Lumipas na naman ang mga araw na hindi kami nakakapag-usap o nagkikita ni Jewel. Mabuti na lang inimbitahan pa rin ako ni Mommy Ruby sa birthday ni Jewel. Ang kaso lang may premier night kami sa mismong gabi na yun.
"Anong oras ba tapos ng premier night, Mommy?" nag-aalalang tanong ko.
"Mga 10pm pero siguro mga 11 ka na makaka-alis kasi may mga interview pa. Bakit?"
"Mommy, birthday celebration ni Jewel yung 13 ng gabi!" hindi naman umimik si Mommy Dina sakin.
"Mommy, baka naman magagawan ng paraan?"
"Anong gusto mong gawin natin Koleen? I-move natin ng Wednesday ang 13? At di ka rin pwedeng mawala sa premier night." ma-awtoridad na pahayag nito
"Pero Mommy, lalong magagalit sakin si Jewel kapag wala ako sa birthday niya." giit ko dito.
"She's turning 19 right? Dapat marunong siyang umintindi ng sitwasyon mo. Please, Koleen! Stop this your nonsense rant!" pagalit nito sakin kaya natahimik ako.
"Baka pwede naman na umuwi na ako sa kalagitnaan ng movie?" hirit ko pa dito pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
Hindi ko pa rin nacocontact si Jewel kaya di ako makapag paalam. Madadagdagan na naman ang sama ng loob niya sakin! Para na akong mababaliw.
Sakto habang naglalakad ako sa hallway ng studio ay nakita ko si Red.
"Red!!" malakas na tawag ko dito pero yung loko pagkakita sakin kumaripas takbo palayo. Parang tanga naman! Nakakabwisit!
Dahil may oras ako ngayon ay tumambay ako sa bago kong favorite tambayan na. Sa convenience store sa baba ng Wil Tower. Nagsuot lang ako ng shades at cap.
Nakita ko kasi sa IG Story ni Jewel na may ganap siya kaninang tanghali kaya pauwi na yun. Nainom lang ako sa smoothy ko ng may humintong pamilyar na sasakyan. Ibinaba nun si Jewel.
Mabilis na akong kumilos at lumapit.
Sabay sa paglapit ko ang pagbaba ni Chino mula sa driver seat.
Magpapaalam pa sana si Jewel sa kanya pero ng makita ako nito ay mabilis siyang naglakad papasok sa loob ng building kaya sinundan ko siya.Pagsakay niya ng elevator ay mabilis akong sumakay. Di ako pumayag na maiiwan niya ako. Ngayon ang maswerteng araw ko sa nakalipas na mga araw kaya di ako papayag na di ko siya makaka-usap.
"Jewel, mag-usap tayo." mahinang pakiusap ko sa kanya. May dalawa pa kasi kaming kasabay sa elevator.
Hindi nya ako inimik at ng pasara na ang elevator ay bigla na lang sya lumabas. Mabuti na lang talaga ay di ako nasaraduhan.
Hinabol ko siya palabas. Mabilis siyang akmang sasakay sa kotse ulit ni Chino ng isarado ko ang pinto at humarang dun.
"Tumabi ka dyan!" bulyaw nya sakin
"Please naman, Loves. Nagmamakaawa na ako sayo. Mag-usap naman tayo. Miss na miss na kita. Pakinggan mo ko please." buong pusong pagmamakaawa ko sa kanya.
"Tapos anong sunod Koleen? Papatawarin kita tapos ano?! Masasaktan na naman ako? Pagod na pagod na ako, Koleen! Ayuko na!!" napahinto ako sa mga huling salitang sinabi niya.
"A-ayaw m-mo na?"
Hindi siya sumagot sa tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin at kinagat ang ibabang labi niya para pigilan ang nagbabadyang luha nya sa pagpatak.
"May nga dumadaan ng mga tao. Baka may makakilala o makahalata sa inyo" pahayag ni Chino.
Nilingon ko naman ito na nakatayo sa tabi ni Jewel pero mabilis ko rin binalik ang tingin ko kay Jewel.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanfictionSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...