Jewel POV
Matapos ang birthday ko ay agad kong kinulit si Mommy na ipakausap na ako sa manager na hahawak sakin.
"Hi Ma'am! Mukang di naman ako magsisisi dahil maganda naman pala talaga itong anak mo at sabi mo nga talented." saad ni Sir. Donty. Bading siya at mukang mabait.
"Yes sir. Medyo pasaway lang siya maybe because of her age but controllable pa rin naman at gustong gusto niya talaga mag-artista." sagot ni Mommy. Nandito lang ako sa gilid pangiti ngiti para lalong lumabas ang ganda ko.
"Ah. Marami na akong artist na nahawakan na mga pasaway. Ang madalas lang talaga namin napag-aawayan ay ang pa-gigirlfriend o boyfriend."
"Bawal po ba yun?" mabilis na singit ko
"Well in my management at the young age hindi ako napayag na may jowa ang alaga ko. Distraction yun sa career. I've been there before! Sobrang nakaka-stress ang may mga jowa!" napapahawak pa siya sa sentido nya na parang kahapon lang nangyari yun.
"Oh. Don't worry about that. Wala pa sa isip ni Jewel yan. She's single and focus to her career. Right Jewel?" nakangiting tanong sakin ni Mommy
"Y-Yeah.." napipilitang sagot ko. Sorry, Loves.
"Good then let's start the discussion of the deal."
Yung mga sinabi ni Koleen sakin na sinabi ng Manager niya eh yun din ang sinasabi ni Sir. Donty. Halatang matagal na ito sa showbiz at alam na alam ng kalakaran sa mundo.
Napagdesisyonan din ni Mommy na i-enroll ako sa mga workshop. Acting workshop ng star magic. Dance workshop ng G-Force pati na din sa The Musical Voice of Ryan Cayabyab for voice lesson.
Pagkatapos namin makausap si Sir. Donty ay papunta naman kami ngayon ni Mommy sa condo ko sa Wil Tower. Nagdridrive si Mommy kaya nagkaroon ako ng chance i-text si Koleen.
To: My Loves
Loves, gagawa din ako ng bagong social media account. Kailangan ko i-private at change name mga personal account ko. You know? Tulad ng sayo. On the way kami ngayon sa Wil Tower. Yieh! Magkakalapit na tayo!
Malapit lang kasi kila Koleen yung Wil Tower. Kung lalakarin mo mga 10 minutes pero pwede naman mag tricycle, bente lang bayad!
Mabilis na nagreply si Koleen sa akin.
From: My Loves
Really? That's great! Anyway, kasama ko ngayon sila Zandra. Alam mo naman utos ng management.
Utos kasi ng management niya na makipag-hang out dito for publicity. Si Zandra ang lead star sa bagong movie na kabibilangan ni Koleen. Bestfriend siya dun ni Zandra kaya key-role din sya at sobrang saya naming dalawa ng mabalitaan yun.
Finally a progress to her career!
"We're here." anunsyo ni Mommy ng patayin ang makena ng kotse.
Habang nakasakay kami sa elevator ay tinitignan ako ni Mommy.
"My Gosh Jewel! I'm not sure about this. Sigurado ka bang kaya mo mag-isa? I can send one of our maid here para naman may aalalay sayo. Para makasigurado din akong di mo mapababayaan ang pag-aaral mo." rant ni Mommy. Graduating pa lang kasi ako sa Senior High. Pagdating ng College naman ay mag-oonline class lang ako, Bachelor of Fine arts kukunin kong course. Si Koleen naman ay pansamantala siyang tumigil para makapag-focus daw sa pag-aartista.
"Malaki na ako, Mommy. I can handle myself na!" determinadong sagot ko
Tiiing
Paglabas namin ng elevator ay nakasalubong agad namin si Max at Yaz. Yung rumored dating na celebrities! Mukang totoo nga ang issue pero sabi nga ni Sir. Donty sakin give respect pa rin daw sa privacy ng kapwa artist namin.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanfictionSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...