Maaga ako gumising ngayon para mag-gym. Naka-wireless airpods lang ako habang nakikinig sa kanta at nagsisimula sa cardio exercise ko.
Sa kalagitnaan ng pag-eexercise ko ay huminto ang kanta na pinagtaka ko.Pagtingin ko sa cellphone ay nakita kong may natawag na unregistered number. Sinagot ko iyon habang nagpapatuloy sa ginagawa ko.
"Yes?"
"No?" sagot ng kabilang linya.
"Sino ito?" mumurahin ko na sana kaso naisip ko baka director o kung sinong VIP.
"Chino." tipid na sagot nya na nagpataas ng kilay ko.
"At anong kailangan mo at napatawag ka?" masungit na tanong ko dito
"Hmm. Actually may kailangan talaga ako. At dahil humingi ka ng pabor sakin baka naman pwedeng ako naman humingi ng pabor sayo ngayon?" napahinto naman ako sa ginagawa ko
"Diba nilibre na kita? Di pa ba sapat yun?!" iritang ko saad dito
"Nilibre mo ko para sa paghatid ko ng bag mo na iniwan mo pero para sa paghatid ko sayo mula Batangas hanggang QC. Wala pa!" pagdadahilan niya
"My Ghad! Di ko alam na palabilang ka pala!" natahimik naman siya sa sinabi ko.
"Hindi naman sa ganon. Pero kailangan ko talaga ng makakasama mamili ng grocery e. Si Mommy kasi inutusan akong mag-lagay ng food stock sa condo. Di ko naman alam ang mga bibilhin ko. Wala akong kapatid na babae at wala ding kaibigang babae." mahabang paliwanag niya
"Ako pa isasama mo? Wala rin akong alam. Yung katulong naman bumibili ng pagkain para sakin."
"Sige. Wag na lang. Salamat ha?" malungkot na pahayag nito kaya nakaramdam ako ng awa.
"Saan ba tayo bibili? Kailan at Paano?" muli siyang natahimik sa sinabi ko "Hoy! Ayaw mo ata e. Wag na nga!" pagbawi ko
"Oo na. Sunduin kita dyan within an hour."
"What?! Huy! Wala pa akong ligo. Pawisan nga ako dahil nag-g-gym akl ng tumawag ka!"
"Edi, within 2 hours. Sige na kikilos na ako. Kilos ka na din." sasagot pa sana ako pero pinatay niya na ang tawag.
---
Akala ko nagbibiro lang siya pero wala pang dalawang oras ay nasa baba na siya kaya nagmamadali akong puntahan siya.
Simple lang naman suot ko. Fitted Jeans at loose t-shirt na tinuck-in ko sa bandang unahan.Naabutan ko siyang nakasandal sa kotse niya at parang may tinatawagan. Tumunog naman ang phone ko. Ako pala tinatawagan niya. Nireject ko lang ang call at lumapit na sa kanya.
Naka white ripped jeans lang siya at pink plain tshirt.
Ako lang ba? Pero ang hot ng mga lalaming naka kulay pink na damit! Lalo na kung bumabakat yung broad shoulder at chest."Tawag na tawag! Andito na ako!" salubong ko sa kanya. Hindi ko kasi alam paano siya babatiin.
Hindi naman kasi kami magkaibigan para mag-hi o hello ako sa kanya."Ang bagal mo kasi! Ilang minuto na akong andito!" reklamo niya habang pinagbubuksan ako ng shotgun seat.
"Ay! Pasensya na po ha? naligo pa kasi ako! Hindi pa nga ako nakain. Bigla bigla ka kasing natawag!"
"May klase na kasi ako mamayang hapon. Di ka naman nag-aaral kaya ayos lang yan" saad niya at nagsimula ng mag-drive.
"FYI! Nag-oonline class ako nuh!" tumawa lang siya sa sinabi ko kaya wala ng nagsalita samin hanggang makarating ng grocery store di kalayuan sa Wil Tower.
BINABASA MO ANG
Chasing The Star
FanfictionSi Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad, maganda at matalino. Kaya nyang sumayaw, kumanta, umarte at kung ano ano pa basta sabihin mo lang...