ni Koleen dito "Jewel, i'll contact you later." lumapit pa siya sakin at hinalikan ako sa pisngi bago siya nagmamadaling umalis.

"Kapag nakarating sa Mommy mo ito, Jewel baka makunan siya kahit di siya buntis!!" histerikal na saad ni Sir. Donty

"Ganon ba kasama yun kung totoong kami ni Koleen?" may bahid ng hinanakit na tanong ko dito "Hindi ba dapat ikaw mas makaintindi samin if ever kasi parehas tayo ng sitwasyon?" napatingala siya sakin at tinitigan ako ng mabuti.

"Jewel" mahinang tawag nya sa pangalan ko na para bang di niya alam saan uumpisahan ang sasabihin.

"Anak anakan na kita. Matagal na ako sa showbiz at sa mundong ito. I know how cruel the fans are. May malakas na love team si Koleen and they will not appreciate if she has a girlfriend." bumuntong hininga pa siya at muling nagsalita

"Most specially the humans. They are so judgemental to those like us! I knew it. I can feel it but i'm denying it to myself because i'm giving you benefit of the doubt and i want to protect you. Most people still don't understand us fully. Yung iba nga dyan ang tingin sa atin ay may sakit. You're too young to handle the judgement and all the hate that you probably can get. The World might be against you" hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Napayuko na lang ako habang nilalaro ang daliri ko.

Chasing The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon